2017-03-09


TAKE our latest news quiz slash survey. This time, there will be no wrong answers. You just have to read. Enjoy!

1: Galit na galit ang mga opisyal ng Malacañan nang mapanood ang teaser ng latest episode ng US TV series na ‘Madam Secretary.’ Ipinakita kasi rito ang panghihipo ng isang fictional Philippine president sa babaeng US Secretary of State. Bakit napikon nang todo ang mga taga-palasyo?

A: Ang pamagat kasi ng episode ay “President First (Dapat una si presidente)”

B: Sarcastic daw ang show dahil ang gumanap na presidente ay walang pores.

C: Ang CBS kung saan ipinapalabas ang ‘Madam Secretary’ ay “bias” at “dilawan.”

D: Mas katanggap-tanggap daw kasing maakusahang murderer kaysa manyak.

2: Sa teaser ng US TV series na ‘Madam Secretary,’ ipinakita ang pagsuntok ng bidang babae sa fictional Philippine president dahil sa panghihipo nito. Galit na galit ngayon ang palasyo at ang mga ka-DDS. Kung sa totoong buhay nangyari ang panghihipo, ano ang magiging reaksyon nila?

A: “Pilyo lang talaga si Tatay Digong. Wala siyang masamang intensyon.”

B: “Presidente ‘yan ‘no! Choosy ka pa girl? #PahipoGoals”

C: “Sinungaling ‘yan! ‘Di naman kagandahan, bakit ka hihipuan?!”

3: Kung may susuntukin pang fictional Filipino government official sa nasabi ring palabas, sino ang gusto mong isunod?

A: Manny Pacquiao

B: Vitaliano Aguirre

C: Martin Andanar

D: Bato De La Rosa

E. Alan Peter Cayetano

F: Honorable MTRCB Board Member Mocha Uson

G: “Bias” ang tanong na ito. Ang daming choices. Pagsabay-sabayin na lang mga ‘yan!

4: Noong Lunes, nilektyuran ni Manny Pacquiao ang self-confessed Davao Death Squad henchman na si retired police officer Arturo Lascañas tungkol sa “spiritual renewal.” Ayon kay Pacquiao, ang tao ay “spiritually renewed” kung:

A: Hindi na nakikiapid sa mga sexy celebrities

B: Hindi na nagsusugal sa casino

C: Hindi na nandadaya sa pagbabayad ng buwis

D: Quote nang quote ng Bible verses habang ipinagtatanggol ang death penalty at ipinagdidiinang ang lifestyle ng LGBT community ay mas masahol pa kaysa sa hayop.

5: Matapos mabistong nagsinungaling sa isyu ng US citizenship, ibinasura ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Perfecto Yasay bilang Foreign Affairs Secretary. Ano ang naging reaksyon ni Yasay?

A: “Bahagi ito ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte.”

B. “Kagagawan ito ng mga Amerikano dahil alam nilang mas close ako sa mga Chinese!”

C: “O ano Alan Peter Cayetano, masaya ka na?”

6: Nabasura ang appointment ni Perfecto Yasay. Sabi ng palasyo, papalitan na lang ito. Nabisto kasi ang kanyang PAGSISINUNGALING. Tanong:

A: Bakit nand’yan pa si Vitaliano Aguirre?

B: Anong ginagawa ni Mocha Uson sa MTRCB?

C: Hanggang kailan sa puwesto si Martin “$1,000” Andanar?


7: Matapos mangakong paninindigan niya ang kanyang anti-death penalty stance, biglang bumaligtad ang LGBT rights advocate at kinatawan ng Bataan na si Geraldine Roman. Bumoto ito pabor sa bill. Binabatikos tuloy siya ngayon ng mga netizens. Ano ba ang naging paliwanag niya?

A: “Kebs sa mga bashers! Mas feel ko na ngayong tsugiin ang mga criminals!”

B: “Imbey ako sa reporter na ‘yan ng PTV 4. Sa truth lang, I was misquoted last year. ‘Buti na lang walang nanonood sa kanila.”

C: “Pag nag-vote ako ng NO sa bill, wit ako gibsung ni House Speaker Alvarez ng datung. Waley akong boodjei para sa mga utaw sa probinsya. Baka Hindira Gandhi ako mare-reelect sa 2019. Afraidy aguilar!”

8: Sa Kamara, 216 ang bumoto pabor sa death penalty bill, at 54 lamang ang tumutol. Bakit?

A: Kasi nga, wala sa listahan ng heinous crimes ang plunder. Ibalik n’yo ang plunder, tiyak na tututulan ng mga ‘yan ang bitay.

B: Change had come: mula sa pagiging buwaya, naging tuta naman sila noong botohan.

C: Dahil sa totoo lang, mahihirap lang naman ang tiyak na mabibitay; ‘yong mga milyonaryo sa Kongreso, ligtas na ligtas ang mga ‘yan.

9: Ang LGBT rights advocate na si Geraldine Roman, pinaboran ang death penalty bill. Pero si dating First Lady Imelda Marcos, bumoto laban dito. Ano ang masasabi mo?

A: Buhay pa pala si Imelda?!?

B: Ilang taon na ba ‘yan, 200?!

C: Masamang damo, matagal mamatay.

10: Nagrereklamo si Dante Jimenez ng Volunteers Against Crime Corruption. Hindi raw dapat sa PNP Custodial Center sa Camp Crame na-detain si Sen. Leila De Lima kundi sa ordinaryong kulungan. Unfair daw ito. Ano ang definition ng “fair” para kay Jimenez?

A: Ang pagbibigay ng immunity at special privileges sa high-profile convicted drug lords na tumestigo laban kay De Lima

B: Ang espesyal na kulungan para sa mga akusadong plunderer na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada

C: Extrajudicial killing – kasi “Justice delayed is justice denied” kaya mas ok ‘yung patayin na agad ang mahihirap na ‘yan. Wala nang trial-trial pa! ‘Yan ang fair.

11: Inutusan ni Mocha Uson ang kanyang mga alagad na zombies at trolls na i-invade ang Twitter. Pero mukhang bigo silang makapaghasik ng lagim sa Twitterverse dahil:

A: Mas witty ang mga tao doon kaysa sa Facebook.

B: May automatic block button sa Twitter.

C: Hindi sila maka-express ng complete thought dahil sa Twitter, 140 characters or less lang ang allowed.

12: Earlier this week, nag-trend ang “Bernard Palanca” sa Twitter. Bakit?

A: Nagkaroon siya ng “spiritual renewal”

B: Inakusahan siya ng pananakal

C: Nakipag-duet siya ng ‘Flashlight’ kay Jessie J.

________________________________________________________________________________
“Since governments take the right of death over their people, it is not astonishing if the people should sometimes take the right of death over governments.”

~Guy de Maupassant

Sound Bites

“I need not do that. Hindi na kailangan. I will not create a DDS, may police department ako.”
~President Duterte on his alleged ties with the so-called Davao Death Squad (DDS)



“Tell your brother, he killed a mountain.”
~DENR Sec. Gina Lopez to Cong. Ronnie Zamora during her confirmation hearing. 3/8/2017

That’s how you celebrate International Women’s Day!

[Photos: CBS Corp; Yasay: Geremy Pintolo/PhilStar; Roman: Jervis Manahan; Gina Lopez: Grig Montegrande/Inquirer]

Show more