Christmas Message
of
Rodrigo Roa Duterte
Mayor & Drug Czar of the Philippines
[Taped last December 18, 2016 at the Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace]
Mga minamahal kong kababayan (hindi kasama ang mga addict),
Kaisa n’yo ako at ang aking Gabinete gayundin ang mga lingkod-bayan sa ating pamahalaan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Sa maigsing panahon ng aking panunungkulan ay marami na tayong pagsubok na pinagdaanan ngunit sa tulong ng Panginoon ay nalampasan nating lahat ang mga ‘yan.
Ang kuwento ng pagsilang ni Hesukristo ay hindi nalalayo sa karanasan nating mga Pilipino. Marami tayong mapupulot na aral sa kwento ng Pasko.
Ang sabi ng aking mga kritiko, nadadamay daw ang mga inosente sa inilunsad kong guerra kontra droga. Excuse me, hindi ako ang unang gumawa niyan. Hindi ba’t iniutos ni Herodes ang pagpaslang sa mga inosente matiyak lamang ang kanyang tagumpay?
Si Hesus ay nagsimula sa wala. Isinilang siya sa sabsaban at lumaki sa kahirapan hanggang sa maging lider ng sanlibutan. Nakikita ko kay Hesus ang isa nating kaibigan. Ang future president ng bansa… Manny Pacquiao!
Si Maria ay naging tapat sa asawa niyang si Jose, isang karpintero, na bagamat hindi siyang tunay na ama ni Hesus ay nanatili sa tabi ng pinakamamahal niyang babae. Taliwas ito sa imoral na pamumuhay ni Leila De Lima. Kung sinu-sino ang lalaking kinabitan niya kabilang na si Ronnie Dayan na nang-iwan sa tunay niyang asawa.
Sinunod ko ang mga sinimulan ni Haring Herodes. Eh sina Dayan at De Lima, sinunod ba nila ang ipinakitang halimbawa nina Jose at Maria? Hindi.
Naaalala ko si Alan Peter Cayetano kapag nakikita ko ang sabsaban. May pastol, may kabayo, may kamelyo, may tupa. Tuta na lang ang kulang.
Ang pagsilang ni Hesus ay magandang balita para sa sangkatauhan. Katulad lang ‘yan ng mga dalang balita ni Mocha Uson sa kanyang Facebook blog – punung-puno ng inspirasyon, malasakit, pag-asa, at higit sa lahat, katotohanan.
Natatandaan n’yo ba ang mga pantas o wise men mula Silangan? Bumisita sila kay Hesus sa sabsaban upang mag-alay ng regalo. Sila ang inspirasyon ng gambling tycoon na si Jack Lam. Nagpadala siya ng milyun-milyong pisong regalo sa dalawa kong fraternity brothers sa Bureau of Immigration. Na tinanggap naman! Hindi ko rin sila masisi. Kung grasya kasi ‘yan, bakit nga naman tatanggihan?
Paalala ko lang: Kung may darating na biyaya, ok lang na tanggapin! Pero huwag na huwag kayong magdadalawang-isip na mamudmod ng salapi kung kakayanin. Sa mga kongresistang nagpa-raffle ng isang milyon at trip sa Europe noong Christmas Party… mabuhay kayo. Change is indeed coming!
Ang tunay na diwa ng Pasko ay pagpapatawad. Hindi ko na kailangang ipagyabang ang mga ginawa kong pagpapatawad. Sa ilalim ng aking pamahalaan, pinatawad natin ang mga Marcos, ang mga Arroyo, ang drug lord na si Peter Lim na pinagbantaan kong papatayin pero pinatakas ko din, si Jocjoc Bolante, at maging ang murder convict na si Rolito Go. Give credit, where credit is due. Nangyaring lahat ‘yan sa ilalim ng termino ko!
Sa huli, ang aking panawagan ay pagkakaisa. Simulan natin ‘yan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kagustuhan ng China. Huwag na tayong lumaban. Daanin natin ito sa tahimik na usapan: Sa atin ang kanilang baril at bala, kanila na ang karagatan at mga isla! (Mumurahin ko ang kokontra. ‘Tang ina!)
Wala pa tayong anim na buwan sa puwesto. Pero feeling ko, ang dami ko nang nagawa para sa bansa natin. More than 6,000 na yata. And counting! Sa napipintong pag-apruba ng Kongreso sa parusang kamatayan… ipinapangako ko, mas marami pang mga dugyot at mahihirap ang ating lilipulin!
Makaaasa kayong hindi ako titigil hangga’t ‘di nauubos ang mga gumagamit at nagbebenta ng droga sa Pilipinas. Hindi ko papayagang sirain ng drugs ang inyong mga buhay. Masira na ng Fentanyl ang buhay ko, ‘wag lang sirain ng shabu ang buhay n’yo!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.
Joooooke!
———————————————————————————-
“Killing people isn’t progress.”
~Athan Fletcher, ‘The Swordsman and The Priestess’
Sound Bites
“I killed about three of them… I don’t know how many bullets from my gun went inside their bodies. It happened and I cannot lie about it.”
~President Duterte
‘Wag ka nang humirit Martin Andanar. Mocha ka na namang tanga.
I am on Twitter: @HecklerForever.
[Photo: ABSCBN News]