DESPITE its busy schedule, the Devil granted this blogger an exclusive interview the other day. Here’s the unedited transcript.
Uy, kumusta ka na?
Heto, masama pa rin. Ikaw?
I’m good. Maayos naman ang buhay.
Ang lungkot naman. Gusto mong gawin kong exciting?
Gago.
Thank you.
What keeps you busy these days?
Ahhh, marami. May world tour ako actually. Last July, nasa France ako, remember?
Ohhh, so ikaw pala ang may kagagawan ng terror attack sa Nice noong Bastille Day.
‘Yong truck na nanagasa ng civilians? Of course. Who else?
Demonyo ka talaga!
Thank you! Actually kagagaling ko lang din sa Syria. The situation there was hell. I love it!
Sana nag-stay ka na lang do’n.
Tanga! Bakit pa? I can Skype. I can tweet. I can Snapchat. I can even Facebook Live. Pwede ko nang i-manipulate at imonitor ang mga nangyayari sa iba’t ibang bansa anytime!
So bakit ka pa nagpunta rito?
Kasi nga, I feel so special here. Patayan dito, patayan dun, EJK here, EJK there, murahan sa umaga, murahan sa gabi… hashtag winnnnnning!
Ang sama mo!
Thank you! Alam mo, sobrang nag-enjoy ako last Thursday sa Senate hearing.
Nandun ka?
Naman! Alam mo ‘yong moment na halos magsuntukan sina Cayetano at Trillanes? That was so awesome! That was me!
Wala namang suntukan eh.
Alam ko! Punyeta kasi ‘yang si De Lima eh! Pakialamera! Kung kailan malapit nang magpang-abot ‘yong dalawa, saka naman biglang umawat. Buwisit kang babae ka! Ito ang tandaan mo: hindi ka na magkaka-love life ulit! You will die alone. And sad! Bitch!
Ang laki ng galit mo kay De Lima!
KJ kasi ‘yang lecheng ‘yan eh! Ang saya kaya ng araw-araw na patayan ‘tapos iimbestigahan niya?! Bobo! Pati ‘yang CHR na ‘yan, bobo! Hindi kayo magtatagumpay!
Teka lang, relax. Masyado kang mainit.
Isa ka pang bobo! Sa impyerno ako galing, sanay na ako sa init! Idiot.
Punta naman tayo sa ibang isyu. Active ka sa social media ‘di ba? Nagbabasa ka ba ng comments?
What do you mean, ‘nagbabasa?’ Tanga ka ba? I am behind those comments.
Meaning?
Putangina mo. Mamatay ka na. Sana ma-rape ka. Uubusin ko ang pamilya mo. Sasaksakin kita pag nakita kita. Fuck you dilawan. Ang bobobo ng Duterte die hards. Blah blah blah! AKO LAHAT ‘YAN!
You’re kidding.
Of course not! I created them. Ako rin ang gumawa ng mga trolls na aktibo ngayon online. Hashtag proud! Love it!
Bad!
Thanks for the compliment!
Ano nga pala ang masasabi mo kay Pangulong Duterte?
Matagal ko nang protégé ‘yan pero aaminin ko, we have a love-hate relationship.
Dahil?
Eh kasi tatanga-tanga. Inuubos niya ang mga snatcher, pusher at mga drug lord. Helllooooooooo! Ang mga dugyot na ‘yan ang nagpapasaya sa mundo! Hangga’t nandirito ako, hindi ka mananalo sa drug war, Digong!
Sabi mo love-hate? Eh parang hate lang naman ah. Where is the love?
Suspek pa lang, pinapatay na! Hindi pa nakakasuhan, guilty na. ‘Tapos pati mga inosenteng bata at mga kabataan, nadadamay pa! Ang saya-saya! At ‘yong pagmumura niya? Wow. He has overachieved! Love it! Keep it up Tatay Digong!
Tatay Digong talaga???? Mocha Uson, ikaw ba ‘yan?
Fuck you! But I love Mocha! Ang laki ng potential.
So, gusto mo rin ang ginagawa niya?
Absolutely! Ituloy mo lang ‘yan anak. Ang dami mo nang followers. Tutulungan kitang paramihin pa ‘yan. Memes pa more! Love it!
Favorite expression mo yata ‘yong ‘Love it’ ‘no?
Kung nega, ‘love it.’ Kung positive… ‘tang ina ba’t ba pati expression ko, pinapakialaman mo?
Nagtatanong lang naman. ‘Di naman ako nakikialam. OA mo!
Alam ko! Thank you!
Magbabanggit ako ng names, tapos mag-comment ka.
Game!
Vice President Leni Robredo…
Isang malaking tanga! Naglabas ba naman ng statement na ‘di siya susuporta kung sakaling i-impeach si Duterte. Tsansa mo nang maging pangulo, ayaw mo pa. Istupida! Tutulungan na nga kita, ayaw mo pa? Tadyakan kita d’yan eh.
Masyado ka namang bayolente.
Thank you! Sino pa?
Kris Aquino…
The last time na nagkasalubong kami eh noong gamitin niya sa kampanya ang presidential chopper. I miss her.
Presidential spokespersons and other interpreters…
My favorite! First honor sa katangahan ang mga ‘yan kaya enjoy na enjoy ako sa magkakaiba nilang sinasabi! Feed ako nang feed ng conflicting statements, kagat naman sila nang kagat. Love it!
Manny Pacquiao…
Nabuwisit ako d’yan nang mag-Born Again Christian. Huminto sa pambabae ang pucha. Bobo! Pero lately, nagkabati na kami dahil consistent ang pagiging homophobic niya ‘tapos pabor pa siya sa death penalty. Tawang-tawa ako nang sabihin niyang ibitin na lang ang convict tapos sipain na lang ang silya. Ang primitive lang at ang cruel ng suggestion. Love it!
Pope Francis…
Yuck! Ang linis-linis. Kadiri.
Congressmen…
I am so happy for them! Ibinalik ang 80 million pesos na pork barrel bawat congressman. Pasalamatan n’yo ako mga gago! If not for me, nganga pa rin kayo! Hashtag happy days are here again. Kitakits sa hearing next week! Balita ko tetestigo ang mga alaga ko from Bilibid! Nakaka-proud! Go lang nang go! #laban #puso #push Love it!
Speaking of Congress, how about Gloria Macapagal-Arroyo?
Welcome back! Ang shaya-shaya, ‘no? Love it!
Edgar Matobato…
Hudas! Ilang taon kitang inalagaan, inarmasan, pinakain, at prinutektahan tapos bigla mo akong tatalikuran?! Walanghiya! Hindi na kita ililibre sa McDo! Walang utang na loob!
Ombudsman Conchita Carpio-Morales…
Hindi ko siya kilala. At hindi ako interesado sa kanya.
Baka naman basted ka lang ni Ombudsman.
Punyeta siya. Period. Next!
Former vice president Jojo Binay…
Miss ko na siya. I’m still a fan of his ‘achievements’ though. Love it.
General Ronald ‘Bato’ De La Rosa…
Sabi ni Bato, from July 1 to September 17, more than 17,000 drug personalities na ang naaresto. I hate it. But in fairness, almost 3,000 na ang napapatay. Love it!
The late dictator Ferdinand Marcos…
I bumped into him kanina. Mukhang malungkot. Tarantado kasi ‘yang Supreme Court dahil na-TRO na naman ang planned burial sa Libingan ng mga Bayani. F*ck you SC justices! You don’t do that to my friend. F*ck you!
Sandro Marcos…
Panalo ang batang ‘yan! He’s been consistently awful. Love it!
Last na… Salvador Panelo.
My hero! Sabi niya kahapon, ipu-propose niya ang “constitutional dictatorship.” Tang ina! Ano ‘yon? Pero mukhang exciting… so, love it!
May message ka ba sa mga Filipino?
Ano ‘to? Talk show? May message pa talaga?
Sige, ‘wag na.
Gago! Nagtatanong lang ako. ‘Di ko sinabing ayaw. Anyway, to majority of Filipinos… mga friendsheeeeeeeep, mga repapips (Tang ina, ang luma ng repapips. Parang adik lang), mga kapamilya, kapuso, kapatid, mga dabarkads at madlang pipol… kung gusto n’yong batikusin si Duterte, go lang. Mas maraming bangayan, mas cool sa akin ‘yan! Pero suportahan pa rin natin ang patayan sa Pilipinas! The other day 22 daw ang pinatay overnight. Ang liit nun mga pards! Damihan pa natin! Try natin ang 75 per day! At ‘wag na kayong magreklamo ‘pag may pinapatay. Buhay pa naman kayo ‘di ba? Pag kayo na ang pinatay, dun na lang kayo mag-ingay. [Tang-ina, paano kaya ‘yon?] Otherwise… chill! Ok? Love it!
Wait, wala pa namang hearing. Saan ka muna pupunta?
Tanga! Nandito na ako sa Kongreso. Nauna na ako! Dito na lang muna ako magmomonitor ng patayan habang wala pang hearing.
Ok ka lang d’yan?
Of course! Bahay ito ng mga congressman. I feel so at home here.
Love it?
Love it! Ulol!
_______________________________________________________________________________________
“The world is a dangerous place to live, not because of the people who are evil, but because of the people who don’t do anything about it.”
~ Albert Einstein
Elsewhere
TIME: The tragic cost of President Duterte’s war on drugs
Sound Bites
“Sixteen thousand ang sumuko. Ibig sabihin, ilan lang ang napatay dahil nanlaban. Nasaan ang massacre doon?”
~Tito Sotto, senator
Why are we being punished?
Poll Results
I am on Twitter: @HecklerForever.
[Photos: Senate Hearing: Rappler; Duterte: Inquirer.net; TIME Magazine]