2016-09-10

WELCOME BACK President Duterte! Congratulations on your world stage debut!


Question: Sa mga ‘di pamilyar sa kanya, ito si presidential spokesman Ernesto Abella. Sa likod naman niya ay makikita si Presidential Communications Office head Martin Andanar. Sa Laos ito kinunan. Ano ang sinasabi nila sa nakapalibot na journalists?

A: “Wala po munang press con ngayon ang ating mahal na pangulo. Maawa naman kayo sa amin. Pagod na pagod na kami sa pag-interpret ng statements niya. We need a break.”

B: “Wala na pong makapipigil pa. First in the history of the Asean Summit. Exciting po ang seating arrangement sa gala dinner. Ang Nobel Laureate na si Aung San Suu Kyi ng Myanmar ay kumpirmadong kakandong kay Pangulong Duterte habang kumakain! May magaganap pang subuan! Iba talaga ang karisma ng ating pangulo.”

C: Wala pong katotohanang iba’t iba kami ng sinasabi. Iba’t iba lang talaga kayo ng intindi. Pakyu all. Thank you.


President Duterte and Ban Ki Moon

Duterte: Hindi kesyo nag-hi ako sa ‘yo eh ok na tayo, tanda!

Ban Ki-Moon: Huwag mo akong takutin. Kakampi ko ang Amerika.

Duterte: Kakampi ko ang China.

Ban Ki-Moon: Nasa likod ko ang buong Europa.

Duterte: Ipapa-Facebook kita kay Mocha.

Ban Ki-Moon: Inaano ba kita?!? Mag-usap nga tayo nang maayos.

President Duterte and Ban Ki Moon II

Duterte: Sec-Gen Ban, good morning! Rody Duterte po from the

Ban: Philippines? Alam ko! Rockstar ka nga raw ‘di ba? Dinudumog kahit saan. Bawat mura, pinapalakpakan. ‘Pag naipit, sasabihin ‘joke lang.’ Pero ‘pag tinanong mo naman about extrajudicial killing, sasabihan kang ‘wag makialam at ikaw pa ang uupakan. ‘Tapos ang lakas ng loob magbantang aalis sa UN? Iba ka.

Duterte: ‘Tang ina. Ang daming sinabi, nag-good morning lang ako.


Obama and the Aide

Obama: Anong sabi?

Aide: “Who you” daw po kayo?

Obama: Tapos?

Aide: Sisipain ka raw sa harap ng reporters.

Obama: Ano pa?

Aide: ‘Di raw siya papayag na lektyuran mo siya on human rights.

Obama: What else?

Aide: Nigger daw kayo at ipinanganak sa Kenya.

Obama: Tarantado! Parang walang namang ganun. Kung makagatong ka naman!

President Obama and President Duterte

Obama: Ang lakas ng loob mong manermon! O loko, eh ‘di hanggang tanaw ka na lang d’yan ngayon.

Duterte: Gago! Hindi ikaw ang tinatanaw ko kundi ‘yung babaeng naka-blue sa gilid mo. Feelingero!

President Duterte and the Server

Duterte: Masarap ba ‘yang gatas mo?

Server: Hindi po gatas ito. Juice.

Duterte: Masarap ba ang juice mo?

Server: President Obama o, binabastos ako.

Duterte: ‘Tang ina! Hindi kita binabastos. Out of context ka!

President Duterte and the Server II

Duterte: Alam mo Miss Beautiful, hindi lang kamay na bakal ang matigas sa akin.

Server: Bastos! Ang tanda-tanda n’yo na, ang hilig n’yo pa rin!

Duterte: Ah ganun?!? Siguro bayaran ka? Nakadilaw ka eh. Bias ka! Bias!

President Duterte and Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah

Duterte: Kapatid mo pala si Jefri? ‘Yong playboy na may harem tapos labingwalo ang anak.

Bolkiah: Uy! Ikaw pala. Kumusta naman ang mahigit dalawang libong pinatay in the name of your war on drugs?

Duterte:

Bolkiah: O, nauna ka huh. Sumagot lang ako.

President Duterte and Lao Prime Minister Thongsing Thammavong

Thammavong: Dahil ikaw ang bagong Asean chair, tanggapin mo ang gavel na ito.

Duterte: Ang bigat ah. Pwede ko ba ‘tong ibato?

Thammavong: Sa mga addict o sa mga pusher?

Duterte: Sa media. Lagi akong misquoted eh.

Thammavong: Sige lang. Para maturuan ng leksyon ang mga ‘yan!

Duterte: Sure?

Thammavong: Just don’t quote me.

President Duterte, Aung San Suu Kyi, Sultan Bolkiah and Indonesia’s Widodo

Duterte: Madam, I am Rody Duterte from the Philippines. I am

Suu Kyi: Kung ija-justify mo na naman ang extrajudicial killing sa bansa mo, umalis ka na sa harapan ko.

Bolkiah: #burn

Widodo: Friendzoned ampucha.

Duterte: Dinig ko kayo. ‘Tang ina n’yo!

Philippines and Indonesia

Duterte: I heard gusto mong gayahin ang style ko against drugs.

Widodo: Sana. Paano ba ginagawa ‘yon?

Duterte: 44 deaths kada araw. Ganun!

Widodo: 44 ang papatayin kada araw?!? Parang ‘di kakayanin ng mga pulis ko ‘yan.

Duterte: Eh ba’t nagtanong ka pa? Gago! Palitan mo na nga lang ang pangalan mo. Dapat WiNONO!

Widodo:

Duterte: Medyo korni. Sorry.

Social Media

Duterte: Kumusta sa social media?

Dureza: Nakakapangilabot Mr. President. Tingnan mo ‘to. Almost a million na ang nag-share ng article na ikaw raw ang napiling best president sa Solar System.

Duterte: Good!

Dureza: Hindi ka naba-bother sa pagiging gullible ng Pinoy, Mr. President?

Duterte: Hindi ba mas nakaka-bother kung hindi sila gullible?

Dureza: May point. #infairness

The Team

Andanar: Our president has been treated like a rockstar in Laos. Grabe, dinudumog talaga siya ng world leaders for a selfie.

Yasay: His debut on the world stage was brilliant and superb!

Cayetano: Kahit ‘di ako tinatanong, magsasalita na rin ako. The brief meeting with Obama went well. Napaka-warm ng handshake at very good ang naging conversation nila.

Duterte: Mga kababayan, palakpakan po natin ang aking praise and worship team na kasama sa Laos. Thank you.

Salvador Panelo: Gusto ko lang idagdag na

Duterte: Sabi ko, ‘ok na,’ ‘di ba? Nag-thank you na ako. Tama na. Baka sumabit ka pa, ‘tang ina.

——————————————————————————————————————————-
“War, they say, is the answer of those who have no arguments left.”

~Andrew Ashling

No Kidding: Sarcasm Ban

Eccentric North Korean leader Kim Jong-un has banned North Koreans from making sarcastic comments about him or his regime. But that’s nothing compared to what has been happening on social media since President Duterte took office: a self-imposed ban on common sense.

In case you missed it…

Stephen Colbert pokes fun at Duterte’s anti-US/Obama rant. Starting at 2:52.

Consistent

After that epic photo blunder, here’s another epic fail from another Duterte spokesman Peter Tiu Laviña:

Poll Results

Ingat!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Duterte/Asean Summit: King Rodriguez/PPD; GMA:GMA News; Duterte-Ban Ki-Moon: AP/Bullit Marquez; Duterte-Laotian PM: Philstar; Duterte-Gavel-Laos:ABSCBN News; Obama: Carolyn Kaster AP; Abella: Bullit Marquez AP; Duterte-Bolkiah and Photoshoot: AP Photo/Gemunu Amarasinghe; Duterte-Suu Kyi: Reuters/Soe Zeya Tun; Duterte-Obama Stare: Vishva Gujarat; Widodo-Duterte-AFP; Peter Tiu Laviña FB]

Show more