2016-02-25

*** Special thanks to Bro. Nolan Olarte, the Minister who provided the Circular for Bro. Lito Fruto’s expulsion and the copies of Church Procedures handbook and initial draft of the article which he bravely provided to ensure the accuracy and credibility of this article. ***

Recovered Article Posted on May 22, 2015. Shutdown by ACTIV July 27, 2015

ANG WALANG PATUMANGGANG PAGTITIWALAG NG SANGGUNIAN

Tayo po ay lubos na sumasampalataya na sa loob ng Iglesia Ni Cristo lamang matatamo ng tao ang kaligtasan, narito ang mga dalisay sa salita ng Diyos at dito lamang maisasagawa ng tao ang paglilingkod na tatanggapin ng Ama. Maliban dito, ang isa sa ikanabubukod tangi ng Iglesia Ni Cristo sa napakaraming mga relihiyon na nakatatag dito sa lupa ay ang PANGANGALAGA nito sa kaniyang kawan o sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Damang dama ng mga kapatid kung papaano sila ipinagmamalasakit ng Tagapamahalang Pangkalahatan, saan man naroroon ang kapatid, saan mang dako, saan mang Distrito, Lokal, Purok hanggang sa pinaka Grupo kung saan siya kabilang ay nakakarating ang pag-ibig at pagmamalasakit ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa pamamagitan ng kaniyang mga katuwang sa bawat Distrito, mga Destinado sa bawat Lokal at mga Maytungkulin sa bawat Purok at Grupo sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Hindi ito maikukumpara sa kahit anomang relihiyon dahil sa damang-dama sa loob ng Iglesia Ni Cristo ang pag-iibigang magkakapatid at tunay na pagmamalasakitan sa isa’t-isa. Ito ang dahilan kaya itinatag ng Pamamahala ang iba’t-ibang Tungkulin sa Iglesia batay na rin sa nakasulat sa Biblia sa Efeso 4:11, “At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol, at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga guro; sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo.” Samakatuwid, napakabanal ng layunin ng Panginoong Diyos kung bakit Siya lumikha ng iba’t-ibang tungkulin sa Iglesia, para sa ikatitibay ng Iglesia sa pamamagitan ng ating mga gawaing paglilingkod. Kaya nga bago maging maytungkulin ay kinakailangan munang dumaan sa masusing screening, kinakailangang nakapasa sa mga pamantayan ng Biblia na karaniwan nating naririnig na binabasa sa Sirkular kapag mayroong mga tatanggap ng Tungkulin, kinakailangang subok ang katapatan sapagkat ang hinahanap ng Panginoong Diyos ay mga mabubuting katuwang na magmamalasakit sa Kaniyang kawan, may nakakakita man o wala.

PAGDADALAW SA MGA KAPATID (NOON)– Kung sakali man na ang isang kapatid ay nakakapagpabaya sa kaniyang tungkulin, halimbawa ay ang tungkuling sumamba, siya ay dinadalaw ng kaniyang katiwala upang alamin ang kaniyang kalagayan at ang dahilan kung bakit hindi sya nakasamba, papayuhan ng maytungkulin ang kapatid batay sa naging dahilan ng kaniyang pagpapabaya, magsasagawa ng pagpapahid ng langis kung siya ay mayroong karamdaman, at kung hindi naman matagpuan ng maytungkulin ay buong sikap nyang hahanapin upang magabayan pabalik sa kasiglahan. Magaing ang mga Ministro na nakadestino sa Lokal ay nagsasagawa din ng mga pagdadalaw sa mga kapatid. Lahat ng mga kapatid ay kinakailangang madalaw nila, mapayuhan, maipanalangin, mahikayat sa kasiglahan, sa pagtanggap ng Tungkulin at magabayan tungo sa mas mataas na uri ng pagpapahalaga sa mga gawang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

PAG-AAYOS NG MGA USAPIN SA IGLESIA (NOON) – Sa anomang samahan ng tao, natural lamang na may mga bumabangon na mga usapin o mga suliranin, karaniwang nagiging reaksyon ng mga tao tuwing sila ay mayroong hindi pagkakaunawaan ay ang mag-away, maggantihan, magsakitan, magdemandahan. Subalit s aloob ng Iglesia Ni Cristo, palibhasa tayo ay naturuan na tayong lahat ay magkakapatid at ang pinaiiral sa atin ay ang pag-iibigang magkakapatid, kaya nagagawa nating isaayos ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pagpapasakop sa mga kalooban ng Panginoong DIyos na ating sinusunod. Kung sakaling hindi talaga magkasundo ang magkakapatid, idudulog ito sa mga maytungkulin na maaaring mamagitan sa magkabilang partido sa layunin na sila ay magkaayos at manumbalik ang pag-iibigang magkakapatid, subalit kung mabigong makipag-ayos, ay inilalapit naman ito sa Destinado ng Lokal sa layunin na maisaayos din ang suliranin. Kung hindi pa rin ito maiayos ay idudulog naman ito sa Tagapangasiwa ng Distrito. Ipapatatwag din ang magkabilang partido at kakausapin s alayunin na magkaayos sila, subalit kung hindi pa rin magpapatawaran ang isa’t-isa at hindi mapapanumbalik ang pag-iibigang magkakapatid, idudulog na ito sa Tanggapang Pangkalahatan. At kung sakaling hindi pa rin makikipag-ayos ay ipapataw na nito ang pasya na ititiwalag ang sinoman na ayaw pasakop sa Pamamahala. Samakatuwid ay mayroon talagang patakaran ang Panginoong Diyos sa iba’t-ibang usapin sa Iglesia na ang layunin ay mapabuti ang mga kapatid sa paraan na sila ay mapapanumbalik sa pag-iibigang magkakapatid at masiglang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

PAGDIDISIPLINA SA IGLESIA (NOON) – Kung sakali mang ang isang kapatid sa Iglesia ay nasusumpungan sa paglabag sa mga Doktrina, ipapatupad ng Pamamahala ang matyagang pagsisikap na ang kapatid ay mapagsisi at mahikayat na magbagong buhay. Hindi agad agad na nagpapasya ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng pagtitiwalag sapagkat tinitiyak muna ng Pamamahala na nagawa na ang LAHAT ng magagawa para masagip ang kapatid at ng hindi na siya maalis pa sa talaan. Kaya nga kapag halimbawa ang isang kapatid ay naglalasing, nagsusugal o iba pang paglabag sa mga doktrina, siya ay dinadalaw ng mga Katiwala, pinapayuhan, ginagabayan. Subalit kung hindi pa talaga nagbabagong buhay at nagiging katitisuran na, IUULAT na ito ng Katiwala. GAGAWAN NIYA NG PORMAL NA ULAT sapagkat hindi naman maaaring magpasya ang mga Ministro ng pagdidisiplina ng batay lamang sa sabi-sabi o tsismis. Napakaingat at mabusisi ang proseso ng Pagtitiwalag. Kinakailangang kumpleto ang salaysay ng Katiwala ng Grupo na may sakop at nakalagdang malinaw ang mga mga nag-uulat, mula sa Katiwala ng Grupo, II-Katiwala at Kalihim ng Grupo. Pagkatapos ay magsasagawa ng Deliberasyon ang Katiwala ng Purok, gagawan din nila ng Ulat na nakalagdang malinaw ang nag-uulat na Katiwala, II-Katiwala at Kalihim ng Purok. Pagkatapos ay iuulat ito sa Pastor o Destinado ng Lokal. Magsasagawa sila ng Deliberasyon na nakaharap ang lahat ng mga kinauukulan upang siyasatin ang iniuulat. KINAKAILANGANG NAKAUSAP NG PERSONAL ng Destinado ang iuulat sa pagkatiwalag. Kung sakali mang ayaw ng makipagkita ng kapatid na iniuulat ay kinakailangang salaysayan ito ng Destinado at ng Pamunuan na ginawa na nila ang lahat ng paraan para makausap ng harapan angkapatid na iniuulat. Pagkatapos ng Deliberasyon ay sisiyasatin ng Pamunuan ang lahat ng mga requirements ng R2-10 (Pagtitiwalag), titiyaking tama ang lahat ng impormasyon at kumpleto ang mga salaysay at iba pang mga requirements, kinakailangang updated ang R2-01 File na kasama, kumpleto ang impormasyon at mga lagda at mayroong larawan, pagkatapos ay lalagdaan ito ng Pamunuan kasama ang isa pang bukod na Patotoo na ang lahat ng impormasyon ay siniyasat ng Pamunuan at pinatutunayan nilang wasto ang lahat ng nakasulat doon at kanilang siniyasat itong mabuti. Kalip iyan ng isa pang bukod na salaysay ng Ministro na pinatutunayan niyang siniyasat nyang mabuti ang nirerekomendang disiplinahin o itiwalag. Pagkatapos nito ay ipapasa ito sa Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Distrito kung saan ito ay sisiyasatin ng Kalihim ng Distrito at ng Katiwala sa Pagpapatibay sa Distrito. Kapag ito ay nakapasa na sa masusing pagsisiyasat ng Tanggapan ng Distrito ay nalagdaan na ng Tagapangasiwa ng Distrito, ito ay ipapasa sa Tanggapang Pangkalahatan, sa opisina ng Kapatid na Radel G. Cortez, sa R2-10 Section kung saan nila sinisiyasat ang lahat ng mga ulat na tinatanggap mula sa iba’t-ibang Distrito. At dahil sa malaking bilang ng mga isinusumiteng Ulat sa Central linggu-linggo, halos mapuno na ang opisina nila ng mga ulat at kadalasan nga ay kung ang iniuulat ay ang pag-aasawa ng tagasanlibutan, nakapanganak na nga ay hindi pa rin napapasyahan ng tiwalag. Ito ay dahil sa kinakailangang masusing masiyasat muna ng Tanggapang Pangkalahatan ang bawat ulat na ipinadadala sa Central dahil nauunawaan nila na ito ay nangangahulugan ng kaligtasan ng kapatid na ititiwalag, at kung mayroong anomang paraan para maisalba pa ang kaluluwa ng kapatid na nagkasala ay gagawin ito ng Pamamahala upang saganun ay mapapanumbalik pa ang kapatid sa Diyos at mailigtas pa ang kaniyang pagkakatala sa Iglesia.

MAYROON BANG NAGBAGO SA PARAAN NG PANGANGALAGA SA IGLESIA NGAYON?

Dahil sa sumapit na ang Iglesia sa kaniyang ika-isang daang taon mula ng ito ay bumangon sa mga huling araw na ito, ang inaasahan ng marami ay makakarating na rin ito sa kaniyang kahustuhan sa pagiging ganap at karapatdapat sa mataas na uri ng pagpapahalaga sa pangangalaga sa Kawan.

Subalit kayong mga kapatid na nagbabasa ngayon ang makakapagpatunay kung talagang ang dating uri ng Iglesia sa Pangangalaga ay ganun pa rin ba sa kasalukuyan. O nasasaksihan ba ninyo ang napakalaking pagbabago na ngayon dahil na rin sa iilang mga Ministro na hindi na taglay ang espiritu ng Panginoong Diyos sa pag-ibig at pagmamalasakit sa Kaniyang kawan. At dahil sa ang Iglesia at ang Pamamahala ay malinis, napakaputi ng imahe nito dati, subalit dahil na rin sa ibang kultura na ipinakikita ng mga nasa Sanggunian kaya tuloy ito rin ang espiritung dumadaloy sa ilang mga Tagapangasiwa at mga Ministro sa Lokal. Sa kasalukuyan ay tila baga naging masyadong “Image Conscious” ang Ka Jun Santos kaya ang lagi nilang pinupunterya ay mapaganda ang imahe ng mga Lokal at mga Distrito, nagpatupad sila ng maraming mga aktibidad para mapasigla ang mga Kapatid, pinuno nila ng mga aktibidad, pagdadalaw, pagpupulong ang mga kapatid sa layunin na mapababa ang porsyento ng hindi sumasamba, subalit dahil sa isa rin ito sa maraming mga “BAND AID SOLUTION” ng Sanggunian at hindi talaga napag-isipan ng husto, ang ibinunga nito ay lalong nabigatan ang mga kapatid sa dami ng mga aktibidad sa bawat kagawaran na para bagang walang mga trabaho ang mga kapatid na inaasikaso at iba pang mga gawain sa buhay na kinakailangang intindihin din. Kaya sa halip na maging balanse ang pagdadala ng tungkulin ng isang kapatid ay nauuwi siya sa pagpapabaya sa ilan, o kung sakali mang mapagtalagahan nya ang kaniyang tungkulin ay napapabayaan naman nya ang kaniyang sambahayan kaya may mababalitaan na lamang tayo na mga maytungkuling nabababa sa tungkulin dahil nagkaproblema sa anak, nahikayat ng sanlibutan o kaya naman ay nasa paglabag dahil hindi na nagawa ng mga magulang na makapaglaan ng panahon upang magabayan ang kanilang sambahayan dahil nga hindi na naging balanse ang pagtupad ng tungkulin. Paano magiging balanse kung ire-require ng Pastor ng Lokal na kailangang dumalo ng gawain ng maytungkulin gabi-gabi at kapag hindi ay tatanggalan ng karapatang tumupad. May mga Pastor na ganyan ang pinatutupad sa Lokal. O kaya naman ay magpupulong ng mga maytungkulin na pagkahaba-haba samantalang marami sa kanila ay galing pa sa trabaho at humabol lang para makadalo ng Pulong, pagkatapos aabutin ng gabing-gabi na hindi man lamang alintana na mayroong tupad pa kinabukasan ng umaga sa Pagsamba, alam na alam yan ng mga maytungkulin sa Lokal ng Central. Ang totoo naman mga kapatid ay mahalaga na tayo ay maglaan ng panahon para sa paglilingkod, SUBALIT ito ay dapat maging akay ng pag-ibig at pananampalataya at hindi dahil sa napipilitan lamang at kailangan naman sana na ang mga nangunguna sa Lokal ay magkaroon din ng KONSIDERASYON sa mga kapatid na mga maytungkulin lalo nga at alam naman nating lahat na wala namang Tulong o Sweldo ang mga maytungkuliun, kusang loob silang tumutupad at madalas ay gumugugol pa sila para lamang makatupad ng tungkulin.

PAGDALAW SA MGA KAPATID (NGAYON) – Marami sa mga katiwala ngayon ang hindi na naisasagawa ang wastong uri ng pagdadalaw sa mga Kapatid sapagkat may ilan na sa pamamagitan na lamang ng Text inaalam kung saan sumamba ang isang kapatid o kaya naman ay ang dahilan kung bakit hindi sya nakasamba, kaya hindi na talaga nakakapagdalaw, at ang masama, may ilan na dinadaya na lamang ang ulatan, sinasagutan na lamang ang kanilang R1-02/R1-03 (Dalaw) ng hindi naman talaga nagdadalaw. Maraming mga kapatid na katiwala ang nawalan na ng ganang magdalaw ng simula silang naging mga mistulang “Sales Agent” ng mga T-SHirts ng World Wide Walk, mga UNLAD Memorabilia, mga Coffee Table Books, mga iba’t-ibang tickets sa Phil. Arena at marami pang iba na nasasalaula na ang kasagraduhan ng PAGDADALAW NA IPINATUTUPAD SA IGLESIA. Naging daan na tuloy ito para maipangalakal ang iba’t-ibang ipinangangalakal ng Sanggunian na itinotoka nila sa mga Tagpangasiwa sa bawat Distrito, na sya namang ibinabagsak ng mga Tagapangasiwa sa bawat Destinado sa bawat Lokal. At kapag hindi naman ito naibenta ay mamomoblema ang mga Ministro dahil sa mapapasama sila sa Sanggunian o kaya naman ay ikakaltas ito sa aming mga Tulong. Kaya tuloy sa madalas na pagkakataon ay ipinagsisigawan na ito ng mga Ministro sa bawat pagsamba na bumili ang mga kapatid ng ganitong Ticket, ng ganiyang memorabilia. Hindi ba’t nakapangingilabot na ang banal na tungkulin ay nalalapastangan ng dahil sa pangangalakal ng mga nasa UNLAD International Inc. NAraranasan ito ng mga Ministro at mga Maytungkulin sa mga Lokal at ng may minsan na magsauli ng mga tickets ng isang event Philippine Arena, ang Pastor na iyon ay pinagalitan at napatapon sa malayong destino. At ngayon nga ay kumukuha na ang UNLAD ng iba’t-ibang mga Ministro sa mga Distrito at ginagawa na silang mga District Staff na ang pangunahing pananagutan ay ang pagbebenta at pangongolekta ng bayad sa lahat ng mga ipabebenta ng Sanggunian sa pamamagitan ng UNLAD. Maging ang mga asawa ng mga Ministro at Manggagawa ay kukunin na rin upang turuan silang gumawa ng mga kakanin at iba pang mga pagkaing maaaring ibenta din ng UNLAD. At dahil sa una na nating inilantad ang ginagawa nilang paggamit sa mga Ministro at mga Manggagawa at mga Katiwala na maging tagatinda at taga-kolekta, natawagan na sila ng pansin na ito ay napupuna na ng mga kapatid, kaya ang kanilang ginawa ay pinahanap na lamang ang mga Destinado ng Lokal ng mga tindahan na kung saan pwedeng ilagak ang mga paninda at maging ang mga tickets sa Philippine Arena at bibigyan na lamang daw ng komisyon ang mga kapatid na may-ari ng tindahan. Hindi ko alam kung ito talaga ay pinag-isipan nila ng husto o basta lamang masabing may ginawa silang pagbabago. Natatakot lang naman ang mga kapatid na magreklamo dahil ang laging ibabanta sa kanila ay HINDI DAW NAGPAPASAKOP SA PAMAMAHALA. Papaano nila kinokonsensya ang mga kapatid na gawin pa rin ang mga pagbebenta at pangongolekta ng mag paninda para sa UNLAD, ang kanilang sinasabi, “Kapatid tandaan natin na ang may panukala ng aktibidad na ito sa Philippine Arena ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, hahayaan mo ba na mabigo ang Pamamahala at hindi magtagumpay ang kanilang proyektong ito? Tayo ba ang magbibigay hapis sa kanila kapag nalaman nila na hindi tinangkilik ng mga kapatid ang mga tickets/memorabilia na ito?” Sinong kapatid ang hindi manlulumo lalo nga at isinasangkalan na ang malinis na pangalan ng Tagapamahalang Pangkalahatan… Kaya ang dating malinis na gawain na pagdadalaw sa mga kapatid upang sila ay palakasin, ay naging sanhi pa para ang mga kapatid na dumadalaw at dinadalaw ay parehong manghina at manlumo lalo nga at bibigyan ka pa ng mga SOBRE para sa Tanging Handugan. Ang bilinn ng Ka Jun Santos ay magdadala ang mga Katiwala ng mga sobre sa kanilang mga dadalawin SUBALIT…. HINDI DAW ITO IBIBIGAY SA MGA KAPATID (PARA HINDI DAW NAPIPILITAN)… HIHINTAYIN DAW NAMIN NA ITO AY HINGIN NG KAPATID… (ANO DAW???) Na para bagang walang muwang ang kapatid na dadalawin kapag ipinakita namin ang mga sobre? Ano yun, pakapalan na lang ng mukha kapag hindi hiningi ng Kapatid ay ipagduduldulan pa namin para lang humingi na sya ng sobre? Isa na naman ito sa mga TUNTUNING BINAGO ng Ka Jun Santos ng hindi man lamang pinag-isipan. Papaano kung mayroong mga hindi kapatid na nakakita, anong iisipin nila, na kaya dinalaw ay para magsolicit? Kaya tuloy ang mga Katiwala ay hiyang hiya na at wala ng mukhang ihaharap sa mga sakop nila dahil para bagang tuwing makikita na lamang sila ng mga kapatid ay gastos na lamang, bayad sa ganito, bayad sa ganyan, bili ng ticket sa ganito, bili ng World Wide Walk T-shirt na hindi naubos noon, bili ng memorabilia gaya ng kalendaryong paso na pero pilit pa ring ipinabebenta. Kaya ano na ang nangyari sa sistema ng pagdadalaw ngayon? Naging sistema na ng Sanggunian para sa UNLAD at sa mga tickets ng Philippine Arena, nawala na halos ang ukol sa pagmamalasakit sa kawan.

PAG-AAYOS SA MGA USAPIN SA IGLESIA (NGAYON) – Sa kasalukuyang takbo ng Pangangalaga ngayon sa mga Lokal, tuwing magkakaroon ng mga usapin sa Iglesia ay may mga pagkakataon na hindi na nasusunod ang kaayusan ukol dito. Hindi na napangingibabaw ang pag-iibigang magkakapatid dahil sa hindi na naisasagawa ang tamang proseso ng pagsasaayos sa anomang mga kaso sa pagitan ng mga kapatid. Napasok na tayo ng mga Ministro na nasusuhulan kaya tuloy naniniwala sila at tumatayong saksi sa kasinungalingan sa halip na sa katotohanan. Kaya ang mga Ministro, Tagapangasiwa, Sanggunian na inaasahan natin na magsasanggalang sa atin at matutuwid sa mga pagkakamali ay nagiging kasangkapan pa para apihin ang mga mahihina at walang kaya at ang pinapaboran ay ang mga mayayaman at kinikilala dahil sa malalakas mag-“abot” sa mga Tagapangasiwa o Sanggunian, kaya tuloy napapaboran sila dahil sa utang na loob. Ilang mga kapatid ang sumisigaw ng hustisya dahil sa hindi nila maramdaman ang pag-ibig, pagmamalasakit at pagiging patas sa isinagawangpagsisiyasat sa kanila. Wala tuloy silang matakbuhang iba para matulungan sila, tatakbo sila sa Tanggapang Pangkalahatan subalit ang haharang ng kanilang mga ulat ay ang mga Sanggunian na siyang pumapabor din sa mga inaalagaan nilang mga Tagapangasiwa at mga Kapatid na may higit silang pakinabang. Ano pa ngayon ang integridad ng mga Ministro na siya sanang unang unang nagmamalasakit sa kawan… DATI NAPAKAHIRAP MATIWALAG AT NAPAKAHIRAP MAKABALIK, NGAYON NAPAKADALING MATIWALAG (MAG-LIKE KA LANG SA POSTS NI ANTONIO EBANGELISTA) AT NAPAKADALING MAKABALIK (BASTA MAY KONEKSYON KA SA SANGGUNIAN) gaya ni Malou Del Rosario at mga katulad nya na kahit HINDI NAMAN PA MAAARING IBALIK SANA SA TALAAN subalit dahil sa may “kapit” sa Central, bagamat nasa paglabag pa rin at hindi pa nalulunasan ang dahilan ng pagkakatiwalag, subalit nagawa pang makasamba sa pinangasiwaan ng Ka Eduardo sa Abroad, at nakamayan pa, nakausap at nakapagpapicture pa.





Wala pong masama na maghangad na makabalik sa talaan, subalit tiyakin lang na karapatdapat ng bumalik sa talaan, hindi yung ang dahilan ng ikinatiwalag ay sinabi nyang patay na ang kaniyang asawa para lang pangatwiranan ang kaniyang pakikipag live-in pagkatapos ay magpapadala ng pera sa Sanggunian (ang sabi ng isang kapatid ay $5,000, subalit hindi po ako naniniwala dito… kasi ang alam ko po ay mas mataas pa dyan), kaya binigyan sya ng pagkakataon na makasamba sa pinangasiwaan ng Ka Eduardo, pinakausap pa, at ibinalik na agad, at yung pictures na nakikita ninyo, iyan na po ang kaniyang kasunod na biktima, Husband No. 6. Samantalang ang mga sirkular sa pagsamba ukol sa tiwalag ngayon ay mariing sinasabing huwag silang tatanggapin sa kahit anumang pagtitipon sa Iglesia, lalo na sa mga pagsamba, ni HUWAG KAKAUSAPIN o bibigyan ng pampalakas loob DAHIL IYAN DAW ANG NARARAPAT SA MGA TAONG TIWALAG. Ano po ba talaga ang totoo? Dalawa na ba talaga ang pamantayan ng Sanggunian sa Pagtitiwalag at Pagbabalik. Nalilito na kasi ang Iglesia kung ano ba talaga ang susundin.

PAGDIDISIPLINA SA IGLESIA (NGAYON) – Hindi lingid sa kaalaman ng maraming mga kapatid na iba na ngayon ang takbo ng pagdidisiplina sa Iglesia o pagtitiwalag. Nabale-wala na ang buong sagradong proseso ng Pagtitiwalag. Bakit? Sapagkat kung paanong napakabusisi ng proseso ng Pagtitiwalag sa panahon ng mga unang Namahala sa Iglesia, ay gayon na lamang kung ito ay lapastanganin ng Sanggunian ngayon. Kaya nga kung paanong napakaraming mga kapatid ang nakarekomenda na matiwalag dahil sa mga paglabag gaya ng pag-aasawa ng sanlibutan, pangangalunya, pumatay, manlalasing at mga katulad pa nito ay taon ang binibilang bago mapasyahan subalit may mga nababalitaan na tayo ngayon na sa isang iglap ay itinitiwalag ng Sanggunian. Mayroong mga sunod-sunod na itiniwalag ng Sanggunian na kung susuysuyin natin ang dahilan ay dahil sa ito ang mga kapatid na lumingap at tumulong sa Pamilya ng Kapatid na Eraño G. Manalo. At dahil sa ginawa nilang pagtulong ay pinatawan sila ng napakabigat na pasya ng pagtitiwalag.

Narinig din natin marahil ang ukol kay kapatid na Lito Fruto, itiniwalag at binasa sa buong Pilipinas, subalit hindi dumaan sa tamang proseso ng Pagtitiwalag.

Ni hindi man lamang siya kinausap, pinayuhan o pagalitan man, basta na lamang itiniwalag, at ako pa mismo ang tumawag sa kaniya upang sabihin sa kaniya na babasahin ang pangalan nya sa pagsamba. At kung mapapansin ninyo, sa hanay ng sirkular ay ni hindi sya dapat kausapin o bigyan man lamang ng pag-asa, na para bagang binura na nila ang DOKTRINA UKOL SA PAGBABALIK-LOOB sa Iglesia. Ano ang sabi ng Sanggunian ukol dito, iyan daw ay SA ATAS NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, subalit ano ba ang kanilang pinarating na ulat sa Tagapamahalang Pangkalahatan upang makapagpasya sya ng ganyan kabigat na pasya? Sinabi ba nila ang totoo o kumatha sila ng mga isyu na maaaring makapagpagalit sa Tagapamahalang Pangkalahatan upang pasyahan nya ang Ka Fruto ng ganun, at ang lalong masama ay kung nagpasya ang Sanggunian ng pagtitiwalag ng HINDI ipinararating sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Posible ba ito? Opo, sapagkat ang pagpapasiya ng pagtitiwalag ay nasa kapangyarihan na ng Kapatid na Radel Cortez dahil sa daan-daang mga kahilingan sa pagtitiwalag, iyon ba ay babasahin pa ng Kapatid na Eduardo Manalo isa-isa? Hindi na po, kaya nga ipinagkatiwala na niya iyon kay Ka Radel Cortez na Kalihim Pangkalahatan upang makapagpagaan sa napakaraming gampanin ng Tagapamahala. Kaya papaano kung ang pinagkaloobang magpasya sa ikamamatay ng kaugnayan ng isang kapatid sa Iglesia sa ikapagtatamo nya ng kaligtasan ay nakasalalay sa isang tiwaling Ministro gaya ng Ka Radel Cortez na nagpasyang ipatiwalag ang Ka Fruto at marami pang ibang tulad nya na ang kinikilala nilang tanging kasalanan nila ay ang pagmamalasakit at pagtulong s aisang kapatid natin sa Iglesia, ang mga anak ng Ka Eraño G. Manalo? Nakatatakot isipin di ba, subalit totoong nagaganap yan hanggang sa kasalukuyan.

Ilang mga kapatid na ngayon sa Estados Unidos, Europa, sa Canada, sa Asia at iba pang mga bansa at pinagtitiwalag dahil sa pagla-LIKE, pag-SHARE, pag-COMMENT sa Facebook ukol sa mg abagay na may kinalaman sa katiwalian ng Sanggunian. ITO ANG PINAKA-USO NGAYON PARA MATAKOT NA ANG MGA KAPATID NA HUWAG NG MAGBASA NG MGA BAGAY NA ITO SA SOCIAL MEDIA, SUMMARY EXPULSION ANG KANILANG SOLUSYON. Ano naman ang dahilan daw ng mga taga-Sanggunian? Tahasang Paglaban daw ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Ganyan nila nililinlang ang pinakamamahal nating Tagapamahalang Pangkalahatan, ganito rin nila binabalot ng takot ang mga kapatid upang huwag makita ang kanilang mga ginagawang katiwalian sa Iglesia. At ang pinakabago pa ay ang kanilang pagtitiwalag kina Kapatid na Jesus Ponce Jr. (kahapon Mayo 21, 2015 – isang araw bago ang kaniyang kaarawan) at ang kaniyang asawa na si Kapatid na Benjie Ponce, mula sa Distrito ng Cebu.

Subalit ang pinagkaiba naman sa kanila, hindi sila binasa sa pagsamba sa buong Pilipinas, sila ay Pinuntahan ng Tagapangasiwa ng Distrito at hinarap sa Lokal ang Kapatid na Benjie Ponce sapagkat ang Kapatid na Jesus Ponce Jr. ay nasa Vietnam dahil sa sya ay isang piloto ng eroplano. Ang sabi sa Ka Benjie ay TUMAWAG DAW ANG CENTRAL PARA SABIHIN NA KAUSAPIN SILA AT IPARATING NA SILA AY IBINABABA SA TALAAN (ITINITIWALAG). SUBALIT HUWAG NA LAMANG DAW SILANG MAINGAY AT HUWAG MAGPAPAHALATA SA LOKAL, MAGPATULOY LANG DAW SA KANILANG DATING GINAGAWA PARA HINDI MAGKAGULO SA LOKAL. Walang anumang kasulatan, pormularyo, R2-10 File ang ipinakita sa kanila, para nga naman pwedeng pabulaanan ito ng Sanggunian kung sakaling magkabistuhan na wala uli sa proseso ang ginawa nilang pagtitiwalag. Hindi ko alam kung matututuwa ka ba o maiinis o maiinsulto sa kanilang panibagong pamamaraan na ito. Walang pinagkaiba ito sa isa nating kapatid sa abroad na tiniwalag sa pamamagitan ng text message. Ganyan na ba nila talaga lalapastanganin ang sagradong proseso ng pagdidisiplina sa Iglesia? Tanungin mo ang mga kapatid kung mayroong mga kaukulang papeles ang ginawa nila, dumaan ba sa proseso, o prinoseso lang nila? Ito ba ay isang bagay na kinakailangan ng dagliang pagpapasya gaya halimbawa ng katunayan ng pagpatay at mga kauri nito? Hindi na ba talaga ito kayang masolusyunan? Ganun na ba kawalang kakayahan ang mga Ministrong Destinado sa Lokal, Tagapangasiwa sa Distrito at Sanggunian sa Central para mahikayat ang isang tupa na mapaliwanagan kung siya ay nagkamali at maituwid sa kaniyang pagkakamali? Mahirap talagang pangatwiranan ang isang tao na nasa Katwiran. Hindi man lang nila kakausapin ng personal ang mga kapatid sa layunin na mapagbago kung may pagkakamali, papayuhan para kung sakaling may pagkakamali sila ay maipakita sa kanila ang kanilang pagkakamali upang makapagbago sila? Talaga bang bumaba na tayo sa ganitong lebel na parang away bata na, na kung di sya bati ng Sanggunian ay dapat hindi rin natin sya bati? Nasan na ang pagibig sa kapatid? Nasaan na ang pagmamalasakit at paninindigan sa tama at sa katotohanan. Ano ba ang kasalanan ng Ka Jesus Ponce Jr.? Lumaban ba sya o nagsalita man lamang ng kahit anong paglaban sa Tagapamahalang Pangkalahatan? Hindi po, basahin ninyo ang lahat ng kaniyang mga post sa Facebook. Ano kung gayon ang kaniyang ikinatiwalag? Dahil sa siya, kasama ang napakaraming mga kapatid ay naghahangad na malaman ang KATOTOHANAN, nagsuri sila, nagsaliksik, NAGTANONG, NAGPAHAYAG. Kailan pa naging mali ang pagsusuri sa katotohanan? Pagkatapang tapang sabihin ng mga Ministro sa mga minimisyon at dinudoktrinahan, “Magtanong po kayo, magsuri, magsaliksik ng katotohanan, kahit ano pong naiisip ninyong katanungan, maaari po ninyong tanungin sa amin para maliwanagan po kayo”, pagkatapos ngayon BAWAL MAGTANONG, BAWAL MAGSURI, BAWAL MAGSALIKSIK, BAWAL MAGPAHAYAG NG MGA OBSERBASYON UKOL SA MGA NAPUPUNA SA IGLESIA, BASTA TAHIMIK LANG, BULAG NA SUMUNOD LANG NG WALANG KWESTYON KUNG ITO BA AY TAMA PA O MALI NA. Kailan pa naging duwag ang Sanggunian na harapin ang mga batikos sa kanila KUNG TALAGANG WALA SILANG ITINATAGONG ANOMALYA, KUNG TALAGANG HINDI TOTOONG NAGMAMAY-ARI SILA NG MGA MULTI-MILLION VEHICLES, PROPERTIES, HOUSES, MANSIONS, BUSINESSES AT KUNG TALAGANG WALANG IBINEBENTANG PROPERTY NG IGLESIA NA HINDI NILA IPINAAALAM SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN AT SA IGLESIA.Kung talagang walang anomalya, kaya nilang humarap sa kanino mang kapatid at kayang pabulaanan ang anumang ibinibintang sa kanila. At DAHIL HINDI NILA ITO KAYANG PASINUNGALINGAN, KAYA NILA PILIT NA ITINATAGO NA LAMANG. Kaya para sa lahat ng mga bumabatikos sa mga kapatid na gumagamit ng Dummy Facebook Account, bakit hindi daw ako magpakilala kung talagang totoo ang sinasabi ko, ito po ang dahilan. Gaya po ng isang sinabi ng isang tagapangasiwa sa Metro Manila, “SI ANTONIO EBANGELISTA NGAYON ANG PINAKA-WANTED MAN SA BUONG IGLESIA AT BIBIGYAN NG PABUYA  AT AUTOMATIC PROMOTION SA SINOMANG MAKAHUHULI SA KANIYA”, Kung ngayong nakatago pa ako sa likod ng isang alias ay tinutugis na nila ako ng buong sikay, paano pa kaya kung nakalantad ako sa publiko, ano kaya ang gagawin ng Sanggunian kapag nahuli nila ako, kakausapin ng mahinahon, babasahan ng Biblia at papayuhan, sa mundo ng mga walang muwang sa isip, posibleng mangyari yan, subalit sa mundo na pinasok na ng kadiliman ang puso ng mga nasa Sanggunian, kailangang magpakatalino tayo gaya ng ahas, dahil mga ahas ang gumagawa ng katiwalian sa Iglesia, SILA ANG KALABAN KO. ANG KATIWALIAN NG SANGGUNIAN ANG KALABAN KO AT HINDI ANG MALINIS NA PANGALAN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Sa tamang panahon, makikilala din ng Sanggunian kung sino si Antonio Ebangelista, kapag naging patas na ang labanan at hindi na sila makagagawa ng masama sa akin at sa aking mga mahal sa buhay, dahil hindi ang pagkatao ko ang mahalaga, hindi mahalaga kung totoo ang sinasabi ko tungkol sa akin, kung ikukumpara sa HIGIT NA MAHALAGA, at IYON AY ANG KATOTOHANAN NG MGA SINASABI KO UKOL SA MGA KATIWALIAN NG SANGGUNIAN, dun sila magconcentrate, kung pano pabubulaanan at pasisinungalingan ang mga isinisiwalat kong katotohanan at hindi yung paglalaanan nila ng kanilang panahon at ng salapi ng Iglesia ay upang tukuyin kung sino ako, nasan ako, sinong mga kasama ko, anong favorite color ko (?) at pilit nilang pinatatahimik at binubura lahat ng mga inilalantad kong dungis ng Sanggunian, hindi sa layunin na manira, kundi sa layuning magising ang kamalayan ng mga kapatid, magkaisang puksain ang katiwalian, linisin ang Sanggunian at ibalik ang Iglesia sa kaniyang malinis at walang dungis na kalagayan na karapatdapat sa kaligtasan. Sana nararamdaman ito ng mga kausap ko ngayon…

Kaya ngayong sinisinsay na at nilalapastangan na ng Sanggunian ang kasagraduhan ng Pagtitiwalag at Pagbabalik sa talaan, napapaisip ang mga Kapatid, ano na ba talaga ang pamantayan ngayon, alin ang susundin natin, ano ang sasampalatayanan natin? Gaano ba kahalaga ang tuntunin sa Iglesia? Hindi ba pwedeng direkta na lang sa pasya? Kahit wala ng proseso, basta ang mahalaga ay ang dulo o huli gaya ng sinasabing “The ends justifies the means”. Basta ang mahalaga ay ang resulta, basta sa kahit anong kaparaanan pa ito ginawa, tama man o mali, hindi na mahalaga yun, ang mahalaga ay ang resulta. Narito po ang sipi ng aklat naming mga Ministro na ang pamagat ay CHURCH PROCEDURES Ang mga Tuntunin at Gawain sa Iglesia Ni Cristo. Alam ito ng lahat ng mga kamanggagawa ko dahil lahat kami ay mayroon nito at ito ang aming gabay sa mga isinasagawang tuntunin sa bawat kagawaran at sa bawat larangan ng aming pagtupad sa Iglesia. Ang ipakikita ko po ay isang bahagi lamang ukol sa Tuntunin o Proseso ng Pagtitiwalag:

Dito pa lamang po ang makikita na ninyo kung ang ginawang pagtitiwalag ay naaayon ba sa tuntunin o sa PANSARILING PAMANTAYAN AT KAGUSTUHAN NG SANGGUNIAN. At kapansin-pansin po ang huling bahagi ng Tuntunin: ‘DAPAT ALALAHANING LAGI ANG TAGUBILIN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NA, “HUWAG GAWIN ANG PAGTITIWALAG NANG WALANG PATUMANGGA.” KAPAG NAKARATING NA SA TANGGAPANG PANGKALAHATAN ANG ULAT AY NANGANGAHULUGAN NA NAGAWA NA ANG KAUKULANG PAGSISIYASAT SA LOKAL AT DISTRITO.’

http://tagalog.pinoydictionary.com/word/walang-patumangga/

Sa panahon po namin, ang Pagtitiwalag ay saklaw pa ng pananagutan ng mga Tagapangasiwa subalit ng napansin ng Ka Erdy na sunod-sunod ang mga pagtitiwalag at marami ay mga walang patumanggang pagtitiwalag, minarapat ng Tagapamahalang Pangkalahatan na sentralisado ang Tanggapang ito at siya lamang ang may karapatan na magtiwalag at magbalik dahil sa ang nararapat ay ang pagmamalasakit sa kawan at pagnanais na maligtas ang bawat isang tupang inilagay sa kaniyang pangangalaga. Kaya ang ipinagpauna ng mga naunang Namamahala noon sa Iglesia ang siyang nagaganap ngayon, ang walang patumangga o walang konsiderasyon na pagtitiwalag sa Iglesia ng hindi dumadaan sa tamang proseso. Bago magpasya ang Namamahala sa Iglesia lalo nga at ukol sa isang napakaselan at napakahalagang bagay, gaya ng pagbabalik at pagtitiwalag na nangangahulugan ng kaligtasan ng kaluluwa ng bawat isang kaanib sa Iglesia, kinakailangang matiyak muna na ito ay wasto, tumpak at ayon sa tuntunin, sapagkat kung MALI ANG ULAT, halimbawa, mali ang pangalan, mali ang dahilan ng ikinauulat o hindi naisagawa ang marapat na pagsisiyasat, isa lang ang kahulugan nito, IBINUBUNSOD NG SANGGUNIAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NA MAGBIGAY NG MALING PASYA DAHIL SA MALI ANG I=ULAT NA INIULAT SA KANIYA. Iyan ang kabilin bilinan ng unang Namamahala sa Iglesia noon kaya nila binalangkas ang mga tuntunin na ito upang matiyak na makapagbigay sila ng tamang pasya kaya kinakailangang TAMA lahat ng impormasyon na iniuulat sa kanila. At hindi kailanman itinuro ng mga naunang Namamahala sa Iglesia ang “Infallibility” ng Tagapamahalang Pangkalahatan na gaya ng itinuturo ng Iglesia Katolika ukol sa kanilang mga Papa na hindi daw maaaring magkamali. Ang itinuturo sa atin na doktrina ay kinakasihan ng Espiritu Santo ang tagapamahalang Pangkalahatan sa kaniyang pagpapasya para sa kapakanan ng Iglesia, subalit hindi nangangahulugan na kung sinsay o mali ang ipaparating sa kaniyang ulat sa layunin na siya ay linlangin ay hindi maaaring magkamali ang tagapamahalang Pangkalahatan, dahil kung ganyan din lang naman ang magiging paninindigan ng mga Sanggunian at ng iba pang mga pilosopong nagbabasa ngayon, edi para ano pa ang pagkakaroon ng mga ulatan na tinitiyak natin na tama at totoo ang ating inuuulat, lumalabas na mas mabuting pahulaan na lang nating sa Tagapamahalang Pangkalahatan tutal ang paniniwala nila ay hindi naman magkakamali ang pasya ng Namamahala kahit na mali ang ating ipapadalang ulat. Mali at masama ang ang ganyang uri ng paniniwala ukol sa pagkasi ng Espiritu Santo sa Namamahala sa Iglesia sapagkat ang katunayang may pagkasi ito ng Espiritu Santo ay ipinahihintulot ang mga bagay na ito na mangyari upang lalong mahayag ang mga taong lumalapastangan sa kahalalan ng Tagapamahalang Pangkalahatan at walang habas na lumilinlang sa Kapatid na Eduardo V. Manalo upang mailigtas lamang ang kanilang sarili at ng huwag makita ng Namamahala ang mga katiwaliang inihahayag ukol sa Sanggunian. Oras na na-espirituhan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lahat ng kanilang ginagawa at ang katigasan ng kanilang puso, ang Espiritu Santo din ang mag-uudyok sa Tagapamahalang Pangkalahatan kung papaano nya lilipulin ang mga masasamang Ministrong ito sa layunin na iligtas ang Iglesia na sinasamantala ng mga masasamang Ministrong ito sa Sanggunian.

Gaano ba kahalaga ang pagsunod sa mga utos ng Diyos kung ang pag-uusapan ay proseso ng pagpapatupad sa kalooban ng Diyos? Maaari bang ipatupad natin ang sarili nating kagustuhan, kung ano ang mas nakikita nating mabuti, kung ano ang mas kumbinyente sa atin lalo nga at nagmamalasakit lang ang damdamin ng isang kapatid na kahit na i-“shortcut” na nya ang tuntunin o kaya naman ay batay na sa kaniyang sariling “diskarte” ay di bale ng may ilang tuntunin o tagubilin ang hindi nya masunod?

Maging sa panahong tayo ay dinudoktrinahan ay itinuro na sa atin na mayroong mga unang lingkod ng Panginoong Diyos na kabilang pa sa Kaniyang bayan subalit oras na nagsagawa ng “sariling paraan” ng paglilingkod sa Diyos, bagamat paghahandog o pagsamba din, ay hindi pinapaging dapat at lalong hindi tinanggap ng Diyos sa langit at ang lalong masama ay pinarusahan pa sila ng Panginoong Diyos gaya ng nangyari kay Nadab at Abiu sa Levitico 10:1-2 “At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa’t isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila’y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon.” Mayroong nga na akay ng pag-ibig at pananampalataya ay nagmalasakit lang naman para sa kaban ng Diyos gaya sa panahon ngayon na maaaring isipin ng mga taga Sanggunian na nagmamalasakit lang naman sila sa Tagapamahalang Pangkalahatan o para sa Iglesia kaya nila nilabag ang tuntunin sa pagtitiwalag, subalit sa panahon ng bayang Israel, si Uzza na isa sa mga pinagtiwalaan din ng maselang gampanin, ay nagmalasakit din gaya ng nakasulat sa II Samuel 6:6-7 “At nang sila’y magsidating sa giikan ni Nachon, iniunat ni Uzza ang kaniyang kamay sa kaban ng Dios, at hinawakan; sapagka’t ang mga baka ay nangatisod. At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban kay Uzza; at sinaktan siya ng Dios doon dahil sa kaniyang kamalian; at doo’y namatay siya sa siping ng kaban ng Dios.” Ano ba ang pagkakamali sa ginawa ni Uzza samantalang kaya lang naman niya ginawa iyon ay dahil sa paghahangad na huwag masira ang banal na kaban ng Diyos, subalit kapag sinuri natin ang nakasulat sa Biblia, ayon sa Blg. 4:15 “At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma’t isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa’t huwag silang hihipo sa santuario, baka sila’y mamatay.  Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.” Samakatuwid kaya pinarusahan si Uzza ay dahil hindi nya sinunod ang utos ng Panginoong Diyos dahil HINDI IYON SAKLAW NG KANIYANG KARAPATAN. Gaya ng mga taga-Sanggunian na HINDI RIN SAKLAW NG KANILANG KARAPATAN ANG KARAPATAN NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Kaya pinarusahan ang mga unang lingkod ng Panginoong Diyos sa kanilang kapangahasan at HINDI tinanggap ng Panginoong Diyos ang kanilang ginawang paglilingkod dahil sa hindi nila ginalang ang TUNTUNIN at TAGUBILIN ng Panginoong Diyos sa ikatutupad ng Kaniyang utos kaya hindi pinagtibay ng Panginoong Diyos ang kanilang inialay na paglilingkod o pagmamalasakit. Ano ba ang higit na mahalaga sa Panginoong Diyos? Ayon sa Deutronomio 12:32 “Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.” Samakatuwid mahalaga sa panginoong Diyos ang pagsunod sa kaniyang mga utos SUBALIT MALINAW NA ANG LALONG MAHALAGA AY MASUNOD NATIN ANG KANIYANG UTO AYON SA KANIYANG INIUUTOS. HINDI MALAYA ANG TAO NA DAGDAGAN ITO O BAWASAN AYON SA KAGUSTUHAN LAMANG NG TAO.  Sana mayroon pang kaunting pagkaunawa na natitira sa mga magigiting na Ministro sa Sanggunian para maunawaan nila at mabalikan ang napaka-BASIC na doktrinang ito sa Iglesia na itinuturo sa mga nais na umanib sa Iglesia, kaya kung ang karaniwang kapatid ay alam ang utos na ito ng Diyos, bakit ang mga taga-Sanggunian ay tila baga litong-lito na kung papaano nila pangangatwiranan ang kanilang mga ginagawang pagbaluktot sa mga Doktrina natin. Sabagay ipinagpauna na ito ng Panginoong Diyos na ang sinomang mangangahas na lapastanganin ang Kaniyang mga utos ay mahuhulog sa pagkakamali gaya ng nakikita nating nagaganap na sa mga nasa Sanggunian. At higit sa lahat ay alam natin kung ano ang mangyayari sa mga taong mangangahas na baguhin, dagdagan o bawasan ang mga salita ng Diyos, nakatala ito saApocalypsis 22:18-19 “Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito.” Kaya sa kanilang ginawa napakikipantay sa Tagapamahalang Pangkalahatan sa paraan na sinasaklaw na nila ang karapatan ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagtatali at pagkakalag sa Iglesia ay ipinagpauna na ng Panginoong Diyos kung ano ang kanilang kahihinatnan, kaya bagamat hindi pa binabasa ang sirkular sa Pagtitiwalag sa mga Ministro na nasa Sanggunian, subalit dahil sa pinangahasan nilang baguhin ang mga talatang nakasulat sa Biblia ukol sa mga utos ng Diyos, sila ang tunay na hindi maliligtas na ang katumbas ay ang Panginoong Diyos na mismo ang nagtiwalag sa kanila dahil aalisin Niya ang kanilang bahagi sa punong kahoy ng buhay at sa BAYANG BANAL na nangakasulat sa aklat.

Sana po habang hindi pa huli ang lahat, maituwid na ang mga maling ito sa lalong ikapapayapa ng Iglesia. Hindi po ako nananawagan ng himagsikan o ng pag-aaklas, ang tanging layunin ko ay ihayag ang mga katiwalian, himukin ang mga kapatid na MAGPANATA gabi-gabi para sa kapakanan at proteksyon ng tagapamahalang Pangkalahatan at ang Sambahayan ng yumaong Kapatid na Eraño G. Manalo, at mahayag na ang mga taong tampalasan, ang mga gumagawa ng KATIWALIAN sa Iglesia upang maibalik ito sa kaniyang dating malinis at walang dungis na kalagayan. Sa ating pagpapanata, ang Panginoong Diyos na ang gagawa ng paraan para maisakatuparan ang lahat ng ito. Hanggagang dito lang ang ating magagawa bilang tao, ang Ama ang kikilos para maihayag ang katotohanan at papatnubayan Niya ang Kaniyang itinalagang Tagapamahalang Pangkalahatan upang pangunahan ang Iglesia sa ganap na paglilinis sa ikapagtatamo natin ng ating kaligtasan na totoong malapit ng dumating. Tulungan nawa tayo ng Ama.

~ Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”

This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”

F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista

Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY

Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”

Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS

The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”

Contact Information

Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com

Official Blog: Http://incsilentnomore.wordpress.com

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/

Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77

Official Instagram: @antonioebangelista

Official Twitter: @AEbangelista1

#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

Show more