Voice of a Minister:
Dear A.E.,
Good day sa inyo Bro. A.E., ako po yung tumawag sa inyo gamit ang totoo kong FB account noong nakaraang Lunes. Kaya po ako tumawag ay dahil sa gusto ko munang matiyak kung talagang kayo nga si A.E. na aming sinusubaybayan mula pa noong Abril 2014. Pilit kong binobosesan kayo para malaman kung totoo ang sinasabi ng iba na kayo daw si Ka Lowell pero napatunayan ko sa sarili ko na totoong kayo nga si A.E. at hindi si ka Lowell dahil alam ko ang boses niya. Kaya ko naman po nabanggit iyon ay dahil sa isa po ako sa mga mistah ng Ka Lowell o kabilang sa batch kung saan kilalang-kilala ang section nila, ang MICAH. Kasamahan po namin ang Ministro na taga HK na tinorture ng Ka Radel Cortez at ng mga kasama nya. Natatandaan nyo pa marahil ang video ng batch naming na pinadala sa inyo kung saan marami kami ang merong mga videos na iyon sa aming batch at dahil sa lumabas ang video na iyon ay pinarusahan siya at pinauwi ng Pilipinas at sa takot sa kaniyang buhay ay napilitan syang maging O.W.E. na rin.
Naka-attach dito sa email kong ito ang isa video mula po sa batch namin. Pakidownload nyo na lang po at alisin ang pagkakakilanlan na sa akin ito galing. Nais kong ipakita sa lahat ng mga kasama namin sa Ministerio na ito ang batch namin at mula dito ay makikilala ninyo kung sinu-sino ang nanatilingtapat sa dalisay na aral na itinuro sa amin ukol sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kawan at kung sino naman ang naging malulupit at mapagmalabis sa kawan.
Dito po sa aking destino ay sakal na sakal na kaming mga Ministro dahil sa maliban sa Preachers’ Guide na ibinibigay sa amin tuwing klase ng mga Ministro, mayroon pang kaakibat na mahigpit na tagubilin na huwag magdadagdag o magbabawas sa nakasulat sa PG at mayroon pa silang inaatasan sa bawat lokal na mga Pangulong Diakono o SCAN na magmomonitor kung sinusunod ito ng mga Ministro o kung mayroong binabawas dahil ang gusto nila ay kung gaano nila kabagsik itinuro ang leksyon para parunggitan ang mga INC Defenders ay ganun din namin babasahin ng buong bagsik at alab. Marami sa mga kasama kong Ministro sa aming Distrito at maging ang mga lihim kong nakakausap sa Skype ay talagang sawang-sawa na sa ganitong mala-Martial Law na pamamaraan ng pamamalakad sa Ministerio. May kasamahan kami na binabalaan ng husto at muntikan ng masuspinde at mapauwi sa Pilipinas dahil sa isinumbong sya ng Pangulong Diakono nya na panatiko dahil sa hindi daw nya gaanong binabanggit ang pinakamahalagang tao sa kaniyang panalangin at hindi rin idinalangin ang mga “pangunahin katuwang ng Pamamahala” o ang mga Sanggunian. Hindi ganito ang Ministeriong aming natutuhan sa paaralan at mula sa mga naunang mga Ministro. Dahil ngayon ay pawang sa tao na lamang nagbibigay lugod, hindi na sa Panginoong Diyos.
Noon, tinuruan kami na pag-aralang mabuti ang leksyon bago mangasiwa, tinuruang huwag maging “alipin” ng Preacher’s Guide sa pagtuturo, dapat “guide” lang ang ginagamit sa tribuna at hindi nadukdok sa leksyon na babasahin letra por letra o sa terminolohiya sa Minesteryo, binobosesan na lang ang Preacher’s Guide. Noon, outline lang ang pinagagamit at dapat dominado ang leksyon, dapat nakapagbibigay ng mga aplikasyon at suhestyon na angkop sa mga kapatid sa Lokal na pinangangasiwaang Lokal, hindi gaya ngayon na para kaming mga robot na dapat PG lang ang babasahin, tapos. Kung ganito rin lang pala ang gusto nilang mangyari sa Ministerio, dapat pala kahit Pangulong Diakono na lang ang mangasiwa ng Pagsamba tutal babasahin lang naman pala ng pasigaw ang laman ng Preacher’s Guide, o kaya magpalabas na lang ng video tape ng Tagapangasiwa namin na masyadong “obssessed” sa paninira sa inyo Ka A.E., sa pamilya ng Ka Erdy at sa mga Defenders. Hindi nya namamalayan na hindi na siya pinakikinggan ng mga Ministro tuwing nagtuturo sya sa amin at yamot na yamot na ang mga kapatid sa kaniya dahil pabigat na ng pabigat ang mga pagsamba dahil halos wala ng maramdamang espiritu dahil puro galit at poot ang direksyon ng mga pagtuturo at laging pasako,pasakop,pasakop,handog,handog,handog.
Sa totoo lang, ayaw ng asawa ko na sumulat ako sa inyo dahil takot na takot sya na kami ay mahuli at mapauwi. Kung matatandaan nyo ka A.E., ako ang isa sa mga nagpapadala sa inyo ng mga kopya ng sirkular, PG at tagubilin mula sa aming Distrito. Iyon man lamang ay maiambag ko para sa kilusang ito, ito na lamang ang dahilan kaya ako nag-iingat na makapanatili sa Ministerio para makatulong sa hangarin ng mga Defenders na maisiwalat ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpaparating ng mga impormasyon ukol sa ginagawa nilang pagtugis sa mga Defenders at mga iregularidad ngayon sa Iglesia. Ang usapan nga namin ng mga kabaro ko, bagamat 90% ng mga Ministro sa buong mundo ay naniniwala at saksing buhay sa mga anomalya sa Iglesia ngayon at hindi na sangayon sa mga pamamalakad ng mga Sanggunian, subalit mula ng kanilang ipa-kidnap si ka Lowell at tinugis ang lahat ng mga nanindigan sa totoo, maraming Ministro ang natakot at napilitang maki-ayon na lamang sa gusto ng Sanggunian. Subalit sa grupo namin na mga Ministro na naniniwala na totoong kailangan na talaga ang malawakang pagbabago sa Iglesia dahil sa dami ng iregularidad at pagmamalabis sa kapangyarihan, subalit naniniwala kami na hindi naman lahat ay kailangang lumantad dahil tyak na matitiwalag. Samantalang maaari pa kaming makatulong sa kilusang ito sa pamamagitan ng pagiging mata at tainga sa mga masasamang ginagawa sa loob para inyong maisiwalat. Pero kapag hindi na talaga namin masikmura ay kusa na rin kaming bababa sa Tungkulin kesa kasangkapanin pa kami sa kanilang masamang gawain.
Pero gaya ng aking sinabi sa aking maybahay, kung sakali mang sa aming pagtulong sa inyo at sa mga Defenders ay tugisin kami at pahirapan, tatanggapin namin iyon dahil sa iyon ang kalooban ng Ama para maihayag ang katotohanan. Nakahanda na kami ng aming pamilya. Sana lalong maraming mga kasamahan namin sa Ministerio ang tumayo at manindigan na rin sa katotohanan. Hindi na ito ang dalisay na Ministerio. Ministerio na ito ni Jun Santos at ng kaniyang mga kawatan. Ministerio na ito ng mga STF/NEWGENS (New Generation) at ng mga kasing itim ng espiritu nila. Ipinaubaya na ng Ka Eduardo ang mahahalaga at maseselan na aspeto ng Pamamahala sa mga “isip bata” na STF (Special Task Force) sa pangunguna ni Jojo De Guzman na napangasawa ng anak ng Ka Eduardo. Ang mga magkakabarkadang ito ang siyang nagpapalakad ng lahat ng maruruming atake sa mga Defenders.
Kung matatandaan ng mga Ministro ngayon kung sinu-sino ang mga batang STF na iyan, sila ang mga ipinatiwalag ng Ka Erdy noon dahil sa naespirituhan na niya noong una pa man na sila ang mangunguna sa pagtalikod sa Iglesia. Nilipol ang lahat ng mga STF noon dahil unti unti na nilang ipinapasok ang kanilang sariling “bersyon” ng pamamahala sa Iglesia. Subalit nakalulungkot isipin na kung ano ang mahigpit at sagradong utos ng Ka Erdy noon ay siyang binalewala at sinuway ng Ka Eduardo ng kaniyang isa-isang ibinalik ang mga suwail na STF sa pangunguna ni Jojo De Guzman at ang kaniyang mga alipores at ngayon ay sila na ang mga nakapwesto bilang mga Tagapangasiwa at may mga maseselang gampanin kaya kung paanong wala silang tunay na espiritu ng Ministerio ay ganun nila ginawang kanilang “personal playground” ang Iglesia. Wala rin silang malalim at malawak na karanasan sa Ministerio at sa pangunguna sa Lokal, pagaayos ng kaso, pangangalaga sa mga kapatid, kundi mga “chosen ones” lang sila dahil nga mga “malalapit” sa anak ng Ka Eduardo. Yan ang pundasyon ng kanilang Ministerio. Ipinasok na nila ang “hip hop culture” sa Iglesia at ngayon ay kung ano ang gusto ng mga isip-batang ito ay ang siyang masusunod dahil napakadaling utu-utuin nila ang anak ng ka Eduardo na si Ka Angelo na isa pa ring isip-bata at napaka “immature” pa sa kaniyang tungkulin. Hindi ako tumitingin sa tao kundi sa tungkulin dahil yun ang itinuro sa amin subalit kung totoong may pagkasi nga ng espiritu santo ang mga STF na ito, marahil napapabuti ang Iglesia ngayon at hindi lalong nababalot ng kulturang immature” lalo na sa pagtugon sa mga suliranin na kinakaharap ng Iglesia. Sa halip na harapin nila ang problema ay idinadaan nila sa pag-iwas, galit, pagganti, pagbibiro sa pangangasiwa sa pagsamba na parang bata na kapag hindi nila bati, dapat di nyo rin bati. Kung galit ako sa nanay at kapatid ko, dapat lalo kayong galit sa kanila at ipahiya nyo sila at pahirapan nyo sila. Parang away bata lang. Hindi ganyan ang maningning na Pamamahala ng Ka Erdy noon. Iyan ang dahilan kaya gusto nilang burahin ang lahat ng ala-ala ng Ka Erdy sa lahat ng mga kapatid dahil pikon na pikon sila kapag naiko-compare ng mga kapatid ang Ka EVM sa Ka EGM. Masisisi ba natin ang mga kapatid kung natamnan sila ng totoong aral at espiritu kaya naeespirituhan nila ang masamang takbo ng Iglesia ngayon.
Ang tangi,inuulit ko, ang TANGING pinananakot na lamang ngayon ng Sanggunian sa mga kapatid ay ang PAGTITIWALAG kaya marami pa rin ang “silent” defender subalit sa takbo ng Iglesia ngayon kung saan sunud-sunod ang pagtugis nila sa mga kapatid na nagtatanong o nagsusuri lamang, pero ang katubas ay “automatic” expulsion na, hindi maglalaon at ang matitira na lamang ay ang mga bulag na panatikong tagasunod ng mga STF at mga Sanggunian. Sana naman, si Ka Eduardo, kakitaan na ng katangian na gaya ng kaniyang magiting na ama, ang Ka Erdy, na kung sila ang nabubuhay ngayon malamang walang ganitong suliranin ang Iglesia, walang utang, walang Sanggunian na nagmamalabis, walang mga isip-bata na mga Ministro, walang sigalot sa Pamilya at lalong walang korapsyon sa pananalapi sa Iglesia. Kung nabubuhay ang Ka Erdy at sya ngayon ang haharap sa mga suliraning ito, malamang pinatawag na niya agad ang pamilya nya at kinausap ng sarilinan at hindi sya nakikinig sa mga sulsol ng mga nakapaligid sa kaniyang mga sipsip na Sanggunian. Walang aatrasan si Ka Erdy, kahit siguro kayo Ka A.E. ay iimbitahan nya na makausap nya at ang iba pang mga Defenders para ideretso sa kaniya ang mga suliranin na isinisiwalat nyo ukol sa mga nagmamalabis sa Iglesia lalo nga at hinaharang ng mga nasa Sanggunian ang anomang ulat na patungkol sa kanila o sa mga ginagawa nilang kabalbalan. Masakit mang sabihin bilang Ministro, subalit sa katangian, masasabi kong mabuti pa ang Papa sa Roma na binabatikos natin, kinakikitaan ng matinding pagpapakumbaba at pagmamahal sa kapwa, kahit pa s amga itinuturing nyang kaaway nya, bakit hindi kayang gawin ito ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan? Masama ba na ang Ka Eduardo ang maging pinakamabuting ehemplo ng kababaang loob, pagmamahala at pag-ibig sa kapatid, pamilya, kapwa, kaaway? Masama ba na siya ang unang-unang maging halimbawa ng pagmamahal sa magulang, lalo na s apanahon ng katandaan at kahinaan? Ano man ang nagawa ng ina natin, hindi ba natin kayang patawarin o kausapin man lamang? Mabuti pa ang ibang tao, kayang alisin ang pride para sa ikabubuti, pero ang Ka Eduardo, di bale ng masira ang pangalan ng Iglesia sa buong mundo, di bale ng magkagulo-gulo ang Iglesia, di bale ng madungisan ang kabanalan ng Iglesia, basta pag ayaw nyang kausapin ang magulang at mga kapatid nya, walang makapipilit sa kaniya. Hindi kasi ganyan ang Ka Erdy at ang Sugo, laging ang kapakanan ng Iglesia at ng pagsunod sa aral ng Diyos ang ginagawang pamantayan sa buhay at hindi ang kabaligtaran. Kasi ngayon parang lumalabas na kahit gaano kasama ang ginagawa sa magulang at sa mga kapatid ay gagawan nila ng paraan na pilipitin ang konteksto ng talata ng Biblia para lang i-justify ang ginagawa nila. Eh kung yun ngang mga di natin kapananampalataya eh pinagtatyagaan nating akayin at pagmalasakitan, iyon pa kayang kapatid na natin sa Iglesia kahit pa itiniwalag na. Subalit ngayon sa uri ng pagttiwalag, binago na nila ang doktrina, tinanggal na nila ang pagbabalik-loob sa Iglesia sa uri ng pagtitiwalag nila ngayon na buong sambahayan na ang itinitiwalag nila.
Sana sa mga kasama kong Ministro, gawin natin kung ano ang tama at ayon sa tunay na aral ng Diyos. Hindi kailanman binabago ang doktrina para lamang makasunod sa gusto ng sinomang tao. Hindi na aral ng Diyos na maging malayaw ang mga kapatid, maging sa musika na ipinaiiral ngayon, imagine Christian Music pagkatapos tunog kanto rap at hiphop, tapos pati mga sayaw ngayon pwede na? Siguro napapailing na lang ang mga kapatid na noon ay itiniwalag dahil sa pagsasayaw, pero ngayon ay malayang malaya na. Wala rin sa aral na kapag may kapatid na magtanong o maglike, magshare o magcomment sa facebook ay ititiwalag na? Noon kapag sumama ka sa rally, tiwalag ka, tapos ang INC nagrally sa DOJ at EDSA tapos sisigaw ng separation of state and church, nakakahiya sila. Nagpapaboycott sila sa ABSCBN, Inquirer at Rappler at iba pa dahil bias daw, sa totoo lang wala naman talagang bias sa reporting nila, guilty lang talaga ang Sanggunian. Ine-expect nila ang mga kapatid na sumunod sa boycott pero napaka double standard nila dahil paano yung mga kapatid na nagtatrabaho sa ABSCBN? Sila Ka Anthony Taberna, Gerry Baja, Gas Abelgas, pati ang mga artista gaya ni Snooky Serna, Gladys Reyes at marami pang iba? Sige papagresignin nila sila saka sila magtawag sa mga kapatid na magboycott, pero tyak di nila kayang gawin yun, lalo na si Ka Tonying, di nila kayang paalisin sa ABSCBN yun, takot lang nila.
Lahat na lang ng gusto nilang ipatupad sa Iglesia ay batay sa gusto ng mga isip-batang STF na ito at kukuha sila ng talata sa Biblia, sa makabagong translation na aakma sa gusto nila at kung kulang pa ay sila na mismo ang magtatranslate para lamang palabasin na ang ipinagagawa nila ngayon sa Iglesia ay ayon daw sa Biblia. Kaya ang henerasyon ngayon ng mga kapatid sa Iglesia ay mga kapatid na punong puno ng poot sa puso, mga myembrong natutong mapoot at magtakwil sa sariling magulang at mga kapatid dahil sa kapanatikohan. Ang mga Ministro ngayon ay mga ministrong mga “robot” na lamang at mga sipsip sa mga nasa posisyon at kapangyarihan. Ang tanging nalalaman ngayon ng mga Ministro ay kailangang magpadulas ng lagay o pera para lamang upang umasenso sa Ministerio at mapaposisyon. Dito lamang sa Distrito namin ay kalakaran na ang envelope system para sa mga Ministro, lalo na sa mga tagaDistrito, lalong lalo na sa Tagapangasiwa. Bagamat abroad ito, pero hindi naman namumulot ng salapi ang mga kapatid dito, kaya hirap na hirap na sila sa mga mayat maya ay ambagan para sa mga pagawain sa lokal dahil ubos na ang pondo ng Lokal dahil sa iba’t-ibang mga proyekto ng Distrito na galing sa Pamamahala na puro pasikat na lamang at wala ng focus para sa pagpapasigla at pagpapatibay sa mga Kapatid. Puro na lamang handugan, pagmimisyon, paglilingap, at mga guiness records, hindi na sila marunong ng marapat na pagtitipid sa pananalapi ng Iglesia. Pakitang tao na lang halos ang mga aktibidad sa Iglesia samantalang ang mga tunay na dapat lingapin ay ang mga kapatid na nangangailangan at nagungulila sa “espiritual” na pagpapalakas na inaasam asam nila sa Iglesia. Maraming mga Ministro ang bagamat alam ang totoo ay mga duwag. Hindi na nga magawang manindigan sa tama eh pumapanig pa ng husto sa mali at nangunguna pa sa ipokritong panggigipit sa mga naninindigan sa tama. Bakit sila ganun? Dahil sa takot na mawalan ng tulong at pabahay, takot na mapauwi sa Pilipinas at matapon sa malalayo at liblib na probinsya, takot na baka wala na silang kakayanang makapamuhay sa labas ng Ministeryo dahil wala naman silang kakayanang magtrabaho o dahil na rin sa hindi sila sanay na walang mga kapatid na nagsisilbi sa kanila na parang hari kapag sila ay nasa Ministerio pa. Ang mga ganitong uri ng Ministro ang ipinagpauna ng Kapatid na Eraño G. Manalo na mga Ministrong upahan at walang malasakit.
Mabuhay ka, Ka AE at lahat ng mga Defenders. Marahil pagkatapos nito ay alam na ni Ka Lowell kung sino ako sa mga ka-batch nya. Proud ako na naging ka-batch ko ang magiting na lingkod ng Diyos na kinasangkapan Niya upang tumindig sa katwiran at labanan ang mga mapagmalabis na Sanggunian na dumudungis at nananamantala sa mahal nating Iglesia. Kasama kami at ng aming buong batch sa laban mo Ka Lowell, huwag kang matakot sa ginagawa nila na pawang paninira at pananakot sa iyo, tatatagan mo ang loob mo at lalabas din ang katotohanan.
Diyos ang kumilos ng Kaniyang kamay kaya kahit na anong ginawa ng Sanggunian laban kay ka Lowell at sa pamilya nya ay iningatan siyang buhay sa harap ng banta s akaniyang buhay, iniligtas sya kahit na ipinakulong siya, isiniwalat ng Ama ang katotohanan sa buong mundo dahil sa ginagawa nilang panggigipit kay Ka Lowell. Iyan ang himala, na akala ng Sanggunian na nagtagumpay sila ng napakulong nila ang Ka Lowell, subalit nagmukha lamang mga mangmang ang mga nasa Sanggunian ng ipinihit ng Diyos ang pangyayaring iyon upang maisiwalat sa media at social media ang pangyayaring iyon at namulat ang buong mundo, lalo na ang mga hindi natin kapananampalataya at hindi maikakaila sa lahat na ang makapangyarihang Sanggunian sa Iglesia ang nasa likod ng lahat ng ito. Kahit pa i-deny nila ng i-deny at sabihing UNAWARE sila, pinagtatawanan lang sila ng buong mundo at walang naniniwala sa mga kasinungalingan nila.
Sa awa at tulong ng Panginoong Diyos ay lalong mahahayag ang mga kasinungalingan ng mga nasa Sanggunian at iba’t-ibang mga aral na pilit na itinatalikod ng mga STF, at mahayag ang masasamang aktibidad nila at mga katiwalian na pinagkakakitaan na lamang nila ang Iglesia. Mula ng una kayong lumabas ka AE, alam kong kayo na ang kinasangkapan ng Ama para ihayag ang mga bagay na pilit nilang pinagtatakpan, kayo ang sagot sa panalangin ng Iglesia na magsisilbing tinig ng mga walang boses upang isiwalat ang mga kasamaan. Mula sa iisa ay lubhang lumaganap ang mga AE sa buong mundo at nagsimula ang isang malawakang espiritual na rebolusyon upang ihayag ang mga katiwalian sa Iglesia at mamulat ang mga kapatid sa mga kasamaang ito upang malabanan ang ginagawa nilang pagtalikod sa Iglesia. Sumasampalataya ako Ka AE sa sinabi mo na hindi mo nilalabanan ang Iglesia o ang aral, na ang nilalabanan mo ay ang katiwalian at kasamaan na dumudungis sa Iglesia. Binabasa namin lahat ng mga artikulo mula pa sa simula at alam kong malinis ang hangarin mo at ng lahat ng mga Defenders. Kaisa mo kami sa laban na ito at hangarin na malinis muli ang Iglesia mula sa mga dumi at dumudungis ng malinis na pangalan nito at ang mga gumagawa noon ay hindi tayo na sumisiwalat ng mga katiwaliang ito kundi ang mga tiwaling mga Sanggunian at mga Ministro na gumagawa ng kasamaan mula sa loob mismo ng Iglesia. Nararamdaman ko po na malapit ng dumating ang panahon na mahahayag na ang lahat lalo na ang Bilyon-bilyong mga utang ng Iglesia sa bangko at ang napakaraming mga properties ng Iglesia na nakasanla na ngayon o naibenta na. totoong pera talaga ang ugat ng kasamaan at iyan din ang pinupunterya ng mga nasa Sanggunian kaya tahasan na nilang ipinasok ang Iglesia sa komersyo at pagnenegosyo. Ilalantad na ng Ama lahat ng mga pinagagagawa ng mga nasa Sanggunian at maging ng mga “brat boys” na sila Jojo De Guzman, Angelo Manalo, TJ Orosa, GP Santos, Sergie Santos, Rex Rosquites, Brian Basi, Mark Crelencia, Philip, Jeffrey, Joji Crisostomo at mga kauri nilang STF na syang sumisira sa Pamamahala sa Iglesia. Diyos na ang bahalang magparusa sa lahat ng mga nang-api at nanggigipit sa maybahay ng Ka Erdy na si Ka Tenny, sa kanilang mga anak na sila Ka Angel, Ka Marc at Ka Lottie at s alahat ng mga naninindigan sa tama. Sila ang iminulat ng Ka Erdy sa tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa Iglesia at dahil sa sila ang nasa matuwid, itinakwil sila at pinahirapan dahil hindi nila mapasunod sa paggawa ng mali. Iyan ang balang araw na malalaman ng buong mundo, ang katotohanan na pilit na pinagtatakpan ng mga tiwaling Sanggunian at mga kauri nila. Maaaring nakapagtago sila ng ilang panahon, pero hindi sa habang panahon, ika nga ng isang matuwid na Ministro noon na si Ka Bining.
Marahil kapag inilabas mo itong sulat kong ito at video mula sa batch namin ay malaki ang posibilidad na matutunton din ako ng Sanggunian at marahil ay pahirapan din ako gaya ng iba kong mga kasamahan na tinorture nila, pero nakahanda na ako. Alam na rin ng mga kamag-anak ko na kung sakaling may mangyari sa aming masama, wala silang ibang tatanungin kundi ang Tagapangasiwa dito sa aming Distrito at mga Sanggunian o ang Ka Arnel Tumanan, Ka Benefrido Santiago na mga pawang pakawala nilang Ministro para tugisin ang mga Defenders.
Bilang panghuli Ka AE, nais ko lang ipaalam sa inyo na merong mangyayari sa ibayong dagat… Abangan na lamang iyan ng mga nasa Sanggunian. Isang pagkilos ito ng mga tunay na mga kapatid na naninindigan sa katwiran, sila ang kikilos at walang magagawa ang mga nasa Sanggunian para pigilin ito. Malapit na po Ka AE. Mapagpalayang araw sa inyo Ka AE at sa lahat ng mga Defenders.
Ang inyong kapatid sa paninindigan,
Mistah ng Micah
===================================
Dear Mistah ng Micah,
I remember you brother and I would like to thank you for your valuable contributions to this endeavour. Thanks to your emails and other valuable information, we were able to compile the evidences needed for so many articles we’ve published. Your batch have been very helpful in our cause. i hope someday I may be able to meet you and your family in person because Ministers like you are already a diminishing breed, but I am hopeful that more and more Ministers will speak up and stand up for the truth.
Since you brought up the truth about the real involvement of the STF/NewGens in the whole INC crisis, let me include the link to more information about these brat boys of the STF. You can read more about them here: http://www.network54.com/Forum/779402/thread/1448067440/last-1450721901/The+SPECIAL+TASK+FORCE+(STF)-+Who+are+they-
I sincerely believe that the Church of Christ or Iglesia Ni Cristo will not be led astray or apostatised, not because there are no corruption or irregularities, BUT because there are people like you and the INC Defenders who will expose these lies and evil works so that everyone will be aware that there is now an existing effort to change the doctrines (root of apostasy) and those who are AWARE (not blind) will expose it and FIGHT it. The emergence of the INC Defenders is living proof of what Bro. Eraño G. Manalo stated before he passed away when he said that the Iglesia Ni Cristo will not be turned away, because there will be people who will stand for the TRUTH and for what is clearly written in the Bible as God’s commandments.
For as long as there are people who FIGHT corruption and abuse of power, evil will not succeed in leading the church away. God is merciful and is still giving these people to cast away their evil deeds and return to His will. But if they do not heed His warning and his commandments, then they will be exposed for the EVIL that they truly are and will be punished severely for blemishing His beloved church.
I certainly hope that our beloved Ka Eduardo V. Manalo will be enlightened and will lead the whole church into a complete spiritual renewal of life in accordance to the teachings of God. Only he can contain the situation, stop the hurting of the church, castigate the abusive Sanggunian, resolve the family issue and lead the church to a spiritual healing that is badly needed by the flock. ONLY HE CAN INITIATE THIS. And only he can bring everything to ashes too. It is really up to him… whatever he decides and whatever the outcome will be, let us all have faith that it is the will of God in His efforts to cleanse the church in preparation for salvation…
God will help and guide us.
~ Antonio Ebangelista
“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”
How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”
This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”
F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista
Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY
Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”
Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS
The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”
Contact Information
Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com
Official Blog: Http://incsilentnomore.wordpress.com
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/
Official Facebook Account:https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77
Official Instagram: @antonioebangelista
Official Twitter: @AEbangelista1
#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore