2015-12-26

VOICE OF THE MINISTERS

Magandang araw po sa inyo Ka A.E.,

Ako po ay isang aktibong Ministro sa Iglesia Ni Cristo at sa kasalukuyan po ay pinipilit ng aking mga kamag-anak na manahimik sa mga isyu dahil sa takot na baka kami saktan ng mga Sanggunian sa pamamagitan ng aming mababagsik na Tagapangasiwa at mga kauri nilang mga Pastor at mga Maytungkulin. Kaya mas makakabuti na lamang na ipahayag ko dito muna ang aking nalalaman ukol dito sa aming kapamatok na si Bobby Fernandez. Matagal ko pong nakasama itong si Ka Bobby at nagulat kaming lahat kung bakit biglang nagkaganito itong si Bobby. Subalit hindi rin namang kataka-taka na maging ganyan siya dahil sa ganiyan na po ang kalakaran ngayon sa Ministerio, na kung gusto mong mapansin at “makilala” ng iyong mga Superiors, ay kailangang ipakita mo na ikaw ay mabagsik din at handang gawin ang kahit ano para lang “mapalapit” sa mga Nangangasiwa. Ang resulta… ay ang mga kauri ni Bobby Fernandez. Hindi mahalaga kung tama ang sinasabi nila, hindi mahalaga kung kauri pa ba ng tunay na Ministro ang asal nila, hindi mahalaga kung nasasalaula na nila ang Ministeryo sa gaspang ng kanilang pananalita at asal, basta ang mahalaga ay “mapansin” sila.





Ito po ay mula sa pinasikat na Ministro na si Ka Bobby Fernandez na noon po ay isang tahimik at hindi gaanong napapansin na Ministro. Mula ng nagkaroon na ng karapatan kaming mga Ministro na magkaroon ng facebook Accounts at inutusang sagutin ng “buong dahas” ang mga di-umanoy kumakalaban sa Pamamahala, isa po ang Ka Booby Fernandez sa sumunggab sa oportunidad na ito. Gumawa sya ng kaniyang FB Account at ngayon ay mayroon pang WordPress account kung saan buong giting nyang itinatanyag ang kaniyang mga saloobin at kuru-kuro ukol sa mga kasalukuyang nagaganap sa Iglesia at buong yabang pa nya itong ipinagmamalaki sa amin na mga kaibigan nya tuwing sya ay magkukwento na para bagang kung sino na syang artista at mahusay. Hindi nya lang alam ay ikinahihiya sya ng maraming mga tunay na Ministro na “mulat” na sa totoong nangyayari sa Iglesia. Sila-sila din lang naman nila Ka Arnel Tumanan, Ka Joel San Perdo, Ka Edwil Joy Zabala, Ka Marlex Cantor at mga kauri nilang lapastangan sa Pamilya ng Ka Erdy ang siyang nagpapaniwala sa sarili nilang kasinungalingan ang siyang nagbubunyi sa kanilang mga kahambugan at kababawan.

Narito po ang isa sa kaniyang buong tyagang binuo upang ipagtanggol ang Pamamahala sa Iglesia.

=============================================================

UNIDENTIFIED MASKED MEN- BANTA SA SEGURIDAD AT LUMAPASTANGAN SA BAHAY NI KA ERDY – by Bobby Fernandez

Ang mga kahinahinalang nakamaskarang mga tao na probably active or retired military men ay pinatutuloy nina Lottie at Angel sa bahay ni kapatid na Erano G. Manalo. Ang nasabing bahay ay bukod pa sa tinutuluyan nina Lottie at Angel na nasa #36 Tandang Sora. Ito ay adjacent ng Central Office at ng bahay ng Kapatid na Eduardo V. Manalo.

KAYA ALAM NA NATING ITO AY BANTA SA SEGURIDAD. Kung wala silangmasamang balak, bakit nagagalit sina Lottie at Angel sa paglalagay ng bakod upang maharangan ang maaring daanan patungong Central at bahay ng Tagapamahalang Pangkalahatan? Bakit galit sila kung may maraming securities ang central?

Mabuti na lamang at napaalis na ang unidentified masked men (na parang mga ISIS) sa bahay ni Ka Erdy. Ngunit hanggang ngayon ay nasa location pa rin sila.

Ngunit ang natuklasan ay SINALAULA AT BINABOY NILA ang bahay ni Ka Erdy. Ang dapat sisihin nito ay sina Lottie at Angel.

Inaakusahan pa nila ang Pamamahala na wala raw pagpapahalaga sa alaala ni Ka Erdy, yon pala, sila ang napatunayang lumalapastangan at walang pagmamalasakit sa alaala ni Ka Erdy.

=============================================================

Alam ko pong hindi na ninyo pinapansin ang ganitong mga mabababawa na artikulo dahil mga walang kwenta lang naman ang mga ito at sayang lang ang oras ninyo at maging ng mga nagbabasa sa inyo. Hindi ko na rin po sana pag-aaksayahan ng panahon ito gaya ng iba pa niyang mga panulat, subalit hindi ko po talaga matiis dahil kilala kong personal ang hinayupak na ito at maraming Ministro ang nanggagalaiti sa kanila ng mga kasamahan niya kaya kung hindi po ninyo ipagkakait ay hayaan nyo na po sanang ako na ang sumagot sa paimbabaw na Ministrong ito na kahihiyan sa tunay na Ministeryo.

Dito po sa kaniyang panulat at kuru-kuro ay madaling mababakas ang kakulangan nya ng kaalaman sa presentasyon ng ebidensya at lalo lamang ninyang ipinakikita ang mababaw na uri ng kaniyang pag-iisip. Bagamat ako po ay aktibong Ministro pa at sa madalas na pagkakatao ay napipilitanpo akong basahin na lamang ang “scripted” na Preacher’s Guide namin sa pagsamba kapag nangangasiwa ako, ito ay hindi dahil sa ako ay sumasangayon sa kanila kundi dahil sa kapag hindi ko iyon ginawa ay ibinilin sa mga Pangulong Diakono na tutupad sa Tribuna na iulat sa Tagapangasiwa kapag hindi namin binasa ng buo ang PG at kapag hindi binanggit sa panalangin ang “scripted” panalangin na lipulin na ang mga kumakalaban daw sa Pamamahala at iba pa. Hindi ako natatakot na matiwalag subalit alam kong mas makakatulong pa ako sa kilusang ito sa pananatili din sa loob upang maiparating sa inyo ang mga tagubilin na aming tinatanggap sa aming tagapangasiwa na si Ka Regalado na isa pang hunyangong ministro na naglabas na ng tunay na kulay na para lamang ma-promte ay nakahandang lumabag sa aral ng Diyos at gawin ang anumang ipagawa sa kaniya ng kaniyang mga “bossing”. Ang mga leksyon, lecture at mga tagubilin ang mga iniemail ko sa inyo mula pa noon ang sinasampalatayanan kong kaukulan ko kasama ng iba pang mga Ministro na kasamahan ko na mga “silent” defenders sa CEM, kaya wala talaga silang maitatago kahit anong pagtatakip ang gawin nila.

Kung mapapansin po ninyo ay mapanganib kapag ang sinomang kapatid ay nahikayat ni Bobby sa kaniyang mapanlinlang na mga pahayag, bagaman hindi kami masyadong nangangamba sapagkat alam naman namin na ang mga nahihikayat lamang niya ay mga taong kasing babaw din nya ng pag-iisip at mga bulag na tagasunod at mabababaw din ang pananampalataya. Lumalabas na porket nakamaskara at hindi nya kilala ay banta na agad sa seguridad? Bakit hindi muna na nya alamin kung bakit nakamaskara? Dahil ba sa may masamang balak o dahil sa may masasamang balak dun sa mga taong nakikilala kaya napipilitang magmaskara? Alam naman naming lahat na ang sinumang tumutulong sa Pamilya ng Ka Erdy sa No. 36 Tandang Sora ay pinagchecheck ng mga guard, kinukunan ng picture, video at sinusundan pa ng mga taong nakamotor hanggang saan sila makapunta. Bakit? Para makuha ang pagkakakilanlan, isumbong sa Sanggunian, papupuntahan sa mga Tagapangasiwa at pastor at saka haharasin, at ang lundo, ipatitiwalag. Pero syempre hindi iyan ang isusulat ni Bobby, hindi nya aaminin na ang mga taong nakikilala nila ay pinahaharass maging sa mga pulis na hawak ng INC. Kaya masisisi nyo ba ang mga kapatid na nagtatago ng kanilang mukha at pagkakakilanlan na ang tanging nais lamang ay saklolohan at tulungan ang Pamilya ng Ka Erdy, kunan ng larawan at video ang mga lumalapastangan sa ala-ala ng Ka Erdy. Kaya napakababaw ng argumento ni Bobby n aporket nagtatago ng pagkakakilanlan ay masama na agad, sana nilaliman muna nya ang pagsusuri at pagkaunawa niya.

Sinasabi pa nya na napakalaking banta daw sa seguridad ng Ka Eduardo dahil sa may ilang mga tao na nagboluntaryo na bantayan ang seguridad ng Pamilya ng Ka Erdy, obvious na obvious naman kung sino ang ginigipit at minamaltrato tapos kung maka-react itong sila Bobby eh para bagang aping-api ang Ka Eduardo? Eh nasan ba ang Ka Eduardo? Hindi ba’t nasa ibang bansa na naman? Hindi ba’t halos wala naman sya dito sa bansa at kapag nandito sya, hindi ba’t mas madalas sya sa Forbe’s Park Residence nya? Kung ikukumpara ang bilang ng mga tao sa No. 36, masasabi ba nila na dehadong dehado sila? Napakalaking kahibangan naman yan. Siguro dapat dito kay Bobby at iba pang mga Ministrong bayaran eh ipa-Duterte na natin ng maintindihan nila kung anong pinaggagagawa nila sa Iglesia.

At ang lakas ng loob nilang ibintang sa iba ang pinagagagawa nilang pagyurak at pagdaluhong sa mga gamit ng Ka Erdy… mga gamit ng Mommy Tenny at Ka Marc… kaya nilang binakuran ng matataas na bakod ang bahay nila Ka Angel at Ka Lottie ay upang takpan ang kanilang gagawing paninira sa mga gamit at ari-arian ng Ka Erdy. Mga lapastangan at itong si Bobby eh napakalakas ng loob na magsalita na para bagang nandun sya sa lugar na iyon ng nilusob ito ng mga bataan ni Jun garcia na mga contruction men nya sa ilalim ni Jun Santos. Bobby wala ka dun, kaya wag kang magdunung dunungan. Ilabas mo ang mga larawan o video na sila ka Angel at sila ka Lottie ang may kagagawan ng paninira sa bahay ng Ka Erdy. Samantalang inilabas na ang mga larawan kung sinu-sino ang nagbakod, nanira, nanghimasok sa bahay ng may bahay, subalit nagbubulagbulagan lamang kayo.

https://incsilentnomore.wordpress.com/2015/12/21/free-ka-angel-and-ka-lottie-manalo/

Sana maranasan mo rin ang nararanasan nila Ka Angel at Ka Lottie ngayon na pinutulan ng kuryente, pinalibutan ng bakod na yero ang buong bahay hanggang bubong, hinaharas kapag may nagpapadala ng tulong at hindi malayang makapagpapasok ng tao kahit pa mga doctor upang matingnan ang kanilang pangangailangang pangkalusugan, anong mukha ang ihaharap mo sa Panginoong Diyos, sa Panginoong Jesucristo at sa Ka Eraño G. Manalo pagdating ng panahon dahil sa kalapastangan ninyong mga bayarang Ministro sa pinaggagagawa ninyo sa pamilya ng Ka Erdy. Bakit hindi kayo manindigan sa tama at ilantad ang kamalian? Bakit takot kayong mawalan ng tulong, ng posisyon, ng pabahay? Nakakahiya kayo.

Pasensya na po kayo Ka AE kung medyo hindi ko minsan napipigilan ang sarili ko at hindi ako makapagtimpi, sobra na kasi eh. Gaya ng Ka Arnel na alam naman ng lahat ng Ministro kung bakit sya nagpapakasangkapan ngayon sa mali eh, dahil sa pakinabang. Para hindi matiwalag ang anak niya na may karelasyong iba at alam ng lahat ng taga Central yan, hindi yan sikreto dito, si Centralyn at si Christer Pascual at ang pagiging “mahinhin” ng kaniyang manugang na si Bobby Capistrano, maging ang biglang promotion ng kaniyang anak na lalaki. Hay.. ganyan na talaga ang Ministerio ngayon, pera pera na lamang ang nagpapakilos. Ang mahalaga kay Ka Arnel, may bago syang Innova, mapagtatakpan nya ang kaniyang mga anak, hindi malalantad ang kaniyang mga ginawang “transaksyon” sa mga negosyante at politiko noon at ngayon at higit sa lahat ay ang miss na miss na nyang “celebrity” status nya na kinasanayan nya noong sya ay GenSec pa. Kaya ngayon ay kahit anong mangyayari ay hindi hihiwalay sa pera at kapangyarihan iyang si Ka Arnel na dating magiting at ginagalang na Ministro subalit ngayon ay bumaba na sa lebel ng “palengkero” at “tsismosong” ministro.

Sana lalong maraming mga kapatid na mataas ang antas ng pang-unawa ang makahalata na sa mga Minstrong mapanlinlang at mapanirang puri gaya ng mga ito katulad nila Bobby, Ka Arnel, Ka Marlex, Ka Romer Galang, Ka Regalado at iba pa. Sila sila lamang ang naniniwala sa kani-kaniyang kasinungalingan, pero ang mga kapatid, gising na gising na sa katotohanan. At halatang halata kung sino ang mga nagsisinungaling:

Patuloy na lamang kaming mananalangin sa Ama na ihayag na nya ang mga taong tampalasan, lalo na sa hanay naming mga Minsitro. Sana maghimala na ang Ama at malantad na ang kalapastanganan ng mga makabagong upahang Ministro ngayon kasama ang mga Ministrong may gatas pa sa labi at malabnaw pa ang isip, at ibang espiritu na ang taglay. May awa ang Ama at hindi na talaga matatalikod ang Iglesia, hindi dahil sa tama ang kasalukuyang takbo ng Iglesia, hindi ito matatalikod dahil sa may mga katulad ninyo na tumitindig at naninindigan sa tama upang huwag ng tuluyang matalikod sa aral ang Iglesia. Salamat po sa panahon ninyo ka AE.

Gumagalang,

LG

=============================================================

Ka LG,

Sabi nga ni Ka Arnel Tumanan, YOU NAILED IT! Thank you po for sharing your valuable and valid insight regarding these demented Ministers.

~ Antonio Ebangelista

“They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.”

How did did this all start? “Ang Simula” / “The Start”

This is my STAND: “Let me Make Myself Clear”

F.A.Q.: Question and Answer with Antonio Ebangelista

Our Standard: Let this be a CLEAN FIGHT even if THEY FIGHT DIRTY

Philippine Daily Inquirer Article: “Antonio Ebangelista writes Philippine Daily Inquirer, Warns Iglesia Elders”

Para sa lahat ng mga MINISTRO: FOR IGLESIA NI CRISTO MINISTERS

The CHOICE is always UP TO YOU : “The Red Pill. The Blue Pill”

Contact Information

Offcial Email: AntonioRamirezEbangelista@gmail.com

Official Blog: Http://incsilentnomore.wordpress.com

Official Facebook Page: https://www.facebook.com/Iglesia-Ni-Cristo-Silent-No-More-by-Antonio-Ramirez-Ebangelista-1611787305760651/

Official Facebook Account: https://www.facebook.com/antonio.ebangelista.77

Official Instagram: @antonioebangelista

Official Twitter: @AEbangelista1

#iglesianicristo #inc101 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore

Show more