2016-01-12

Posted by “The Artidope” on their Facebook page is a short story of “Aling Milay” about trying to use an old bank note which was declined upon purchase since it has no worth anymore today in the market.

“HINDI NA ‘YAN PWEDE”

Inabot ko ang kamay ko

Nagbabakasakali

Kaso..

Hindi na daw pwede.

Ang totoo,

Alam ko namang hindi na talaga pwede.

Pero..

Ano bang masama sa pagbabakasakali?

Importante ka naman… dati.

Yun lang naman ang kaya nating ipagyabang diba?

Ang dati.

Pero tapos na yun eh.

Yung “ngayon” ang mas mahalaga.

Kaso ang problema,

Wala ka na.

Wala ka na sa listahan ng mahalaga.

Lipas na.

Laos na.

Yung bago ang titingnan nila.

Tapos paglipas ng maraming taon, babalik sila

Kung kailan okay ka na.

Kasi alam nila,

Sa panahon na yun mas mataas na ang ‘yong halaga.

Ganyan yan sila.

words by Aling Milay

Photo from Google

Hugot na hugot! Damang dama niyo ba ang hugot niya? LOL

Show more