2016-02-13

Mga minamahal na kapatid sa poong Hesu Kristo tayo po ay magpuri, magpasalamat sa Diyos sa ginawa niyang pagtitipon sa araw na ito upang ipagdiwang hindi lamang ang huwebes pagkatapos ng Ash Wednesday, simula na ng kwaresma kundi ipagdiwang din ang pandaigdigang araw para sa mga may sakit “World day of the sick”.

Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng mga kumakalinga sa mga may karamdaman, ilang pagninilay lang po ang aking ibabahagi sa inyo.

Ang una ay tayo po ay nasa loob ng Jubilee year of Mercy taon ng habag ng Diyos at nakikita naman natin sa ebanghelyo at pati sa lumang tipan ang isa sa pagpapakita ng habag ng Diyos ay ang pag bisita sa may sakit, pagpapagaling sa may sakit, pagkalinga sa may karamdaman, hindi lang po ito mga trabaho kundi pagpaparamdam, pagpapamalas ng awa habag ng Diyos.

At itong taon ng Jubilee nandito po tayo sa Manila Cathedral isa po ito sa mga Pilgrimage Churches, andun ang Holy door, na kapag pumasok at may ginawa tayong mga hakbang ay merong plenary indulges, pero tatanungin natin papaano yung mga may karamdaman na hindi makaka-ikot, yung iba nasa bahay lang, yung iba nasa Hospital, yung iba nasa bahay ampunan hindi sila pwede mag Pilgrimage, sabi po ni Pope Francis para po sa mga may karamdaman na hindi makaka-ikot at makakapunta sa Pilgrimage sites ay ang inyong pakikiisa sa pagdurusa ni Hesus ay inyong pakikipaglakbay kay Hesus na nagpasan ng ating Krus yan ang ating Pilgrimage, at kahit hindi kayo makapasok sa isang Pilgrim Church ay inyong paglalakbay sa inyong karamdaman ng may pananampalataya at pag-asa at para na kayong pumasok sa isang Holy door, kaya sa mga kapatid nating may karamdaman hindi po kayo hinihiwalay sa year of Mercy at sa Pilgrimage.

At nakiki-usap po ako sa ating lahat bagama’t meron tayong limang simbahan na idineklara na Pilgrimage Churches, kailangan magbukas din po tayo ng mga “Doors of Charity”, mga pinto hindi lamang ng mercy kundi doors of Charity.

Kung tutuusin po bawat bahay na mayroong sakit ay “House of Charity” bawat Hospital mayroong House of Charity. Bumisita po tayo, makipagdasal, magbigay ng consolation mahalagang Pilgrimage yan, pagpasok sa Doors of Charity sa pamamagitan ng pagdalaw at pag-aaruga sa mga may karamdaman.

Siguro naman po sa ating mga baranggay, sa ating mga kapitbahay meroong mga may karamdaman, bumisita po that is our part to the Jubilee Pilgrimage.Enters as many doors of Charity that we can find of the sick in the hospices, in the Hospitals of caring for the sick, people with the disabilities, the infirm, sa ating pagdiriwang ay pasok na pasok sa year of Mercy.

Ang ikalawa po ay malinaw na pinakitang halimbawa ni Hesus na ang mga may sakit ay may espesyal na sakanyang mga buhay, sakanyang puso, sa kanyang Ministry, kahit saan pumunta si Hesus siya ay nangangaral, binibigay niya ang salita ng Diyos at kasabay ng salita ng Diyos ay ang pagpapagaling, ay ang pagpapalayas, sa mga masasamang Espiritu.

Ang pagpapalakad sa mga pilay, ang pagpapakita sa mga bulag, pananauli ng pandinig sa mga hindi makarinig, ang paglilinis ng mga ketong, ang paghihilom ng mga babaeng inaagasan ng dugo, napakarami at dumating pa nga po binalik niya sa buhay ang labing-tatlong mga dalagita na namatay na at ang kanyang kaibigan na si Lazaro.

Ang ministeryo ni Hesus ay walang patid na pagpasok sa mga pintuan ng pag-ibig at pagpasok niya diyan natagpuan niya ang mga taong may karamdaman, at pinapadama nila sakanila ang paghahari ng Diyos.

Mga kapatid, ang karamdaman po ay hindi lamang yaong dinaramdam ng katawan, mahalaga ang katawan, mahalaga ang buhay, “Templo yan ng Espiritu Santo” kaya inaalagaan, hindi inaabuso, mahalaga ang katawan ng tao nilalang yan ng Diyos, galing yan sa Diyos kaya may Dangal. Sa pagpapagaling ni Hesus sa mga karamdaman dinedeklara niya bawat tao, bawat katawan, bawat buhay, ay sagrado.

Pero meron pang isang karamdaman na hinihilom ni Hesus, yan ang karamdaman na tinatawag na Isolation o pag-iisang tabi. Kapag ikaw ay may sakit, lalo na sakit na nakakahawa ikaw ay lalayuan, ikaw ay mag-iisa, at siguro yun ang isa sa pinaka mabigat na dinaramdam ng may sakit ang pag-iisa. Hindi na nakakasama sa pagkain ng pamilya, hindi na nakaka attend sa mga party, hindi na nakaka punta sa mga fiesta, naiiwan lang mag-isa, at ang ginawa ni Hesus at ngayon pinapagawa sa simbahan to break the Isolation of the sick sa pamamagitan ng ating Ministry to the sick, hindi lamang po yung magagawa natin sa kanilang pangkatawang karamdaman na napaka halagang asikasuhin kundi ipadama sakanila na hindi sila nag-iisa, hindi sila nakalimutan, hindi sila pinapabayaan, kalimitan po dumadating po sa punto wala ng gamot sa karamdamang pangkatawan pero, nakita ko po ito sa nakakaraming karamdaman na kahit itong katawan ay talagang dumating na sa hangganan ng paggaling pero kapag ito ay punong puno ng pag-ibig na kapag alam niyang may nagdadasal sakanya, kapag alam niyang may nakakaalala, may umiisip sakanya, kapag alam niyang may bumibisita, may kumakalinga sakanya na kahit yung katawan ay maraming sakit ang isip at puso gumagaling, lumalakas, wag po nating kalilimutan yung bahaging yuon ng karamdaman.

Kaya para sa ating mga volunteers, mga health workers, huwag lang yung mga “oh eto inumin mo na toh, inom inom inom! Nainum mo na ba yung antibiotics?” baka lalong magkasakit, binibigyan nga ng gamot sinusugatan naman yung puso’t damdamin lalong nagkakasakit!

Isolated na nga, para pa nating lalong itinutulak. Darating ang panahon, na wala ng gamot na maibibigay, ang maibibigay mo na lang ay “the assurance of loving, caring, presence”and that is the healing that God also wants to give breaking the isolation, the sick with the disability.

At panghuli po, sabi natin kanina mahalaga ang buhay kaya meroon tayong ministry to the sick, mahalaga ang community kaya we do not want to feel alone and isolated, you may be quarantine but you have family, you have the Church, pero sa mga pagbasa natin ito po ang huli kong punto. Si Hesus ay nagbibigay buhay, si Hesus ay nag-aalaga sa mga may karamdaman, pero sa mga ebanghelyo ang paanyaya niya sa atin ay sumunod sa kanya.

Pero, para makasunod sa kanya sabi niya “talikuran mo ang iyong sarili pasanin mo ang iyong krus, sumunod ka sakin”.

Itong si Hesus, ang pagpapagaling ang ginagawa pero hinihingi naman natin kung gusto mo sumunod sa akin aba’y dapat mamatay ka! Parang gusto mong sabihin “Hesus ano ba talaga?!”pinapagaling mo kami, sbai mo alagaan isat-isa, itaguyod ang buhay, pero kung susunod sa iyo kailangan mamatay! Kailgangang handang mamatay!

Huwag po tayo magpapakamatay! Hindi po yan ang ibig sabihin ni Hesus.

Maganda sa unang pagbasa para mabuhay sabi po sa geoteromiyo “ Piliin mo ang buhay para ka magtagal, pero ano? Paano mabubuhay?“ sabi “ibigin mo ang Panginoon, makinig sakanyang tinig, manatiling tapat sakanya, yan ang buhay!” ibigin ang panginoon, makinig sakanyang salita, manatiling tapat sa kanya, diyan tayo mabubuhay. Pero, ang pag-ibig sa Panginoon pakikinig sa kanyang salita, ang pagiging tapat sakanya nangangailangan talaga, mamatay sa sarili, “Iibigin ang Panginoon higit sa lahat, hindi iibigin ang sarili ng higit sa lahat.

Makinig sa salita ng Diyos, hindi makinig sa ambisyon, ng galit, poot, ng paghihiganti, yan ang tinig na malimit nating pinapakinggan, makita lang isang tao nagsasalita na “patirin mo, patirin mo!” papakinggan naman,

Makita lang yung hindi kaibigan “may tinig; itulak mo, itulak mo!” papakinggan naman itutulak naman!

Makita niyo lang yung isang tao may utang sa kanya, may maririnig na tinig “lasunin mo, lasunin mo!” papakinggan naman.

Aba! Para mabuhay makinig sa salita ng Diyos, pero mamatay sa mga sariling tinig na kalamitan na parati nating pinapakinggan. Maging tapat sa Panginoon, at ang katapatan sa Panginoon ay katapatan sa lipunan, katapatan sa aba at sa walang wala.

Kalimitan ang katapatan ay sinasabi nilang obsolete na. Fidelity, commitment, sabi nila old fashion na yun, dapat ngayon Malaya ka!

Pag nagsawa ka tapos na! kaya pala tama si Hesus, mabuhay at magbigay pugay, kailangang mamatay sa sarili, mabuhay sa pagmamahal sa Diyos, pakikinig sakanyang salita, nanatiling tapat sa kanya.

Para po sa lahat ng tumutulong, nag-aalaga sa mga may karamdaman sa mga Hospital, sa mga bahay at sa mga apostole.

Maraming salamat po sa inyo, sa ngalan po ng Simabahan at sa arch diocese of Manila, pina paabot namin sa inyo ang walang sawang pasasalamat!

Huwag po kayo magsasawa dahil ang inyong ginagawa ay banal na gawain. Kasi ginawa yan ni Hesus, pero sana habang nag-aalaga tayo, tayo din ay kumakalinga sa mga may karamdaman, araw-araw maging handa MAMATAY sa sarili para ba magtiyaga, maging mapang-unawa, para maging magkalinga, para sa mga batang andito kapag ang inyong magulang ay pauli-ulit na, wag iinit ang inyong ulo, ipakita padin ang paggalang, may pang-unawa,may pagmamahal.

Sa mga health workers, sa mga doctor, sa mga caregivers, alam ko minsan nakakapagod alam ko minsan nakakairita, pero ang isipin niyo ang inaalagaan ninyo ngayon ay presensya ni Hesus na nagsabi “nung may sakit ako dinalaw mo ako.”

Sa halip na makinig sa tinig ng irritation makinig sa sinabi ni Hesus “nandito ako, ako ang iyong kinakalinga, ako ang iyong inaalagaan”.

Tayo po ay tumahimik sandali at ihanda ang ating sarili sa gaganaping pagpapahid ng langis sa mga may karamdaman, dahil po sa mga numero ng mga may karamdaman, ang pagpapatong ng ating kamay ay sabay-sabay na lang at hindi na po pa isa-isa magdarasal na lang po ako ng pangkalahatan para ang mga pari ay makalakad na para sa pagpapahid ng langis.

Lahat po tayo ay tumahimik sandali at magpasalamat sa Diyos sa kanyang pag aaruga sa mga may karamdaman at kapansanan hilingin natin na tayo maging narapat at maki–isa sa paglilingkod ni Hesus sa mga may karamdaman.

Show more