2015-09-11

Bawat buhay ibinigay para sa misyon at hangga’t hindi natin natutuklasan at nagagampanan ang misyon, parang kulang ang ating buhay. Kahit malusog ka nakakain mo lahat ang iyung gustong kainin ang kutis mo parang hindi nagkakapeligis ang buhok mo hindi nababawasan , hindi ibig sabihin buhay ka . Sino ang tunay na buhay yaong may misyun at kapag nakakita ako ng tao parang tatamlay tamlay lulugo lugo ang isang iniisip ko hindi yata kulang sa bitamina baka kulang sa misyun. Ang tao na may misyon kahit na may karamdaman may sigla may puwersa may dahilan para mabuhay. Kaya kapag birthday natin dapat tinitinganan natin binigyan ako ng Diyos ng buhay ano yung binibigay niyang misyun direksiyun ng buhay pag-aalayan ng buhay magiging kabuluhan ng buhay . Kay maria dalawa ang direksiyun ng misyun una maging ina ng anak ng Diyos sa kanyang pagiging tao.

Sa ebanghelyo na narinig natin si Maria na sa pamamagitan ng esperitu santo ay naglihi at ang kaniyang ipaglilihi ay papanagalanang Hesus ibig sabihin ang diyos ay magliligtas . Hindi ito unang naunawaan ni Maria subalit sabi nya sa Anghel ako ang alipin ng Panginoon maganap nawa sa akin ang iyung sinabi . Narito ako tutuparin ko a ng misyun na iniaatang sa akin ng Diyos , ang s inabi mo matupad nawa sa akin .

At sa narinig po nating ebanghelyo parang lalayuan ni Jose si Maria dahil alam ni Jose hindi ako ang ama ng dinadala ni Maria , wala kong parte na sa buhay ni maria at sa nanagyayari sa kanya sino na kaya ang mayroong papel s a buhay ni maria , hindi na a ko .

Pero sa pamamagitan ng panaginip pinaliwanag ng Diyos kay Jose , jose may misyun ka may parte ka ikaw a ng tatayong ama ng ipinaglilihi ni Maria , pakasalan mo si maria at dahil asawa mo si marai ama ka ng anak ni Maria .

Si maria may misyun ,si san jose may misyun kahit na sila ay napakasimleng mga tao sa unang pagbasa mula sa propeta micas ang maliit na bayan ang maliit na tao , payak sa mata ng Diyos pag nabigayn ng misyun may gagampanan ka sa kasaysayan . natupad yan sa maliit na bayan ng bethlehem sa simpleng babae maria sa isang karpentero jose payak pero binigyan ng buhay at misyun sa pamamagitan ng bethlehem sa pamamagitan ni Maria at sa pamamagitan ni Jose ang anak ng Diyos isinilang naging kapwa tao natin naging hindi iba sa atin ang Diyos malapit , emmanuel ang Diyos kapiling natin.

Mga kapatid tayo bahagi ba ng misyun ng buhay natin ang ipakilala si hesus sa mundo bahagi ba ng misyun natin ang ilapit si Heus sa iba at ilapit a ng ba kay Hesus . Hindi natin mapapantayan ang ginawa ng mahal na birheng Maria natatangi sa kanya ang misyun na maging ina ng Diyos siya lang yan , Pero tulad niya apostoles tayo dahil si hesus sa iba . Ang buhay ba natin ang pakay ng buhay natin nakakonekta ba kay Hesus ? yan sana ang ating birthday gift kay maria buhay , misyun na nakadikit kay hesus.

Kung tatanungin natin ang ating sarili ngayon, san ba nakadikit ang ating buhay ? Kay Hesus ba sana … eh yung iba sa satin nakadikit ang buhay sa cellphone, kapag naiwan ang cellphone, hindi na mapakali hindi na makakain hindi makatulog, nasaan ang cellphone ko hanapin hanapin , yun na yuna na ang misyun ng buhay natin yun na ang identity natin at yung iba magnanakaw pa ng cellphone , pati buhay isasalalay , mahuhuli ata ako mabubugbog ata ako hind na bale para sa cellphone, ‘yan na ba ang misyun natin cellphone …? May mga kabataan dito ano ba ang misyon ng buhay ano ba ang pinag aalayan ko magkaroon ng signature shirt , yung mga impressive na t-shirt yung mayroon pang buwaya, wag na yan ang isuot nyo pagkarami rami ng buwaya dadagdagan nyo pa hindi yan ang misyun nyo na magpakita ng buwa buwaya , magsuot ka ng T-shirt huwag kang magnakaw ! sabi ng D iyos tama na ang buwaya , wala atang nakasuot ng ganuong t-shirt san ba nakadikit ang ganung t-shirt. Ikinahihiya ba natin si Hesus ano ba ang mga pinag-uusapan, ano ang mga tsismis ano bang mga paninira, bakit hindi pag-usapan ay si Hesus bakit hindi pag-usapan ang kanyang salita katulad ni Maria ang buhay sana natin ay nakadikit kay Hesus, papano si Hesus mapapalapit lalo sa kapwa?

At panghuli sabi natin kanina si Maria nakaugnay kay Hesus at siya ring nakaugnay sa simbahan , kung tutuusin sa buong sanilikha, kaya nga ang tawag natin kay Maria ay ating ina, hindi siya ipinagkait ni Hesus sa atin kung si Hesus ang ulo ng simbahan ang ina ng ulo ina rin ng katawan , konektado si Maria kay Hesus bilang pinuno at ulo ng katawan pero imposible naman na iba ang ina ang tenga mo ng ilong mo , hindi ang ina natin iisa, ang ina ni Hesus ina ng kanyang mga kapatid. Kaya po kung sino si Maria ganun din sana ang simbahan at bilang ina nating lahat si Maria ang isa na nagiging daan ng pagtitipon ng mga anak ng mga pag-uugnay ng mga anak . Punong puno po ang ating simbahan hindi naman po tayo magkakadugo kamag-anak nyo ba lahat ito di naman tayo magkakalahi iba iba tayung probinsya yung ating luwalhati sa diyos kanina may ilokano may tagalog , may cebuano may english may latin pero natipon tayo sa ngalan ng D iyos at dahil iisa tayung ina at maganda pa naman na ang birthday ng inang nagtitipon ang inang nagpapanumbalik ng damayan ng pagkakapwa tao pagtutulungan ang kanyang kaarawan ay nasa loob ng season of creation na atin pong inilunsad noong September 1 dahil po ang creation ang sannilikha magkakaugnay tayo , magkakapatid kaya nga sabi ni St Francis of Assisi brothers son sister moon mother earth, nilikha tayo na magkakaugnay, bawat isa may kaugnayan sa iba pa nandiyan ang buhay at yan po ang isang misyun ni Maria bilang ating ina.

Alam po ninyo lalo na ngayong season of creation bumabalik sa aking isip ayung sinasabi ng isang philosopher sabi n’ya sa panahon natin ngayon marami ayaw nang kumilala sa Diyos ayaw na nila sa diyos ama at yung iba nilalapastangan ang mother earth , walang koneksiyun Diyos ama wala ng koneksiyun sa inang kalikasan kung wala ka ng ama kung wala ka ng ina, ano ka? Kanino ka konektado ? Wala. wala ka koneksiyun sa Diyos wala ka koneksiyun sa lupa ano ka..? mag diodiosdiyusan ka ! Kaya pati ang lupa sasamantalahin mo , hindi mo pag iisipang samanatalahin ang iyung ina .

Pero bakit nakukuhang samanatalahin , hindi na kasi natin nakikita , ina ko yan ! HINDI NA NATIN NARARAMDAMAN ina ko ang sambayanan, ang samabayanang ito ang nagsilang sa akin . wala. Kanya kanya nang diyos , kaniya kaniyang batas kanikaniyang yabang . hindi ganayan si Maria ang kanyang misyun hindi tayo paghihiwahiwalyain kundi tipunin , season of creation Mary one of the shining creatures of God . the image of mother earth the image of mother the church the image of life , interdependence connectedness compassion .

Mga kapatid sabi nila, like mother like children. Kung siya ang ating ina, ano ang mukha ng ating ina , Hesus tagabigay kay Hesus at tagatipon sa damayan at pagkakaisa , kung ganyan ang ating ina sana ganyan din tayo tagapagpahayag kay Hesus , sa buong mundo at daan ng pagkakaisa pagkakasundo sa samabayanan at sa buong lipunan at kalikasan .

Ito po ang ating ibigay na birthday gift sa ating ina.

Tumahimik po tayo sandali at ibukas ang ating puso sa misyon na binibigay ng Diyos katulad ng pagkabukasni Maria sa buhay at misyon.

Show more