2013-12-02

Day 1 (Ueno Market, Tokyo Dome city, Sky Tree) - Tokyo, Japan

Tokyo, Japan

Gonna Scoot to Tokyo!

10:30 pm ng Wednesday, umalis na ako ng bahay patungong airport para pumunta ng Japan, my flight is aroun 12:15am of November 21, 2013.

Hinatid ako nina Ernest and Christian sa airport, and from there, mag isa na lamang ako, hanggang makarating ng Japan. Sakay ng Fly Scoot Airline, nag transfer muna kami sa Taiwan abgo tuluyang lumapag ng Narita Airport.

4.5 Hrs din ang byahe papuntang Taiwan and another 2.5 hrs from Taiwan to Tokyo. First time kong sumakay sa airline na ito, first time ko rin mag travel alone, first time kong mag transfer sa isang bansa, at first time ko rin na pumunta ng Japan, kaya naman medyo kabado tlga ako.

Pagdating ng ko ng Taiwan, medyo nalito pa ako kung paano mag ttransfer, pinuntahan ko ang customer service kung paano makakakuha ng transfer card, pero hindi din pala nila alam, so they advised me to go nalang sa boarding gate.

While waiting, nag-oobserve ako ng mga tao doon, at napansin ko na yung katabi ko pala sa upuan ay pupunta din ng Tokyo. So nakita ko syang kinausap ang attendant sa boarding gate at binigyan sya ng card, kaya naman, pumunta rin ako doon at kumuha ng transfer card.

Nag umpisa na ang almost 3 hrs ko ulit na byahe papuntang Narita. Kaso bago man tuluyang makaalis, nadiscover ng pilot namin, na may mali sa makina ng eroplano kaya minabuti munang ipatingin ito sa mga engineers.

Inabot ng 2 hrs ang troubleshooting, medyo nakakainip tlga naman, pero nirelax ko parin ang sarili ko, nang sa ganun ay hindi tuluyang masira ang araw ko.

8am na (sa relo ko) ng umalis ang plane sa Taiwan, kaya naman after 3 hrs ay nakarating narin ako sa Tokyo. Iniisip kong oras ng aking dating ay 11am, dahil, 8 hrs plus 3 hrs ay 11. ngunit nawala sa isip kong 1 hr advance pala ang japan, kaya naman 2 oras naghintay si Jen (kaibigan ko) dahil ang alam nyang flight ko ay 10am.

Pagkalapag sa Narita, pumili muna ako ng mahaba sa immigration, ngunit hindi naman ako nahirapan, naging maluwag sila sakin, marahil dahil first time ko pa lamang.

Nang makalagpas na ako sa immigration, dali dali akong pumunta ng waiting area para hanapina ng kaibigan ko. HIndi naman ako nabigo dahil nakita ko agad sya, un nga lang, hindi ko alam kung paanong pagpapasensya ng gagawin ko dahil ang tagal ko syang pinaghintay.

Mabuti naman at hindi sya nagalit o nainip man lamang. Nasa apat na taon narin nang huli ko syang nakita, gayumpaman, wala naman masyadong nagbago sa kanya, kahit sa ugali nya. Nakakatuwa!

Dahil wala pa si ate, napagusapan namin na mamasyal muna, sumakay kami ng local train mula Narita Airport. Ang una raw muna namin puntahan ay ang Ueno Market at doon narin kumain ng aking First meal sa Japan.

Pagkasakay ko sa train, naramdaman kong medyo mainit, sinabi ko kay Jen, "wala bang aircon ang local trains dito", sabi nya sakin, "Hindi aircon ang gamit sa trains ngayon kundi heater, napaka lamig kasi sa labas".

Marahil hindi pa kasi ako nakakalabas ng airport at sumakay agad ako ng train kaya hindi ko naramdaman ang lamig sa labas. Nasa 13 deg daw ang temperature sa labas, malamig compared sa Singapore o Pilipinas.

Medyo naging mahaba ang byahe namin, marami na kaming napagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa loob ng apat na taong hindi pagkikita.

Nakarating din sa wakas! Pagbaba namin ng train, naghanap kami ng locker kung saan pwede ipaiwan ang gamit para naman makapag lakad lakad ng bahagya sa labas. Nang makalabas na kami ng train station, doon ko lamang naramdaman ang lamig ng temperature.

Malamig nga, at giniginaw ako kahit nakasuot na ng jacket. Aliw na aliw ako sa itsura ng Tokyo. HIndi nalalayo sa napapanood ko at sa inaasahan ko.

Habang naglalakad kami sa Ueno market, aliw na aliw akong tumingin ng mga paninda, biglang may tumawag sakin at sinabihan akong "maganda", mukhang maraming pinay customers dun kaya marunong sya magtagalog ng bahagya.

Sa aming paglalakad, nakakita rin kami ng ilang mga kainan, mukhang masasarap ang mga pagkain doon, kaya naman napagtanto kong hindi pa pala ako kumakain mula pa kagabi. Naghanap kami ng makakainan, at ang end up namin ay ang ramen house.

Nakakatikim naman ako ng ramen sa Pilipinas, ngunit gusto kong matikman ang ramen sa Japan mismo, sabi kasi nila mas masarap daw ito dahil authentic.

Nang makapasok na kami sa ramen house, tila kami lang ata ang customer, sabi kasi ni Jen, mas marami daw talaga ang kumakain ng ramen sa gabi, kaya wala gaanong customer nung mga oras na iyon.

Hindi ako masyadong familiar sa iba't ibang klase ng ramen, pero habang namimili kami, nabanggit ng waiter na spicy raw ang tantanmen, kaya naman yun agad ang naisip kong kainin.

Masarap nga, malasa at masabaw. Ramdam na ramdam ang authentic taste ng ramen na ito at medyo malaki ang serving, gayunpaman, naubos ko parin dahil mula umaga ng araw na iyon ay hindi pa ako kumakain.

Gusto ko pa sana tikman ang iba pang klase ng ramen doon, ngunit mukang hindi ko na mauubos kaya't hahayaan ko nalang na matikman ang mga iyon sa ibang pagkakataon.

After ng nakakabusog na first meal of the day, nag ikot-ikot lng kami ng konti sa Ueno Market at matapos ay pumunta narin sa susunod namin destinasyon- Tokyo Dome City.

Dito matatagpuan ang isa sa malalaking Dome sa Tokyo at kilalang kilala ito sapagkat dito madalas ginaganap ang malalaki at sikat na concerts sa Tokyo.

Bukod sa dome na matatagpuan rito, makikita rin ang maraming malls at Extreme rides sa outside park nito. First time ko rin nakakita ng yellow leaves at dito ko rin natikman ang unang Takoyaking nabili ko sa Japan.

After sa Tokyo Dome City, huling stop ng aking pamamasyal sa Tokyo ay ang "Tokyo-Sky Tree".

Previously, ang Tokyo Tower ang pinaka mataas na tower sa Japan (Ito ay hawig sa Eifel tower ng Paris), pero marahil ay may mga gusali pang mas higit na mataas kaysa sa Tokyo tower kaya naman itinayo nila ang Sky Tree, kung saan ito na ang kilalang pinaka mataas sa Tokyo.

Napaka ganda ng ilaw ng Sky Tree, lalo na siguro kung nasa taas ka mismo nito, Makikita ang buong syudad ng Tokyo mula sa itaas. Hindi na namin nagawang umakyat pa sa taas sapagkat may bayad at kulang narin kami sa oras kaya't nanatili at nagpahinga na lamang kami sa baba.

Hindi naman kami nanghinayang sa aming pagpunta sa Sky tree dahil hindi kami naka-akyat, maganda rin naman ang mga Christmas decoration and Lights sa labas bandang ibaba nito.

Sa ganda ng mga Stalls na may temang White Christmas, naaliw na ako at natuwa sa lugar.

Bandang alas 7 palamang ng gabi ngunit pakiramdam ko ay sobrang gabi na. Maaga kasing lumubog ang araw sa Japan sa Season ng Autumn, Alas 4:30 pa lamang ng hapon ay naguumpisa nang dumilim, pagpatak ng alas 5 ng hapon, wala na ang araw sa kalangitan.

Gayunpaman, hindi parin nito nalimitahan ang aking kasiyahan sa pagiikot sa Tokyo, malinis, disiplinado ang mga tao, at best ever customer service! Isama mo pa ang malamig na panahon, panalong-panalo ang gala ko sa Japan.

Matapos ang walang kapagurang paglalakad at pamamasyal, umuwi na kami sa bahay ni Jen, sumakay kami ng Local train papuntang Takanotsuka Station at mula roon ay susunduin na kami ng boyfriend nya.

Malaki ang Tokyo, kaya naman, halos isang oras din ang aming byahe hanggang makarating sa aming tutuluyan.

Napaka Convinient ng transportation sa Tokyo, nakakaaliw! halos buong Japan ay may access sa kanilang Train kaya naman hindi mahirap bumyahe, though matagal, ay ayos parin.

Nang makarating sa bahay, nagpahinga at nag shower lang ng bahagya at pagkatapos ay lumabas muli upang sunduin si ate Aven at kumain ng paborito kong sushi.

Nakakaliaw ang iba't ibang Nigiri, ang ilan sa mga natikman ko ay ang Sake Nigiri (Salmon), Ebi Nigiri (Cooked Shrimp), Tamagoyaki (fried egg), Salmon with Cheese at kung ano-ano pa. Matapos ang aming nakakabusog na sushi eating, hindi parin kami natinag at humirit pa ng Puding as desert, Sarap!

Matapos ang nakakaaliw na kainan, at last! magpapahinga narin. Malamang ay mapapasarap ang tulog ko nito dahil sa pagod sa mahabang oras ng byahe, nakakaliaw na pamamasyal at higit sa lahat, nakakabusog na hapunan.

Travel Buddies: Jen, Aven, Kenta
Photo Credits: Aven and Jen

Show more