2013-09-17

Sariaya, Quezon - Sariaya Quezon, Philippines

Sariaya Quezon, Philippines

Where I stayed

Dela Roca's Residence

What I did

Pahiyas Festival

Kamay ni Jesus

One of my dreams is to witness the different festivals in the Philippines.

Kaya naman nung bago palang ako sa aming company at nalaman ko na si Gliza (katrabaho ko) ay nakatira sa Quezon, agad akong nagtanong sa kanya kung napuntahan na nya ang Pahiyas Festival.

Nakakatuwa dahil agad syang pumayag na pumunta sa kanila, kaya naman ang sunod kong ginawa ay naghanap pa ng ilang makakasama. Napasama ko sina Joel, Christian at Ever.

1st Day:

It took us around 3-4 hours para makarating ng Sariaya, Quezon, ang hometown ni Gliza.

Pagkarating namin doon, sinalubong agad kami ng kanyang pamilya, very accomodating ang parents nya. Dahil sa matagal na byahe, hapon narin namin narating ang Quezon.

Pinakain kami ng masarap at mainit na champorado. Ang saya ko! Isa sa mga paborito ko! Matapos kumain, hinayaan muna kaming mamahinga bago pumunta sa bayan (mayroon daw kasing programa doon).

Bonding-bonding ika nga nila, ganun muna ang ginawa namin. Dahil rin siguro, bago palang ako sa aming company at ito pa lamang ang first out of town ko na kasama sila.

Nung medyo padilim na, nag umpisa na kaming pumunta ng bayan kasama ang tatay ni Gliza. Brgy Captain ang tatay ni Gliza kaya naman kilala nya at kilala sya ng Mayor ng bayan. Meron palang pageant noong gabing iyon, kung saan ang suot ng mga kalalakihan at kababaihan ay mga damit na yari sa Buli -amazing!

Aba'y fiesta rin pala sa kanila, Tayabas Festival naman ang tawag. Pareho ng Pahiyas Festival ang idea ng Tayabas festival, ngunit mas kilala at mas malakihang pagdiriwang ang Pahiyas Festival.

2nd Day:

Bago kami tuluyang maki-saya sa Lucban Festival, nag simba at namasyal muna kami sa simbahan ng Kamay ni Jesus, kilalang simbahan ito rito sa Quezon. Talaga namang dinarayo ng mga pilgrims ito lalo na tuwing mahal na araw.

Ang Shrine kasi ng Kamay ni Jesus ay ipinatayo ni Fr. Joey Faller, isang katolikong pari na may regalo mula sa Diyos na makapagpagaling ng mga may karamdaman, kaya naman dinarayo lalo na ng mga gustong gumaling.

Sa labas ng simbahan ng kamay ni Jesus, merong maliit na burol na tinayuan ng labing apat na istasyon ng krus na may mga life-sized na imahe, at kapag nakarating ka sa tuktok makikita mo roon ang 50-feet na imahe ni Hesus na umaakyat sa langit.

Matapos nito'y tumuloy na kami sa aming susunod na destinasyon, ang Pahiyas Festival. Habang papalapit na kami sa lugar, lalo kong naeexcite! malapit ko nang masaksikan ang isa sa mga pinakasikat na festival na ipinagdiriwang sa Pilipinas!

Hindi ko inasahan na masyadong marami ang tao doon! (bakit nga ba hindi ko iyon naisip?). Hindi na nakadaan pa ang sasakyan namin hanggang doon sa mismong lugar ng pagdiriwang. Kaya't mula doon ay naglakad nalang kami hanggang sa marating namin ang gitna ng pagdiriwang.

Anu nga ba ang meron sa Pahiyas festival? Actually, ang Santo na kanilang ipinagdiriwang sa kapistahang ito ay si San Isidro Labrador , sya ay patron ng mga magsasaka. At ang panahon ng Mayo ay panahon ng anihan, kaya naman sa buwang ito rin sila nag papasalamat sa Diyos at kay San Isidro (dahil sa kanyang patuloy na paggabay), dahil sa lahat ng biyayang kanilang natatanggap.

Kaya naman makikita sa mga dekorasyon ng mga bahay dito ay puro gulay, palay at prutas. Halos lahat ng klase ng bunga ng kanilang pagpapagod ay matatagpuan rito, syempre, kung kaninong bahay ang may pinaka magandang dekorasyon na yari sa kanilang mga aning pagkain, sya ang magkakamit ng gantimpala.

Dahil sa sobrang dami ng tao at init ng panahon, hindi narin namin nagawa pang mag ikot ng husto para makita pa ang ibang entry ng kapistahan. tumuloy na kami upang kumain ng tanghalian.

Isa sa mga bagay na ikinalungkot ko at hindi inasahan ay ang wala halos makainan o mabilan ng pagkain. Halos lahat ng tindahan ay mahaba ang pila, ang mga kainan naman ay nagsara na, dahil hindi na kaya pang mag-accomodate ng tao. End up? 7-Eleven! Wala na kasi kaming makitang iba pa.

Dahil sa sobrang init at uhaw, bumili agad kami ng softdrinks (brain freezing!). Tapos, bumili nalamang kami ng kanin at ulam sa 7-eleven din (Solve!).

Matapos ang aming nakabubusog na tanghalian, bumili na lamang kami ng pasalubong at umuwi narin kina Gliza upang makapag pahinga.

Pero, hindi parin tapos ang pagsubok sa amin. Dahil sa dami ng tao sa lugar na ito, hindi na magawang makabalik pa ng aming sasakyan sa Lucban dahil sinara na daw ang daan. So no choice kami kundi mamasahe na lamang.

Ngunit hindi parin naging madali, marami narin pala ang nais umuwi sa mga oras na iyon, kaya naman mahabang pila ang inabutan namin sa sakayan ng van pauwi ng Sariaya.

Nang makasakay na kami, kanya kanya na kami ng pwesto at tulog dahil pagod sa maghapong kakalakad at kulitan. Pagdating namin sa bahay nina Gliza. nag ayos narin kami upang bumalik ng Maynila.

Bago tuluyang sumakay pauwi ng manila, dumaan muna kami sa SM Lucena, upang matikman muli ang pancit habhab (kilalang pagkain sa lugar ng Quezon).

Kakaiba talaga ang gala na ito, nakakapagod man enjoy naman!

Salamat sa aking kakambal na si Gliza sa pagpayag at pag accomodate sa amin upang maranasan ang one of a kind experience ng Pahiyas Festival!

Show more