12/04/14
01:39:42 PM
(Ang artikulong ito ay naisulat bago pa nailabas ang balitang Pacquiao vs. Mayweather sa darating na Mayo 2, 2015.)
War of Shits.
Ito lang masasabi ko sa salpukang Pacquiao at Mayweather. Alam ko, maganda sana kung matutuloy ang laban. Ito ang laban na tututukan ng mundo. Ito ang labanang titigil ang ikot ng planeta. Ito ang salpukang magpapahinto ng sasakyan at mga tao mula sa kani-kanilang ginagawa, makakapagpaluwag ng daloy ng trapiko, makapagtitino sa lahat ng mga mokong na mahihilig gumawa ng katarantaduhan at pagiging mapagsamantala sa kanilang kapwa.
Oo, ito nga. In your wildest dreams nga lang.
Pero nakakaurat na rin e. Nakakadismaya pang pansinin ang pagkadesperado ng sinuman na matuloy yan.
Alam ko, megahit sa takilya yan. Bilyong dolyar ang akayng dalhin sa business. Kikita ng husto ang sinuman sa kanlang dalawa.
Pero bullshit na rin e. Pareho na lang silang nag-aasaran sa internet. Daig pa nila yung mga promo segment ng World Wrestling Entertainment o ng kahit anumang pro wrestling promotion. Ni ultimo ang Ultiate Fighting Championship ay walang mga ganitong klaseng gimik e (kung hindi bihira).
Pareho na lang silang nagpapatutsadahan sa YouTube, o minsan, sa mga komersyal nila. At kung minsan pa, sa mga interview ng media, ke press conference man yan o exclusive scoop.
Parang mga tanga na lang eh.
Sino nga ba ang duwag, sino ba ang kawawa, at sino ang maangas talaga? Siya na naging darling na ng media to the extent na kulang na lang ay literal na sirain ang kanyang pangalan dahil sa pagsabak sa pulitika at liga ng basketball, ang PBA?
O siya naman na sa sobrang linis ng record ay kulang na lamang ay iproklama ang kanyang sarili bilang Diyos ng boxing? Sa sobrang linis ay may maipagyayabang nga naman. Pero sumobra naman yata ang yabang niya dahil sa kanyang pagbubunganga nang sobra-sobra.
Panalo ba talaga ang tao dito? Oo, pag nangyari talaga ang bakbakang iyan sa lona.
Pero paano kung hindi?
Malamang, parang nanligaw ka sa isang babae nang matindi at pagkahaba-habang panahon tapos binasted ka lang din pala sa dulo... pinaasa ka lang.
Sa madaling sabi, nasa mukha mo ang biro. Nasa pag-aasam mong makakita ng laban na yan ang biro. Ikaw ang talo.
Kaya sa totoo lang, huwag na tayong umasang mangyayari diyan. Dahil kung may mangyari man na negosasyon baka pumalpak lang din ito (pero kahit papaano'y may slim chance pa naman basta magkaayos lang ang dalawang ito sa mga kundisyon na gusto nilang pairalin).
Pero, blockbuster match? Bullshit.
Author: slickmaster | 2014 september twenty-eight productions