2016-06-23

Normal

0

false

false

false

EN-US

X-NONE

X-NONE



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira

sa Iglesia Ni Cristo

PART 11



Tanong:

“Bakit ipinananakot ninyo na hindi maliligtas kapag ang tao’y

natiwalag sa Iglesia Ni Cristo?”

Sagot:

Kailanman ay hindi nanakot at ipinanakot ito ng Iglesia Ni Cristo. Hindi tinakot o tinatakot, kundi mas tamang sabihin na ang mga tiwalag ang kusang natatakot sapagkat alam nila at siyang dati nilang pinaninindigan na walang kaligtasan sa labas ng Iglesia Ni Cristo. Batid naman ng mga tiwalag na hindi ang Pamamahala lamang ng Iglesia ang may pahayag nito, kundi ang Banal Na Kasulatan mismo. Ganito ang pahayag ng Biblia sa I Corinto 5:12-13:

I Corinto 5:12-13 NPV

“Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya?  Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. "Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan.”

Maliwanag sa Biblia na ang nasa labas ng Iglesia ay may hatol ng Diyos. Hindi lamang ang mga ayaw mismong umanib o pumasok sa Iglesia Ni Cristo ang nasa labas kundi maging ang mga napaanib man sa Iglesia Ni Cristo subalit natiwalag naman. Ang sabi ng Banal Na Kasulatan, “Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas.”

ANG HATOL NG DIYOS

Lahat ng tao’y nangangailangan ng kaligtasan sapagkat lahat ng tao’y nagkasala:

Roma 3:23

“Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.”

Ano ang hatol ng Diyos sa mga taong nagkasala? Ganito ang sagot sa atin ng Banal Na Kasulatan:

Roma 6:23

“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”

Ang tao sapagkat nagkasala ay hinatulan ng Diyos na magbabayad sa kaniyang kasalanan, at ang kabayaran ng kasalanan ay ang kamatayan. Subalit, aling kamatayan ang itinuturo ng Biblia na ganap na kabayaran ng kasalanan?

Apocalipsis 20:14

“At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.  Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”

Samakatuwid, lahat ng tao’y nangangailangan ng kaligtasan sapagkat lahat ay may hatol ng Diyos na magbabayad ng kaniyang kasalanan, at ang ganap na kabayaran ng kasalanan ay ang ikalawang kamatayan sa dagatdagatang apoy na igagawad sa Araw ng Paghuhukom.

ANG TIYAK NA LIGTAS SA HATOL NG DIYOS

Sino ang tinitiyak ng Biblia na maliligtas sa hatol o poot ng Diyos? Ganito ang pagtuturo sa atin ng Banal Na Kasulatan:

Roma 5:8-9 MB

“Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At NGAYONG NAPAWALANG-SALA NA TAYO SA PAMAMAGITAN NG KANYANG DUGO, LALO NANG TIYAK NA MALILIGTAS TAYO SA POOT NG DIYOS sa pamamagitan niya.” (Emphasis mine)

Ang napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ng Panginoong Jesucisto ang TIYAK NA MALILIGTAS sa poot ng Diyos. Alin ang pinatutunayan ng Biblia na tinubos ng dugo ni Cristo?

Gawa 20:28 Lamsa

“Ingatan ninyo kung gayun ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Salin sa Pilipino mula sa Ingles)

Ang Iglesia Ni Cristo ang pinatutunayan ng Biblia na binili o tinubos ng dugo ni Cristo, kaya ang Iglesia Ni Cristo ang napawalang-sala at tiyak na mailigtas sa poot o hatol ng Diyos. Tandaan natin ang pahayag ng Biblia sa I Corinto 5:12-13 (NPV) na may hatol ng Diyos ang nasa labas ng Iglesia.

BAKIT ANG IGLESIA NI CRISTO ANG TIYAK NA MALILIGTAS?

Bakit tiyak na may hatol ng Diyos ang nasa labas ng Iglesia? Bakit hindi maaaring matamo ng tao ang kaligtasan sa labas ng Iglesia NI Cristo? Ito ay dahil sa BATAS NG DIYOS SA PAGPAPARUSA na ganito ang isinasaad:

Deuteronomio 24:16

“Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.”

Ito ang batas ng Diyos sa pagpaparusa – “BAWAT TAO’Y PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN.” Kaya ang magulang ay hindi papatayin dahil sa kasalanan ng anak, at hindi papatayin ang anak dahil sa kasalanan ng magulang – KUNG SINO ANG NAGKASALA AY SIYA ANG DAPAT MANAGOT SA KANIYANG SARILING KASALANAN. Dahil dito, pananagutan ba ng Panginoong Jesucristo ang kasalanan ng ibang tao sa Kaniya? Ganito ang sagot mismo ng Panginoong Jesus:

Juan 8:24

“SINABI KO  NGA SA INYO, NA KAYO'Y MANGAMAMATAY SA INYONG MGA  KASALANAN:  sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako  nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.” (Emphasis mine)

Hindi kailanman pananagutan ng Panginoong Jesus ang “IBANG TAO” sapagkat labag ito sa batas ng Diyos sa pagpaparusa na ang bawat tao’y mamamatay sa kaniyang sariling kasalanan, na hindi pananagutin ang isang tao dahil sa kasalanan ng ibang tao. Dahil dito, ano ang ginawa ni Cristo sa mga sumampalataya sa Kaniya upang mapanagutan sila nang hindi nalalabag ang batas ng Diyos sa pagpaparusa? Ganito ang pahayag ng Biblia:

Efeso 5:23 at 25 MB

“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.

“Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog  niya ang kanyang buhay para rito.”

Ginawa ni Cristo na katawan Niya ang Kaniyang mga ililigtas. Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay hindi ibang tao kay Cristo kundi sangkap na lamang ng Kaniyang katawan – si Cristo ang ulo at ang Iglesia ang Kaniyang katawan (Colosas 1:18). Maliwanag ang pahayag ng Biblia na “tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang KATAWAN, at siyang Tagapagligtas nito.” Ipinahayag din ng Banal Na Kasulatan na “gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.  Inihandog  niya ang kanyang buhay para rito.” Aling Iglesia ang katawan ni Cristo na pinaghandugan Niya ng Kaniyang buhay at siyang Kaniyang ililigtas?

I Corinto 12:12 NTME

“For just as the human body is one and yet has many parts, and all its parts, many as they are, constitute but one body, so it is with the Church of Christ.”

Sa Pilipino:

“Kung paanong ang katawan ng tao ay iisa subalit mayroong maraming mga nahagi, at ang lahat ng kaniyang mga bahagi, marami man sila, bumubuo sa isang katawan lamang, gayon din sa Iglesia ni Cristo.”

SAMAKATUWID, ang Banal Na Kasulatan ang nagtuturo na tunay na walang kaligtasan sa labas ng Iglesia Ni Cristo sapagkat ang Iglesia bilang katawan ni Cristo at Siya ang ulo nito ay ito ang ililigtas ni Cristo na hindi nalalabag ang batas ng Diyos sa pagpaparusa na nagsasabing hindi papatayin o pananagutin ang isang tao dahil sa kasalanan ng ibang tao. Ang Iglesia ay katawan ni Cristo at Siya ang Tagapagligtas nito.

Ang katotohanang ito ay pinaninindiganan noon ng mga tiwalag ngayon na kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia. Kaya, tiyak na sila ang “kusang natatakot” (at hindi sila kailanman tinatakot) sapagkat alam nilang ngayong wala na sila sa tunay na Iglesia Ni Cristo ay wala na rin sa kanila ang pag-asa sa kaligtasan. Alam nila ang pahayag na ito ng Biblia na MAY HATOL NG DIYOS ANG NASA LABAS NG IGLESIA.

THE IGLESIA NI CRISTO

Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com

Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo

PART 011

Show more