Normal
0
false
false
false
EN-US
X-NONE
X-NONE
ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 16
ANG MGA TUNAY NA
TIWALI SA IGLESIA
(Salamat sa Diyos at
sila'y natiwalag na)
THE STORY OF
UBANDO RADIO TRANSMITTER
TOWER ANOMALY
DAHIL na rin kay Joy Yuson (a.k.a. “Kelly Ong”), nabisto natin na noong sila Angel at Marc na kasama sina Joy Yuson at ang iba pang mga tiwalag ngayon ay nasa “kapangyarihan” pa ay hindi sila sumususunod o napasasakop sa tuntunin sa pananalapi ng Iglesia. Hindi nila sinusunod ang tamang proseso ng pananalapi. Ganito ang sinabi ni Joy Yuson:
“Alam ni Ka Caloy Ortiz na lahat ng mga supplier ng GEMNET ay dumadaan sa Purchasing Department. Pagkatapos ma-endorse ng GEMNET ang mga kailangang gamit ay sila ka Caloy Ortiz na ang kausap. Ang GEMNET ay naghihintay lamang at nagpa-follow-up ng deliveries ng mga gamit. Ang transaction sa mga ito ay kina ka Caloy Ortiz na bata ni Jun Santos. Ang mga legal documents ay dumadaan sa Legal Department na hawak ni Resty Lazaro na bata rin ni Jun Santos. Ang katotohanang ito ay bukas at alam ng lahat ng mga nag-oopisina sa Central at ng mga ministro sa buong mundo.” [“Pangalawang Liham ni Joy Yuson,” 11 Agosto 2015]
Dito ay napatunayan natin sa mismong “pananalita” ni Joy Yuson na: Hindi sila dumadaan sa karaniwang proseso o tuntunin ng pananalapi sa Iglesia.
Ang proseso ba natin sa Pananalapi ay “i-endorse” lang ang “bibilhin” sa Purchasing Section at pagkatapos ay bibilhin na ito ng purchasing at gaya nga ng sinabi ni Joy Yuson ay naghihintay na lang sila at magpa-follow-up sa deliveries? ALAM NATING HINDI. Kaya, muli ay “inilaglag” ni Joy Yuson ang kanilang grupo lalo na si Angel Manalo sapagkat ngayon ay mayroon kaming ebidensiya na mula sa grupo nila mismo na nagpapatunay na “HINDI NGA DUMARAAN SA KARANIWAN AT TAMANG PROSESO NG PANANALAPI O HINDI SINUSUNOD ANG TUNTUNIN NG PANANALAPI NG IGLESIA” ANG GRUPO NINA ANGEL MANALO NOONG SILA PA ANG NASA POSISYON. Ang kahulugan ng “anomaly” ay “deviation from norms, laws, regulations.” Samakatuwid, hindi maling sabihin na ito’y “anomalya” o “katiwalian.”
Ang pahayag na ito ni Joy Yuson na nagpapatunay na sila ang nasusunod, nag-i-endorso ng bibilhin ng Purchasing at hindi sila sumusunod sa tuntunin at tamang proseso ng pananalapi sa Iglesia ay SUMUSUPORTA AT NAGPAPATUNAY NA TOTOO ang anomalyang nangyari sa pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando, Bulacan na kinasasangkutan nina Angel Manalo at Joy Yuson. Ganito ang sinasabi ng mga “credible witnesses” sa nangyari sa Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly.
ANG PAGTATAYO NG RADIO TRANSMITTER TOWER
SA UBANDO, BULACAN
Noong 1995 ay inilipat ang radio transmitter n DZEC at DZEM sa Ubando, Bulacan. Mula 1965 hanggang 1995 ito ay nasa Ugong, Pasig. Ang dahilan ng paglipat ay sapagkat ang radio transmitter ay higit na mabisa (efficient) kapag napapalibutan ng tubig. Dahil dito, bumili ang Iglesia ng property sa Ubando, Bulacan na may mga palaisdaan at lugar na kung saan ay matatagpuan din ang radio transmitter DZBB (AM radio ng GMA 7), DZMM (AM radio ng ABS-CBN 2), at ng DZRH. Sino ang nangasiwa ng project na ito na pagtatayo n radio transmitter tower sa Ubando, Bulacan? Ganito “supporting statemenT” ni Joy Yuson:
“Ako po ang Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa aming tanggapan.”
“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo...” [“Unang Liham ni Joy Yuson,” 10 Agosto 2015]
Hindi naman maitatanggi na ang project na ito (ang pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando, Bulacan) ay pinanangasiwaan ng opisina ng GEMNET (bilang “technical support facility” ng Tanggapang Central) na pinangangasiwaan nina Angel at Marc Manalo. Sino ang ang administrative at financial coordinator ng project na ito? Walang iba kundi si “Kelly Ong” o si Joy Yuson na sinusuportahan ito ng kaniyang pahayag mismo.
ANG MALAKING ANOMLYA O ATIWALIAN SA PAGTATAYO NG
UBANDO RADIO TRANSMITTER TOWER
Noong 1995 ay sinimulan ang pagtatayo ng radio transmitter sa Ubando, Bulacan, hindi lamang sa isa kundi sa dalawang AM radio (ang DZEM at DZEC). Alam ba ninyo na nagkaroon ng “katiwalian” o “anomalya” sa pagtatayong ito ng radio ransmitter tower sa Ubando, Bulacan?
May mga materyales sa pagtatayo ng radio transmitter tower na available rito sa Pilipinas, ang ipinagbibili ng “Voice of Amerca” sa Tarlac. Subalit, hindi ito ang binili upang gamitin sa pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando kundi ang imported materials. Higit na MURA at higit na mataas ang kalidad ng nasa Pilipinas, subalit sa kabila nito ay ang imported na materials ang binili na higit na mahal at mas mababa ang kalidad. Bakit nagkaganon? Sino ang may kagagawan nito? Pansinin ninyo ang sinabi ni Yuson:
“Alam ni Ka Caloy Ortiz na lahat ng mga supplier ng GEMNET ay dumadaan sa Purchasing Department. Pagkatapos ma-endorse ng GEMNET ang mga kailangang gamit ay sila ka Caloy Ortiz na ang kausap. Ang GEMNET ay naghihintay lamang at nagpa-follow-up ng deliveries ng mga gamit. Ang transaction sa mga ito ay kina ka Caloy Ortiz na bata ni Jun Santos. Ang mga legal documents ay dumadaan sa Legal Department na hawak ni Resty Lazaro na bata rin ni Jun Santos. Ang katotohanang ito ay bukas at alam ng lahat ng mga nag-oopisina sa Central at ng mga ministro sa buong mundo.” [“Pangalawang Liham ni Joy Yuson,” 11 Agosto 2015]
Ang project ng pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando ay HINDI DUMAAN SA TAMANG PROSESO O HINDI NASUNOD ANG TUNTUNIN SA PANANALAPI NG IGLESIA. Si Joy Yuson ang may sabi na pagkaini-endorso na nila kay Ka Caloy Ortiz (ang head ng Purchasing Section) ay sila na ang aasikaso. Wala naman kasi magagawa si Ka Caloy dahil “mga prinsepe” ang nag-uutos kung alin ang dapat nilang igawa ng Purchase Order (P.O.). Ang tawag nga po ng mga taga-Central sa mga taga-GEMNET noon ay “mga astig” (sapagkat sila ang masusunod at hindi dadaan sa tamang proseso ng pananalapi ng Iglesia).
Ganon ang nangyari sa project na pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando kaya ang nabili ay ang imported na mas mahal ngunit mas mababa ang kalidad – iyon ang ini-endorso nina Angel at Yuson (walang canvassing, walang bidding, walang P-10), kundi basta “ini-endorso” nila at iyon na ang “kailangang” asikasuhin ng Purchasing Section. “Ganiyan sila “ka-astig” ika nga ng mga nakakaalam sa Central. Bakit kaya ang pinili at ini-endorso siempre pangunahin na ng “finance and administrative coordinator” ng GEMNET (sino nga ba ang nagyayabang na siya iyon?) ay ang imported na higit na mahal ngunit mas mababa ang kalidad kaysa sa matatagpuan sa Pilipinas?.....Anong “komisyon” at “kickback”? Kayong mga mambabasa ang may sabi niyan, hindi po kami!
Ang pangyayari bang ito na hindi nasunod ang proseo ng pananalapi ng Iglesia sa pagbili ng materyales na ginamit sa pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando, Bulacan na basta lang ini-endorso ng “mga astig” kaya ang nabili ay hingit na mahal ngunit mas mababa ang kalidad ay hindi masasabing isang katiwalian o isang anomalya?
Baka naman walang naging problema sa pagtatayo ng radio transmitter tower sa Ubando? Nang ginagawa ang radio transmitter tower na ito ay BUMAGSAK. Sabi nga ng mga manggagawa sa palaisdaan na aming nakausap at nakapanayam, “kitang-kita namin at ang lakas ng dagundong nang bumagsak iyong radio transmitter tower na ginagawa.”
Dahil dito, napilitan na bilhin ang materyales ng “Voice of America” sa Tarlac. Kaya, “doble” pa ang naging gastos ng Iglesia sa pagtatayo ng radio transmitter tower na iyan sa Ubando dahil sa hindi nila pagpapasakop sa tutunin ng pananalapi ng Iglesia na ipinatutupad. Unang binili ang imported na mas mahal, pero dahil sa bumagsak, binili na nila iyong nasa Tarlac. Pero kahit mas mura ang ang materyales ng “Voice of America” sa Tarlac, dahil sa una nang nabili iyong mas mahal na imported maerials, higit na napalaki tuloy ang gastos ng Iglesia. Bakit kasi iyon pa ng unang pinili ang imported a materials na mas mahal? Itanong natin sa “finance and administrative coordinator ng GEMNET.” Ngunit, kahit na hindi natin itanong ay alam na natin ang sagot – KATIWALIAN!
Kung ganito pala ang “pamamaraan” nila noon, kaya tama lang pala na ITINULOT NG LANGIT na hindi mapusisyon sa higit na mataas na posisyon ang mga nasa likod ng anomalyang ito. Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung sila ngayon ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan o kaya ay ang Auditor General ng Iglesia? Sabi nila ay naghahayag lang daw sila ng “katiwalian” at nais nilang mabalik ang Iglesia sa “dating kalagayan”? Aling kalagayan Angel at Yuson, iyon bang kayo ang nasa kapangyarihan?
Mabuti na lamang nang si Kapatid na Eduardo V. Manalo na ang Tagapamahalang Pangkalahatan at si Ka Jun Santos ay nabaik sa pagiging General Auditor ay hindi na umubra ang kanilang “pagiging astig” (ang basta na lang mag-i-endorso sa Purchasing ng gusto nilang bilhin at ang hindi nila pagpapasakop sa tuntunin ng pananalapi ng Iglesia, ang hindi pagdaan sa tamang proseso). MULA SA PANAHON NI KA EDUARDO AY KAILANGAN SILANG SUMUNOD SA TAMANG PROSESO AT KAILANGAN NILANG SUNDING MAHIGPIT ANG TUNTUNIN SA PANANALAPI. Ito po ang katibayan:
Normal
0
false
false
false
EN-US
X-NONE
X-NONE
Sa panahon ng Kapatid na Eduardo V. Manalo ay nawala ang kanilang “astig” status. Kailangan nang dumaan sa pagsisiyasat o pagsusuri ang kanilang mga kahilingan, kailangan na nilang sundin ang tuntunin ng Iglesia ukol sa pananalapi, kaialangan nang dumaan sa tamang proseso ng pananalapi sa Iglesia ang bawat kanilang kahilingan. Anupa’t KAILANGAN NA NILANG SUMUNOD AT MAGPASAKOP. Ito ang ayaw at isa sa ikinasama ng loob ng magkapatid na Angel at Marc, kasama ng kanilang mga alipores tulad ni Joy Yuson.
NGAYON ALAM NA NATIN KUNG BAKIT SILA GALIT NA GALIT KAY KA JUN SANTOS AT ANG ISA SA IKINASASAMA NILA NG LOOB KAY KAPATID NA EDUARDO V. MANALO - SAPAGKAT SILA'Y PINASUSUNOD AT KINAKAILANGANG PASAKOP SA TUNTUNIN NG IGLESIA UKOL SA PANANALAPI.
Kaya, ang mga nagsasabi ngayon na “nagbubunyag daw sila ng katiwalian sa Iglesia” subalit sila naman talaga ang gumawa ng katiwalian na itinuwid lamang ni Ka Eduardo ay tupad na tupad sa kanila Angel, Yuson at mga kasama nila ang sinasabi ng Biblia na:
Roma 2:21-24 NPV
“Ikaw na nagtuturo sa iba, bakit hindi mo turuan ang iyong sarili? Ikaw ay nangangaral na bawal ang magnakaw bakit ka nagnanakaw? Sinasabi mo sa mga taong bawal mangalunya, bakit nangangalunya ka? Nasusuklam ka sa mga dios-diosan, bakit ninanakawan mo ang templo? Ipinagmamagaling mo ang kautusan, bakit nilalapastangan mo ang Dios sa pamamagitan ng pagsuway, sa kautusan? Tulad ng nasusulat: "Dahil sa iyo, ang pangalan ng Dios ay nilapastangan ng mga Hentil.”
Naka-“tunog” po sila na ibubunyag po namin isa-isa ang kanilang ginawang mga katiwalian at mga anomalya kaya po nagsikap silang mai-block kami. Subalit sa awa at tulong ng Diyos ay hindi po sila nagtagumpay sa paghadlang sa aming pagbubunyag. Nais po ng Panginong Diyos na mahayag ang katotohanan.
MARAMI PA PO KAMING IBUBUNYAG SA HINAHARAP, NGUNIT HINDI PO TULAD NILA, KAMI PO AY MAY GA KONKRETONG EBIDENSIYA NA MARAMI PO DITO AY GALING PA MISMO SA MGA “FALLEN ANGELS”
ABANGAN!