2015-06-30

Normal

0

false

false

false

EN-US

X-NONE

X-NONE

IGLESIA  NICRISTO:

ANG BAYAN NG DIYOS SA

MGA HULING ARAW

Isang serye na tumatalakay sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo

mula Kay Kapatid na Felix Y. Manalo hanggang sa pagdiriwang

ng kaniyang ika-101 anibesaryo

UNANG BAHAGI

IPINANGAKO NI

CRISTO ANG MULING PAGBANGON NG

IGLESIA NI CRISTO

Natalikod man ang unang Iglesia subalit ipinangako ni Cristo

na muli Niyang itatatag ang Kaniyang Iglesia



ANG suliranin ng iba kung bakit hindi nila matanggap ang Iglesia Ni Cristo ay sapagkat ito raw ay bumangon noong 1914 lamang. Subalit, kung mauunawaan lamang ng lahat ang mga hula (paunang-pahayag) ng Biblia ukol sa magaganap sa unang Iglesia at ang sinasabi ng kasaysayan na nagpapatunay na ang mga hulang ito ay natupad, hindi sila magtataka kung bakit hindi natin kinagisnan ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo at magaang matatanggap na ang pagbangon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914 ay ang katuparan ng ipinangako ni Cristo na muli Niyang itatayo ang Kaniyang Iglesia.

Iisa ang igleia na itinayo

ng Paginoong Jesucristo

Kung papaanong maliwanag sa Biblia na ang Panginoong Jesus ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia, maliwanag din sa Banal Na Kasulatan na iisa lamang ang Iglesia na Kaniyang itinayo. Ganito ang Kaniyang pahayag sa Mateo 16:18:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Maliwanag ang ipinahayag ng Panginoong Jesus na “itatayo ko ang aking iglesia.”

Hindi niya sinabing “itatayo ko ang aking mga iglesia.” Kaya iisa lamang ang Iglesiang itinayo ng Panginoong Jesus. Maging ang Kaniyang mga apostol ay nagpatunay na iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Ganito ang pahayg ni Apostol Pablo sa Efeso 4:4-5:

“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pag-katawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.”

Ang binanggit ni Apostol Pablo na “isang katawan” ay ang Iglesia na pinangunguluhan ni Cristo:

“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.” (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia)

Si Jesus ang ulo ng Iglesia na Kaniyang katawan. Sapagkat iisa lamang ang katawan ng bawat ulo, kaya iisa lamang ang Iglesia na itinayo at pinangunguluhan ni Cristo. Ayon kay Apostol Pablo, ang “isang katawan” ay may isang espiritu, isang pag-asa, isang Panginoon, isang pananampalataya, at isang bautismo. Pinatunayan naman ni Apostol Santiago na may pangalang itinatawag sa Iglesiang pinangunguuhan at itinayo ni Cristo:

“Hindibaga nilalapastangannila yaongmarangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag?” (Santiago 2:7)

Ang pangalang itinatawag sa mga alagad ng Panginoong Jesus o sa Kaniyang Iglesia ay ang pangalang ibinigay sa Kaniya ng Panginoong Diyos:

“At ngayon, ako'y papunta na sa  iyo; aalis na ako sa sanli-butan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.  Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay  mo sa akin, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” (Juan 17:11, MBB)

Ang iisang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalang “Cristo” na siyang pangalang ibinigay sa Kaniya ng Diyos (cf. Gawa 2:36). Dahil dito, ang iisang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay tinatawag na “Iglesia Ni Cristo”:

“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma16:16, New Pilipino Version)

Maging ang mga awtoridad ng ibang relihiyon gaya ng mga tagapagturong Katoliko ay nagpapatotoo na si Cristo ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia na tinawag sa pangalang “Iglesia Ni Cristo”:

“5.Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia?  Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayun-din mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahang panahon ay tinawag na sunod sa Kani-yang pangalan ang Iglesia Kristiana o ang Iglesia ni Cristo.” (Salin sa Pilipino)[1]

Ang iisang tunay na Iglesia ay hindi maaaring tawagin sa ibang pangalan sapagkat walang ibang pangalan na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Samakatuwid, isang katotohanan na iisa lamang ang Iglesia na itinayo ni Cristo at tinawag itong “Iglesia Ni Cristo.”

Ipinangaral at Lumaganap

ang Unang Iglesia

Nang umakyat ang Panginoong Jesus sa langit ay ibinigay Niya sa mga apostol ang pangangasiwa sa Iglesia. Ipinag-patuloy naman ng mga apostol ang pagpapalaganap sa Iglesia. Ang Iglesia ay unang lumaganap sa Jerusalem:

“At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananam-palataya ang lubhang maraming saserdote.” (Gawa 6:7)

Bagamat nakaranas noon ang Iglesia na nasa Jerusalem ng matinding pag-uusig at bunga nito ay nangalat ang mga alagad, subalit hindi sila tumigil sa pangangaral saan mang dako sila makarating (cf. Gawa 8:1 at 4-5). Anupa’t, ang walang tigil na pangangaral at pagpapalaganap noon ay nagbunga ng lalo pang paglago at paglaganap ng Iglesia. Dahil dito, ang Iglesia ay lumaganap sa buong Judea, Samaria at Galilea:

“Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa pagla-kad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.” (Gawa 9:31)

Ang paglaganap ng Iglesia ay hindi humangga lamang sa dako ng mga Judio o sa Palestina (Judea, Samaria at Galilea). Nakarating din ang Iglesia sa dako ng mga Gentil (ang tawag sa hindi Judio), kaya kung nang una ay pawang mga Judio lamang ang mga kaanib sa Iglesia, ngayon ay nagkaroon din ng mga kaanib na mga Gentil:

“Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil...Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.” (Roma 16:4 at 16)

Ibinabala ni Cristo na Magkakaroon

Ng Pagtalikod sa Pananampalataya

isang katotohanang pinatutunayan ng Biblia at maging ng kasaysayan na si Cristo ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia noong unang siglo na tinawag sunod sa Kaniyang pangalan, tinawag na Iglesia Ni Cristo. Ito ay ipinangaral ng mga apostol at lumaganap. Subalit, nasaan ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo? Bakit hindi natin ito kinagisnan?

Noong narito pa ang Panginoong Jesus sa lupa ay nagbigay na Siya ng babala ukol sa magaganap sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo kaya hindi natin ito kinagisnan. Ganito ang Kaniyang paunang-pahayag:

“Sa panahong 'yon, kayo'y usigin at papatayin.  Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin. Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya, mapopoot sa isa't isa, at magkakanulo sa isa't isa. Lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:9-11 NPV)

Ang kausap dito ng Panginoong Jesus ay ang Iglesia noong unang siglo. Ang paggamit Niya ng pangngalang “kayo” ay nagpapatunay na ito ay babala Niya na magaganap sa unang Iglesia. Maliwanag ang kaniyang ibinabala na “Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya.” Samakatuwid, ang Panginoong Jesus mismo ang nagpahayag na magkakaroon ng pagtalikod sa pananampalataya. Kung kailan ito magaga-nap ay ipinagpauna rdin ito sa atin ng Panginoong Jesus. Sa talata ding ito ay ganito ang isinasaad sa pagkakasalin ng Bibliang New International Version:

“Then you will be handed over to be persecuted and put to death, and you will be hated by all nations because of me. AT THAT TIME MANY WILL TURN AWAY FROM THE FAITH and will betray and hate each other, and many false prophets will appear and deceive many people.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Kasama sa ibinabala ng Panginoong Jesus sa Kaniyang mga unang alagad na sila’y uusigin, kapopootan at ipapapatay. Subalit, ipinagpauna din Niya na “AT THAT TIME many will turn away from the faith” (“SA PANAHONG ITO ay marami ang tatalikod sa pananampalataya”).

Ito ang dahilan kaya hindi natin kinagisnan ang unang Iglesia – ang isang bahagi (ang mga tapat na alagad ni Cristo) ay pinag-usig at ipinapatay, samantalang ang malaking bahagi (“ang marami” ayon sa pahayag mismo ni Jesus) ay tatalikod sa pananampalataya. Ang magaganap na pagtalikod ay hindi sa malayong hinaharap (“distant future”), kundi ang sabi ng Panginoong Jesus ay “…ibibigay kayo upang usigin at ipapatay, at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa akin. SA PANAHONG ITO ay marami ang tatalikod sa pananampalataya.”

Isang katotohanan na ang Iglesia ay inusig ng imperyo Romano noon pa mang unang siglo at nagpatuloy hanggang ika-apat na siglo. Pinasimulan ni Emperador Nero ang pag-uusig ng Imperyo Romano sa Iglesia noong kalagitnaan ng unang  siglo:

“Iniulat ni Tacitus ang sabi-sabi na iniutos ni Nero ang pagsunog na sumira ng isang bahagi ng lunsod ng Roma. Ang sabi-sabing ito ay tinanggap ng nakararami sa nga tao kaya nangailangan si Nero na makahanap ng pagbubuntunan ng sisi, Inilayo niya ang damdamin laban sa kaniya patungo sa mga Cristiano sa pamamagitan ng pag-akusa sa kanila ng pagsunog at nakisangkot sa paglipol sa mga Cristiano sa panahon ng saturnalia.” (Salin sa Pilipino)[2]

Bago matapos ang unang siglo ay nagkaroong muli ng matinding pag-uusig sa Iglesia. Pinangunahan naman ito ni Emperador Domitian noong a.d. 95:

“Ang Pag-uusig ay muling sumiklab noong 95 sa panahon ng paghahari ng malupit na si Domitian. Ang mga Judio ay tumangging magbayad ng buwis na ipinilit para pagsuporta sa Capitolinus Jupiter. Spagkat nagpatuloy na iniuugnay ang mga Cristiano sa mga Judio, sila man ay nagdusa sa galit ng emperador. Sa panahon ng pag-uusig na ito nang si Apostol Juan ay ipinatapon sa Isla ng Patmos, kung saan niya isinulat ang Aklat ng Apocalipsis.” (Salin sa Pilipino)[3]

Pagkatapos ng unang siglo, ang pag-uusig ng Imperyo Romano laban sa Iglesia ay nagpatuloy:

“Noong 235 si Alexander Severus ay hinalinhan ni Empera-dor Maximin, na hindi nagustuhan ang ipinakitang pabor sa mga Cristiano sa sambahayan ng imperador, at sa maikling panahon ay nagkaroon ng mga pag-uusig na, di katulad ng halos lahat ng mga naunang pag-uusig na ang ikatutupad ay nasa pasiya ng lokal na gobernador, ay maaaring bunga ng sariling kapasiyahan ng emperador.” (Salin sa Pilipino)[4]

Nagpatuloy ang pag-uusig ng imperyo sa Iglesia hanggang sa panahon ni Emperador Constantino. Sa pamamagitan ng kaniyang “Edict of Toleration” noong a.d. 313 ay tumigil ang pag-uusig ng imperyo laban sa Iglesia.

Samakatuwid, natupad ang unang bahagi na ipinagpauna ni Cristo na magaganap sa unang Iglesia, ang sila’y uusigin at ipapapatay. Subalit, ipinagpauna rin ng Panginoong Jesus na “AT THAT TIME many will turn away from the faith.” Ito man ay pinatutunayan din ng kasaysayan na natupad:

“...Ang panahon ng mga apostol ay natapos humigit-kumulang noong taong 100. Ang mga apostol ay sinundan ng mga Apostolic Fathers. Mula sa kanilang mga sulat ay makikita natin na ang mga palatandaan ng pagkasira ay bumabalisa sa Iglesia. Sa sumunod na 400 taon, ang pagkasirang yaon ay tuloy-tuloy na lumubha.” (Salin sa Pilipino)[5]

Ang “pagkasira” na ito na pinatutunayan ng kasaysayan na sa loob ng 400 taon ay tuloy-tuloy na lumubha ay ang pagpasok ng “mga maling doktrina”:

“...Ang tamang doktrina ay mahalaga. Ang maling doktrina ay sisira sa Iglesia. Ang Iglesia ay hindi mabubuhay sa pamamagitan ng maling doktrina. Kaya ang huling kalahati ng ikalawang siglo ay isang panahon ng katakut-takot na krisis para sa Iglesia.” (Salin sa Pilipino)[6]

Ang Iglesia sa loob ng tatlong siglo ay nagkaroon ng pagba-baka sa labas (external struggle) dulot ng matinding pag-uusig ng imperyo sa Iglesia. Kaalinsabay nito, nagkaroon din ng pagbabaka sa loob ng Iglesia (internal struggle), dulot naman ng pagbangon ng mga maling doktrina o ng pagbabago sa mga aral. Kaya, ito ay naging panahong ng katakut-takot na krisis para sa unang Iglesia.

Ang Katuparan ng Pagtalikod

Maging ang mga apostol ng Panginoong Jesus ay nagbabala sa magaganap na pagtalikod sa unang Iglesia at nagbigay ng ikakikilanlan sa katuparan ng pagtalikod:

“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling pana-hon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

“Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.” (I Timoteo 4:1 at 3)

Maliwanag ang pahayag dito ni Apostol Pablo na “ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya.” Natalikod dahil sa pagsunod sa “aral ng mga demonio” na ipinagbabawal ang pag-aasawa at ipinag-uutos ang lumayo sa lamangkati o karne. Kaya hindi maikakaila kung sino ang kinatuparan ng pagtalikod dahil may mga “tanda” na makikita. Sa Iglesia Katolika natupad ang palatandaan ng pagtalikod. Bilang katibayan, ipinagbawal ng Iglesia Katolika kanilang mga pari ang mag-asawa (tinatawag din na “clerical celibacy”):

“Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat oa sa pasimula na ipinagbabawal sa mga pari ang mag-asawa pagkatapos ng kanilang ordenasyon.” (Salin sa Pilipino)[7]

Ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o karne ay itinataguyod din sa Iglesia Katolika:

“Ano ang ipinag-uutos sa atin na gawin ng ikalawang kautusan ng Iglesia (Katolika)?

“Ipinag-uutos sa atin na mag-ayuno at lumayo sa lamangkati (karne) sa mga kinauukulang araw ng taon.” (Salin sa Pilipino)[8]

Ipinagpauna din ni Aostol Pablo kung sino ang magta-talikod sa mga unang alagad:

“Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.” (Gawa 20:29-30)

Ibinabala ni Apostol Pablo na “magsisilitaw sa mga kasa-mahan din ninyo ang mga taong magsasalita ng mga bagay na masama” o “magsasalita ng kasinungalingan” (Gawa 20:30, MBB). Ang tinutukoy niya na “kasamahan” ng kaniyang mga kausap na sa kanila’y lilitaw ang magtuturo ng kasinungalingan ay ang mga obispo sa Iglesia:

“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” (Gawa 20:28)

Kaya, ayon kay Apostol Pablo, mula rin sa kanilang mga kasamahang obispo magmumula ang magtuturo ng kasinu-ngalingan o ang magtatalikod sa unang Iglesia. Magaganap ito sa “pag-alis” ng mga apostol na ang tinutukoy ni Apostol Pablo ay ang kanilang kamatayan (cf. I Timoteo 4:6-8). Ukol dito ay ganito naman ang patotoo sa atin ng kasaysayan:

“...Si Cipriano, sumusulat mula sa Africa, ay nagsabi na nagkaroon ng malaking pagtalikod sa pananampalataya, na pinangunahan ng mga obispo...” (Salin sa Pilipino)[9]

Maging si Apostol Pedro ay nagbabala ukol sa magaganap na pagtalikod sa unang Iglesia:

“Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.” (II Pedro 2:1)

Ayon kay Apostol Pedro, mula rin sa kanila (sa mga unang alagad) magkakaroon ng mga bulaang guro na mag

Show more