2014-06-06

Mahilig ako manuod ng movies. Pag lumang Tagalog movie - di lang ako mahilig, mahilig na mahilig ako dyan! Ibang saya ang dulot sa akin ng Tagalog movie from the 80's or early 90's. Para akong batang pinayagan manuod ng Nickelodeon buong araw o parang maniac na naka discover ng free porn channel. Syempre matutuwa din ako pag nakakita ako ng free porn channel! Ay..anyways..

..ito ang ilang dahilan kung bakit ko gusto ang mga lumang Tagalog movies. Gagamitin ko ang isa kong napanuod recently, ang Dinampot Ka Lang Sa Putik (1991), bilang reference. Ito ang kwento ni Ate Maria, promdi na lumuwas sa Maynila, naging sexy dancer, nakilala at kinupkop ni Christopher de Leon at ayun..sa dulo ng post ko sasabihin ang ending. Bawal ang spoiler.

1. Talak Title

Title pa lang, malupit na. May dating agad. Dinampot Ka Lang Sa Putik. Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Babangon Ako At Dudurugin Kita. O di ba. E-expect mo talagang matindi ang kwento. Di gaya ng mga title ngayon, puro pa sweet. Maybe This Time. The Illegal Wife. Da Possessed. Walang dating! Walang Feelings! Jologs! 



2. Iconic 80's

Aliw na aliw ako pag nakikita ko ang setting ng movies, dahil sa kwento lang ng mga magulang ko naririnig ang tungkol sa 80's. Char lang syempre! Pero aliw talag makakita ng icons of the 80's. Ang mga 80's style houses, mga lumang rotary phone, opisinang typewriter ang gamit ng secretary. Isang halimbawa mula sa DKLSP ang owner type jeep ng mga pulis na humuli kay Ambet (Monsour del Rosario). Very 80's di ba?! At syempre given na ang laging late na pag dtaing ng mga pulis sa eksena.



3. Malulupit na Kontra-B

Di gaya ngayon, kahit palaban at bruha ang mga kontrabida, kadalasan magaganda na sila. Aantayin mo pang tumaas ang kilay o yumakap tapos iismid ng patago para malamang "ay, bruha to!" Di gaya ng kontrabida noon, si Bella Flores. Makita mo pa lang padating, parang gusto mo na mag bayad ng upa kahit di sya ang land lady mo. Dito sa movie, nakita nyang tinangkang gahasain ng anak nya si Maricel, aba si Maricel pa ang binugbog at pinalayas. O di ba, #abamatindi!



4. Ang sexy noon..

..ay di sexy ngayon. Syempre iba ang sexy noon at sexy ngayon. Noon, napilitan si Maricel maging sexy dancer sa club. Ito ang kanyang outfit at dance routine. Di mo alam kung may invisible bang lamesa habang nag iintay ng inorder na siomai. Naka tanga pero may fishnet stockings. Pero akma naman kasi nasa club. E ngayon noon time show, ganyan na ang suot! Tapos puro babae pa dancer! Wala man lang lalaki! Hindi fair ang mundo!

5. Boyfriend mong Baduy!

Ito ang favorite ko dito. Tawa ko ng tawa sa mga outift nila noon. Naiisip kong kung artista sila, at ganito sila manamit, ano pa kaya ang suot ng mga baduy?

Sa mga babae, okay okay pa ang outfit kasi parang na-re-revinvent lang naman ang outfit nila. Umiikli lang, nawawalan ng shoulder pads, ganyan. Sa lalaki, alam mo talagang may mali. Halimbawa si Christopher.

a. Super High Waisted Shorts. Natago na ang pusod sa taas.

 b. Multi Purpose Polo. Polo and Chess / Dama table in one. 

c. Geometric Print Polo. Pwedeng educational toy.

 

d. Art Project. Pag kailangan mo i-illustrate ang sakit ng ulo, ganito ang itsura non.

 6. Hairibble!
Syempre kung may fashion, may hair and make up! Syempre, expected ang big hair. The bigger, the better. Pinatunayan yan ni Ate Charo, na gumanap na atribidang half sister ni Christopher.

Sa eksenang pina make over si Ate Maria, aakalain mong na Alien VS Predator sya sa dami ng pang kulot sa buhok. Expected kong mala Diana Ross ang do nya after.

Ang kinalbasan, eto. Ano, joke time?!

Buti pa ang buhok ng Mamasang ng club na si Gloria Romero. So chica! :)

At ayan lang po ang ilang dahilan bakit benta sa akin ang Tagalog movies circa 80's and early 90's. Aliw diba? :)

At ang ending, nagkatuluyan pa rin sina Ate Maria at Christopher. Nauwi ang lahat sa kasalan. At dahil dyan, tapusin ko ito sa #7. Ang Veil, Bow.

Ito ang totoong #ABAMATINDI. Adik ata ang stylist ni Ate Maria, pero mas adik syang pumayag na lumabas na ganyan.

Pero di pa din natalo ang veil ni Ate Shawie sa Sana'y Wala ng Wakas. Lakas maka kalaban ni Shaider :)

At ayan lang. Sa dami ng nakakatawa, nalilito na ako minsan kung drama ba o comedy ang Dinampot Ka Lang Sa Putik. Anyways, enjoy nyo din ba ang lumang movies? Ano ang favorite nyo? Comment nyo naman :)

At dito ito nag tatapos. Salamat sa pagbasa at happy Friday! Have a great weekend ahead! :)

Show more