2014-05-25

Hello Philippines, Hello world! 2 months ng nasa Iloilo si Patootie dahil assigned sya doon for work. Dahil miss na miss ko na sya, nag biglaang trip to Iloilo ako to visit him at nang madalaw ko na din ang Iloilo. 5 days ito! Pero masaya at maikli lang ang kwento, promise :)

DAY 1

7:30 PM fight via Cebu Pacific. May nag announce, 8:30 na daw. Dumating ang 8:30, may nag announce ulit, 10:20 na daw ang flight. Ginusto kong mang hostage!!! Buti na lang namigay ng free dinner kaya naupo ako at nag curse ng pabulong. E bitin ang kanin! Gusto ko lalo mang hostage! Dumating naman at 10:20 at salamat sa Dyos hindi na na delay.

Ewan ko lang kung ano ang meron sa ariplane ng Cebu Pac na sinakyan namin. Ang kapal ng kung ano mang tawag sa usok na yun. Lakas maka Silent Hill!



12 midnight na halos ako dumating sa Iloilo at sinurprise salubong ako ni Pats! Sya din pala nag intay ng kay tagal. Uwi kami agad and caught up on all things that need catching up. This calls for a :) and a ;)

DAY 2

This is where Patootie stays in Iloilo - the People's Hotel! And this is where I stayed too. 



Ito ang aming super cozy love nest - wag nyong sabihin na magulo ang kwarto..



..dahil mas magulo ang view sa labas. 

Anyways, para sa almusal - syempre inuna ko ang certified Ilonggo dish - ang La Paz Bachoy (Php 60) from Deco's. Buti may Deco's sa baba mismo ng People' Hotel. Ang sarap ng La Paz Bachoy! Parang ako lang. This calls for a ;) and a :-o

Tinernuhan ko ng Tapsilog (Php65)

At si Pats ay nag favorite nyang Pancit Meke with Iced Tea (Php55 lang!) Mapapa "o meke you're so fine" ka! #waley

At for lunch, nagpa deliver na lang kami - from Green Mango I had a burger (a yummy burger at Php 69) and an order of palabok (Php60)

I also had their special Halo Halo (Php75) na sobrang sarap. Bukod sa ice cream, may iba pang cream na nakalagay. Di ko alam kung anong cream, basta malamig. Pangalanan na lang nating HH Cream :)

Nung hapon na ay pinasyal ako ni Pats sa Jaro Cathedral. Nakita ko pa ang sketch nya ng directions - ang cute cute :) Pero mag isa lang ang tao o? Di ba ako sasamahan? Hahaha :)

Isang jeep ride away lang ang Jaro Cathedral, na katapat ng Jaro Belfry, as seen below :)

Eto ang Jaro Catherdal - hello! :)

Ito ang statue ni Our Lady of Candles, na nasa taas ng stairs na kita nyo sa picture sa taas.

Kala nyo nasa Paris no? Nasa Iloilo po ako! :)

Patootie pic! Extra ang bebe gurl na manghang mangha sa Monopod :)

Matapos naming bumisita at mag dasal, umuwi na kami and called it a night :)

DAY 3
May pasok na si Pats so I had the day to myself. Plano kong pumunta sa Guimaras pero nag aalala si Pats kasi wala daw ako kasama. Ako naman si tapang tapangan, sabi ko kaya ko! Nung nag tanong tanong ako sa hotel staff, mahirap nga daw kung mag isa lang ako.

Okay, dahil ayaw ko ma "I told you so!" sa malapit na lang ako pumunta. Suggest sa akin ng isang staff ay ang beach sa Villa. 2 jeepney rides away lang. Buti na lang mabait ang mga tao na kahit di kami magka intindihan gaano ay tinuro nila sa akin kung paano pumunta.

Kabaliktaran naman ng may ari ng mga resorts na naka harang sa daan papunta ng beach. Ayaw mag padaan! E ang weird, walang madaanan papunta ng beach. Buti wais ako, sumabay ako sa pamilyang papasok sa isang resort.

Pero eto, pag dating ko sa beach sa Villa - tada! Walang nag swi-swimming!

Puro nangingisda! 

Dahil ayaw ko naman mag mukhang eng eng na nag swimming mag isa, umalis ako agad matapos mag pa cute. 

Gusto ko din sana mag church hopping pero malalayo daw ang ibang simbahan. May nadaanan akong isa, at tuwang tawa ako, pag lapit ko, aba sarado.

Pumunta na lang ako sa SM para mag lunch. Katapat ng SM City ang hotel na tinutulong itayo (lakas maka konstru) ni Pats, ang Injap Tower Hotel - the tallest building in Western Visayas at 21 floors.

Ganda ng location no, tapat ng SM. Sana lang matapos na ng maka uwi na si Pats!

Umikot ako sa SM para humanap ng makakainan pero sobrang dami ng tao. Umuwi na lang ako. Na lungkot ako kasi di ako naka punta ng Guimaras, di ako naka punta ng churches, wala makainan, sobrang init at ang baba ng mga jeep, di ako kasya! Bumili na lang ako sa neighboring carinderia ng sardines, pork chop at 3 rice at tada! Comfort food! Pang konstru! Wooot!

Pinasalubungan pa ako ni Pats ng pinaka masarap kong nakain na piyaya (Php 5 each) from Merci bakeshop at happy happy na ulit ako :)

That night, Pats took me to his happy place for an advanced birthday treat (his bday is on May 31 - batiin nyo ha?) He took me to Bauhinia which is in the Avenue Complex. They serve Filipino cuisine.

Pinatikim sa akin ni Pats lahat ng favorite nya dito - starting with the yummiest iced tea that I ever gulped - ang Cold Bauhinia Iced Tea (Php 65) This was really cheap as it was a tall glass of severe goodness.

For appetizer - we had Gulaman (Php 95)

Interesting to, dahil kahit mukha syang naipong buhok sa shower drain, masarap sya. Ito ay seaweed na kinilaw at lasang achara :)

We also had Linaga (Php 295 for a huge serving) na nilagang baka at may langka..

..Pinakbet at Lechon Kawali (Php 225)..

..at Pinaksiw na bangus (Php 195). Interesting ang presentation nito, naka balot sa dahon ng mangga. 

It was a great dinner, bukod sa masarap ang food, libre na at kasama ko pa ang best kasama sa food trip. Thanks sa treat Pats! :*

DAY 4
May pasok ulit si Pats at dahil traumatized na ako na lumakad mag isa, sa hotel ako nag stay mag damag at nanuod ng PBB sa Free View channel. Nakadami ako ng silay kay baby Manolo :)

Pero for lunch, pumunta ako sa JD Bakery Cafe na rinecommend ni Kai :)

Ang saya naman pala sa JD! Ang daming pastries! May french macaroons na, may cronuts pa :)

May meals din sila! Ito ang kinain ko, ang Chicke Cordon Bleu (Php50)..

..Apple cronut (Php 28)..

at Special Halo Halo (Php 55). Walang HH Cream pero okay naman. Kinailangan ko lang bumili ng extra milk kasi bitin. Gusto ko madaming milk, tipong malilito na sya kung halo halo ba sya o sopas.

Nung pauwi na sa hotel, nagutom ako ulit (yes, possible magutom kahit kakakain lang haha) at bumili ako ng turon sa kanto. Laking gulat ko ng pagkagat ko sa turon - kaning malagkit ang laman! Hindi ko mahanap sa Google kung ano to, so isipin ko na lang na infusion ito ng suman at turon :)

Last dinner na namin ni Pats at kami ay nag dinner sa Resto Federico! 

We had Special Iced Tea (Php 45) - refreshing to kasi may singkamas, lemon at mint!

I also had Pasta Gerardo (Php 130) which was spicy and had a yummy slice of bangus :)

At ang specialty ng Resto Federico - ang Giant Burger! This is only for Php 280, at pinalagyan pa ng sunny side up egg sa loob - dahil hindi pa sapat ang madaming gulay, pinya at matabang beef patty :)

Sobrang juicy ng burger, di na kailangan ng drinks! May kasama nang panulak! Hahaha :)

Wala ng bebe gurl na mangha sa Monopod :)

DAY 5

Last day ko na sa Iloilo! Nag absent si Pats kaya stay put lang kami magdamag sa hotel. Ito ay kailangan ng :) at ;) at :-O

Hinatid ako ni Pats sa terminal ng shuttle papunta ng airport at byebye Iloilo na ako. Buti na lang hindi na delayed ang flight pero pag dating sa Manila, halos 2 hours kami stuck sa eroplano dahil sarado daw ang airport dahil sa lakas ng ulan. Swerte nga naman! 

At ayan ang aking super short stay in Iloilo :)

Ilan lang sa aking mga obserbasyon:

-Ang lalambing nga nila mag salita! Kahit pag para na "Nong, lugar.." ang lambing nila sabihin. Gusto ko nga sabihin na "nhoooonggggg, lhuggggaaaar!!!" climatic ang dating, kaya lang natataranta ako pag papara na haha.

-Ang cute ng mga jeep sa Iloilo. Ang rustic ng dating. Ang baba nga lang ng mga bubong, kawawa naman ang mga tall, dark at yun lang, like me.

-Ang mura ng pamasahe sa jeep - kahit kalayo na ay Php 8 lang!

-Kadalasan nag I-ilonggo o Hiligaynon ang mga tao kahit Tagalog ko sila kausapin. Ang cute namin tignan na ang ending ay nag si-sign language na lang hehe :)

-Parang mas mainit sa Iloilo kesa sa Manila. Extreme! Akala ko naisip ko lang pero may nagsabi na taga doon na totoo nga. Baka dahil malapit sa dagat.

-Lastly, hindi bagay si Pats doon, dito sya bagay malapit sa akin hahaha :)

Thank you all sa pag sama sa akin sa aking Iloilo trip sa pagbasa nito! Sana nag enjoy din kayo :) Much love from me to all of you! :*

Show more