2013-12-11

Ilang tulog na lang tatangkad na ako! At mag Papasko na! Though sa totoo lang ay di ko pa sya gaanong feel (dahil ganun ata talaga pag tumatanda) ay wala tayong magagawa,dadating at dadating ang Pasko.

Tuloy pa din ang kainan portion, party party portion, gift giving portion, ubusan ng pera portion at kung ano ano pang portion. Eto ang recent portions ko :)

Ayala Lights Portion

Lumuwas ako mula sa kabundukan ng Antipolo papunta sa Makati to see the magical Christmas lights in the Ayala Triangle. Sakto at 5th monthsary namin ni Patootie kaya celebration na din namin. Dapat may picture ako kasi minsan lang ako dito! Bang layo e! :)



Kain muna kami sa Yellow Cab! Pizza! Nyarms!



At Charlie Chan pasta! Ang sarap pala nito, nahiya pa akong ikwento sa office na first time ko kumain nito kasi baka tawanan nila ako, sabihang mahirap, etc etc, e sila pala di pa din naka kain. So ako ngayon ang nakakalamang #bigdeal? Haha :)



Nag monito - monito kami ni Pats kasi nga monthsary. Ito ang gift nya sa akin - kami daw yan, tignan nyo may nunal yung isa. Parang commercial lang "look at my mole, magaling ako sumayaw!" :)

At dahil sweet ako, may bigay din akong chocolates at dahil thoughtful ako, may binigay akong medicine kit kay Pats. Madali kasi sumakit ulo nyan, madali sipunin, madali masira ang tyan! Baby?! Haha :)

Pag katapos ng kainan portion ay off to see the lights na! Sakto ang dating namin, nag start na ang show. Ang ganda ng lights at back ground music!

Nga nga ang lahat :)

Di ko lang alam kung nga nga sa ganda ng lights o sa kaka estimate kung magkano ang bill sa kuryente ng Ayala.

Anyways, the Ayala Lights is a must see, do get the chance to enjoy them if you can. They're up from November 30 to December 31, from 6 to 9 pm with an interval of 30 minutes per light show :)

Pasko Pasabog Pakak Portion

Yan ang tawag sa yearly Christmas Party naming mga becky friends sa office! Same venue and same cast this year, ngayon nga lang may kasama na ako boyfriend, sabay flip ng buhok na wavy :) 

It was really nice being with my best friends again, kasi yung iba di na namin kasama sa work so bihira na namin makita - pero mas enjoy ang kainan! Ang daming food pero eto lang ang ma post ko ang mga star ng party.

Ang baked tahong ni Baby Faye na nagpa realize sa aking pwede ko pala ma enjoy ang tahong :)

At ang Dolora's Pancit Malabon! My favorite! Aw aw! 

 Random pics lang :)

 Ang saya ng ininom namin - GinPo! Classic! :) 

 Natapos din ang Pasko Pasabog Pakak 2013 Portion at nag uwian na. Napagod kami kakadaldal at kakatawa at nanakit ang tenga sa lakas ng boses ni Bobe. It was great fun catching up with everyone - sana next time naman di lang tuwing Pasko kami nag kikita, sana tuwing Christmas din! Labo! :)

Kayo ano ang mga Christmas Portions nyo? Share naman :)

Oo nga pala, may PBO Red and Black Christmas Party tayo, kita kits doon ha! Thank you all for dropping by and have a safe, fun and meaningful holidays :)

XOXO Love you all!

Show more