Hello my dear friends! I'm sick ( and absent from work ) today kasi ako ay hinigh blood sa sobrang init at sa extreme body ache.
I had a massage yesterday - short story about it : tinanong kami ni Emer ng masahita kung hard daw ba ang massage, yes kami pareho. Tapos binawi ni Emer, soft lang daw sa kanya. Ako naman, para di mag mukhang gaya gaya at magmukang natakot sa hard, go pa rin sa hard. Sa buong massage, wala na akong inisip kundi paano ko gagantihan si kuyang masahista - minsan gusto ko syang sipain, kurutin, tusukin sa mata, kagatin sa tenga. Pero tiniis ko, I'm a lover not a fighter! Haha. Pag tapos ng massage, para akong ginangbang ng mga bilango hahaha. Moral lesson : dedma ng maging gaya gaya at mukhang duwag sa hard massage, wag lang mabugbog. Hazing levels!
ANYWAYS! Ang post kong ito ay about the fun trip namin ni BFF Emer sa Diamond Hotel in Roxas Blvd. Emer got certificates so ang deluxe room which usually goes for Php 9,000 ay nakuha namin for Php 3,00 only. Not bad! At dinner buffet for Php 500! Sulit sa patay gorang gaya namin :)
Hello sa Diamond Hotel na kalayo!
This is our home for the day! Lovely, lovely! 2126!
Manunuod kami dapat ng Pyrolympics through the window kaya lang FAIL! Nakatalikod kami sa MOA. Kaya nag Traffic Panic na lang ako using real cars :)
Eto pa isang view namin, ang ganda lang! Pwedeng i-print at lagay sa flyer no? Condo chenelyn, for sale chenelyn blah blah..
BTW, birthday ni Emer sa March 16! Happy Birthday my friend, you barely look 60! Is this friendship or what?! Hahaha :)
Being the sweet lil me, I bought him a present..
..tada! A framed picture of FRIENDS. He loves it too, minsan kwentuhan lang kami about our favorite scenes. Crazy no.
Anyways, to make myself more at home, I changed from this..
..to this!
Fixed the clothes in the closet..
..looked for a channel to watch, kaya lang naunahan ako ni Emer. He was watching basketball (boring! mas masaya pa manuod ng Dora!) na intriga pa naman ako sa Channel 34 - Balls! Hihihi :)
I ate a half kilo of sweet beans then fell asleep..zzzzz...
Dinner time came so we're up! Got dressed and went downstairs. Thanks to my Papa for the really nice shirt :)
Eto na ang favorite part ko of the day! Buffet! Ang daming food! I was a bit shy to take pics of the set up so yung mga kinain ko na lang ang na pikpakan ko. I wanted to note the names of the stuff I ate kaya lang sa dami nila, ay good luck! Mas madali pa ma-memorize lahat ng may crush sa akin ( mga lima lang kasi sila haha)
Emer had a lot of this - lamb. Isang buong hita ata ng lamb ang nakain nya. Ako di ko gaano trip, naiimagine ko kasi ang mga cute lamb..at naaawa ako.
We're now moving to desserts! Yey! :)
They had ice cream too! This is now my favorite ice cream of all time! Raspberry! Tinanong ko si Ateng nag scoop (scooper?) kung ano ang brand ng ice cream, home made daw. Sana tinanong ko pala address, willing ako mamasukan dun kahit ice cream ang sweldo!
We were so full and went out for a walk. Ang bagal namin mag lakad sa kabusugan, feeling ko pag may naka banga sa akin, nasukahan ko ng buffet sa mukha hahaha, ay sorry ang baboy! Tignan nyo na lang kung gaano kalaki ang tyan namin.
Maliit pa rin ba? Sorry naman, sexy kami e. Charlotte! :)
Back home (home talaga) I had to end the night perfectly. Minsan lang to! I ran myself a bath, read a good book (yes, Spongebob Survival Guide is a good book if you must know) and had Up Dharma Down playing on the background.
Sobrang relaxing, nakatulog ako sa bath tub. Infernes hindi ako nalunod ala Whitney Houston! Ang sarap pa nga ng gising ko, one of the best gisings ever! ever! ever! (ayan nahawa na kay Spongebob)
I then had a cup of coffee (wished Marseng Joanne was there, she's the best coffee partner!)
Tapos, sinigurado kong tulog na si Emer, then I changed the channel to 34 (BALLS) and yes, basketball channel po sya. Ampness hahahaha! :)
Nag photoshoot na lang ako magisa - this is the best (and only decent pic) from the 8,264,786,342,348 shots I took. Naka timer sa ibabaw ng lamp ang cam, hence the lovely light effects :)
Bed time na - thanked God for such a great and wonderful day. Also prayed na may ice cream ulit sa umaga :) Zzzzzzzzz tapos maya maya, gising time na ulit! Breakfast buffet naman! :)
The hanging fixtures looked better in daylight :)
And breakfast beside this huge water fixture was lovely :)
Onti lang ang choices pag breakfast, makes sense naman, sino ba naman mag ste-steak o lamb sa umaga diba? Si Emer nga pala, pwede hehehe :)
Too bad there was no ice cream!!!! So binawi ko na lang sa fruit yogurt. Not even half as good pero okay na.
We then went upstairs to sleep some more, ako nag bath tub ulit! Minsan lang to! We got to check out late, 2PM so extended ang saya at ang tulog moments. Hay tumatanda na kami :)
And that was our lovely yet super bitin stay at the Diamond Hotel!
BTW, for hotel critics, Diamond Hotel is a 5 star hotel but it has a lot to improve on. First, their hair dryers were so old school at mas malakas pa buga ng hangin ng bus. Then the AC didn't seem like it was working properly, then the WI-FI is limited to 3 hours per day and only 1 device can connect to it. And, they don't serve ice cream during breakfast! Haha :)
****************
Kung akala nyo yun lang ang kain namin, before we went to DH, we had lunch at PHO'HOA, mas masaya siguro kung PHO'KWANG ang name ng resto tapos face ni Powkie ang nasa logo - imaginine nyo, ang cute di ba? :) BTW, we had Pho Nam, Chin, Gan and Bo Vien. Yan po ang name ng soup, akala ko names yan ng mga namalengke, nag deliver, nag luto..ang daming panagalan e. And we also had honeyed chicken :)
After the DH stay, we had dinner at Peri Peri - na try ko na at last! Makaka relate na ako kay June! It was yummy! And they have a PHP50 soup and drink all you can promo. Tapos for dessert we had halo halo at Dismum Express na dati sa Cebu lang meron, meron na din dito! Same price, this halo halo is for a super cheap Php60 only :)
At ayan ang mga ganap, halo halong sobrang kain, stress sa byahe, hazing ng masahista kaya ako nagkasakit. Pero o-okay din ako soon I know. Sana kayo okay din.
And that is it pusit! Sa March 30 na ang ating 2nd PBO Outreach sa Bahay ni Maria in Laguna! Please visit the PBO FB Page to get updates and you can always feel free to help in anyway, donate, volunteer, send us well wishes. Anything and everything, we appreciate. Thank you!
Subukan ko ng mag blog hop ngayon - kung walang sense ang mga comment ko intindihin nyo na lang ha? Hahaha! Much love as always! XOXOXO!