2014-07-23

Sino nga bang nagsabi na masarap mag-abroad? Hindi naman sya mali pero hindi din siya tama.

Nung umpisa kasing aalis ka excited kapa, yung pakiramdam na lahat eh bago, yung term na 'elibs' ka sa lahat.

Sabi ng madami nag-aabroad ang tao kasi nga para makaipon at makatulong sa pamilya. Totoo naman. Kaya lang para sa isang 21 years old na katulad ko single at gustong laging sabay sa uso eh  medyo malabo pa yun.

Nung una ako dito, puro selfie selfie lang, pasyal dito, kain doon. Ang sarap diba?. Pero syempre walang libre sa mundo, prerequisite ang magtrabaho.

Nung may trabaho na ko. Medyo iba yung responsibilidad dito. Aba naman, yung trabaho eh parang load laging unli, kung baga sayo lahat kahit hindi sayo. Kala ata nila may dugo kang superhero na keri lahat. Pero ganito talaga ang mga trabaho dito kahit nasa opisina o nasa ibang linya ka. Hindi tatagal sa abroad ang tamad. Pramis.

Nung unang sweldo ko, ang sarap sa pakiramdam.Overload Happiness ba. Kasi yung sahod kahit every end of the month lang ang dating eh buo mo makukuha, walang tax. Walang kaltas. Iyo lahat ng napaghirapan mo. Ayus diba?

Ang daling bumili ng gadgets dito. Jusko. Isang buwan ang sale. Tapos dito sa Dubai hanggang alas dose ang mall san kapa. Mabilis kang tataba dito kasi mura ang pagkain depende nadin sa metabolism mo syempre.

Siguro sa tatlong buwan mo dito eh medyo malulungkot kana, kahit na madami kang kapamilya dito iba parin yung pakiramdam. Iba kasi ang pinoy friends, yung kaedaran mo at yung kultura. Dito kasi madalang ang kaedaran ko, lahat ng makikilala mo eh malayo ang gap. Syempre, ikaw na 21 yung gusto mong pag usapan na uso eh hindi nila majive in. Iba kasi yung goal nila sa gusto mong pag usapan.

Natutuwa ako kasi ang daming pinoy dito. Iba sila kumilos dahil narin kasi iba iba yung dahilan nila kung bakit sila nag-abroad. Tapos yung ibang lahi eh, gustong gusto nila ang pinoy. Pano ko nasabi eh kasi tuwing sumasakay ako ng taxi, minsan yung driver pag namukaan kang pinoy eh magsasalita ng 'isa, dalawa, tatlo..' 'Kabayan' 'kamasta ka' lahat ng tagalog words na alam nila para lang makausap ka. Syempre ikaw tatawa ka nalang at matutuwa.

Tsaka pag andito ka sa abroad kelangan malakas ang loob mo. Tatamaan ka talaga ng homesickness, ay jusko mahabagin! Kaya pag ka ganun eh iisipin mo kung bakit ka nandito in the first place. Lahat ng kakilala ko eh sinusuportahan nila ang pamilya nila sa pinas. Iba ang pinoy, para sa pamilya kayang gawin lahat.

Kaya kayong nagbabalak na mag-abroad , tandaan nyo 'walang nagsabing, masarap mag-abroad' malungkot, matrabaho, mahirap, kelangan mag-tiis. Pero dito sa abroad may paasa kang makaahon.

Kung maganda lang ang Pamumuhay sa Pilipinas........(magbuntong hininga nalang po tayo, madami pang bigas ang kelangan ibayo bago mangyari ang pinapangarap natin) Ikaw ang mag-aadjust at ikaw din ang gagawa ng paraan kasi wala kang maasahan sa kanila. Ang gobyerno natin kasi ewan ko ba... nevermind nalang.

Humahanga ako sa mga nasa abroad, kahit saan man dako sila. Kung may nakikita ka man na magagandang bagay sa facebook o sa instagram nila nasa pakiramdam natin eh ang swerte ng buhay nila sa abroad. Tandaan natin na mayroon din malulungkot at hindi maganda. Hindi lang nila pinapakita dahil alam nilang hindi naman makakabuti na makita ng mga mahal nila sa Pilipinas. Ayaw nilang mag-alala kapa kasi alam nila ang buhay sa Pinas. Mabuhay ang OFW!

Show more