2013-07-28

Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may nakatirang maganda at mabait na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa kwentong ito. Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si Tong, ang pinakabatang anak ni Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang ibang papel sa kwento kundi ang magkasakit. At ito na nga ang dahilan kung bakit isang araw ay bigla na lang ipinatawag si Tong ng kanyang inang reyna.

"Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman," wika ng reyna. "Hindi na s'ya nakakalangoy. Kailangan mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang kumuha ng puso ng saging — ang tanging prutas na makakapagpagaling sa kanya."

Sumagot si Tong, "Ngunit inang reyna, hindi ba't talaga namang hindi nakakalangoy ang amang hari?"

"Dahil nga mayroon s'yang karamdaman!" ang sagot ng reyna.

Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa. Inabot s'ya ng pitong araw at tatlong gabi sa paglalakbay bago narating ang kakahuyan. Sa di kalayuang ilog ay namataan n'ya kaagad si Buwaya na nagpapahinga.

"K-kamusta po!" bati n'ya. "Maaari po bang magtanong kung saan ma—"

"NGINANGAUHA MO HA AHO?" tanong ni Buwaya.

"Ano po?"

"Pweh!" Idinura ni Buwaya si Maya na naglilinis ng ngipin n'ya. "Sabi ko, kinakausap mo ba ako?"

"O-opo. Hihingi po ako ng—"

"Kailangan mong magbayad ng pilak."

"Wala po akong pilak, perlas lang ang dala—"

"Tatlong perlas!"

Iniabot ni Tong ang mga perlas, at itinuloy ang tanong. "Saan po ba maaaring makakuha ng puso ng saging dito?"

"Tatlong perlas!"

"Pero n-n-nagbigay na po ako," nag-aalangang paalala ni Tong.

"Bayad mo lang 'yon dahil kinausap mo s'ya!" pasigaw na paliwanag ni Maya.

Iniabot ni Tong ang tatlo pang perlas, pero hindi pa rin s'ya sinagot ni Buwaya.
"Saan po kaya ako makakakuha ng puso ng saging?" muli n'yang tanong.

"Tatlong perlas!"

"Pero dalawang beses na 'ko nagbigay, at tatlo na lang ang perlas ko!" angal ni Tong.

"Tatlong perlas ang hinihingi, kaya tatlong beses kang magbibigay," sabat uli ni Maya.

"At wag kang madamot dahil tatlo na lang naman ang kailangan namin!"

"Pero wala na 'kong pambili ng load!"

"Ano ba ang importante sa'yo, textmate o puso ng saging?" hirit ni Maya.

Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga huling perlas.

"Maaari n'yo na bang sabihin kung saan matatagpuan ang pakay bo?" tanong n'ya.

Sumagot si Buwaya, "Tama ang pinagtanungan mo dahil ako nga ang hari dito, kaya—"

"Hari???" nagtatakang tanong ni Tong, pero hindi na nakasabat nang magsalita ulit si Buwaya.

"Halika, ibubulong ko sa'yo," ani Buwaya.

Lumapit si Tong, pero mas pinalapit pa s'ya ng kausap. "Halika sabi, para maibulong ko sa'yo!"

Lalo pang lumapit si Tong, pero laking gulat n'ya nang biglang buksan ni Buwaya ang malaking bunganga nito upang kainin s'ya. Kumaripas ng takbo si Tong at di na ulit lumingon sa ilog.

"Siyeht!" sigaw ni Bibe. "Yu asshol!"

"Pasensya na po, hinahabol kasi ako ni Buwaya para kainin!" ninenerbyos na tugon ni Tong.

"Wala akong nakikitang Buwaya dito, pero naputikang buntot ng magandang Bibe dahil sa kagagawan ng bobong talangka, meron!"

Hindi namalayan ni Tong na malayo na nga ang kanyang natakbo at ligtas na s'ya. "Pasensya na po ulit."

"Ano pa ba magagawa ko?" sambit ni Bibe. "Da world is ful of ijots!"

"Don wori priti litel Bibe, dyas kis mi en ebriting wilbi orayt!" epal ni Palaka.

"Ano daw?" tanong ni Tong.

"Hay nako, wag mong patulan yan," sagot ni Bibe. "Mas baliw 'yan sa'yo!"

"Bibe aym a want yu, Bibe aym a nid yu..."

"Syatap!" sigaw ni Bibe bay Palaka, sabay tingin kay Tong. "Laging nagpapahalik 'yan, magiging makisig na talisain daw s'ya, e kaso naman ilang beses ko na s'yang hinalikan, walang nangyayari. Malansa na nga ako eh!"

"E ba't kailangan mo pa s'yang halikan nang paulit-ulit?" usisa ni Tong.

"Ewan ko ba! Kundi lang 'yan hari dito, matagal ko nang iniwan 'yan mag-isa."

"Hari...na naman?!"

"Oo!" sagot ni Bibe. "Titignan mong ganyan 'yan pero maraming perlas yan!"

"Perlas?!?" kumislap ang mga mata ni Tong.

"Ayken biyur hiro, Bibe...ayben tekawey yor peyn..." patuloy sa pag-awit si Palaka, pero hindi s'ya pinapansin ni Bibe man o ni Boy Abunda.

"Perlas. Bakit ka nagulat, meron bang hari na walang kayamanan?"

"Pero paano s'ya nagkaroon ng perlas dito sa gubat?" pagtataka ng talangka.

"Wag kang maingay ha..." pangiting lumingon muna si Bibe sa paligid bago bumulong: "Sa mga taga-dagat...ahihihi!!!"

"Pero hindi ba pagnanakaw yon?" wika ni Tong.

"Shhh...hindi naman! Noon lang 'yon nung perstaym n'yang ginawa. Pero nung inulit-ulit n'ya na, hindi na!"

"Huh?!...Nasaan ang katapatan n'ya?"

"Ang pinakamainam na paraan para maging dukha ay ang maging matapat!" namewang na si Bibe.

Kumunot ang noo ni Tong, bakit wala s'ya nito. "Hindi totoo 'yan, laging tapat ang pamilyako, pero hindi naman kami naging dukha."

"Hoy, wag kang mayabang! Hindi dahil sa wala kayong pagkakataong magnakaw, matapat na kayo!" ani Bibe. Sa gitna ng pagtatalo ay bigla nilang narinig ang isang ungol.

GROWWWWRRR!!!

"Ano 'yon?" kinabahan na naman si Tong.

"Wala. Si Daga lang 'yon. Kakasama kay Leon, nasanay na ring umungol!" paliwanag ni Bibe. "Sandali...bakit nga pala kita pinagtitiyagaang kausapin?!?"

"Ay, oo nga pala! Wag kang magalit, Bibe...itatanong ko lang sana kung saan makakakuha ng puso ng saging dito sa gubat. Wala na 'kong perlas na maibibigay sa inyo, pero pwede ko kayo hatian ng baon kong kangkong," saktong pagkalabas naman ni Tong sa baon ay mabilisan itong hinablot ng biglang dating na si Leon.

"SYYYIIIIIIT!!!" halos tumalsik ang mga mata ni Tong sa lakas ng kanyang pagkakasigaw, ngunit walang sinuman sa paligid ang nakarinig sa kanya. Pare-parehas sila nina Palaka at Bibe na hindi na nakagalaw. Lumunok na lang ng laway si Tong, at sabay nagpilit ngumiti. "Sus! Ikaw lang pala, Leon. Akala naman namin kung sino na! Hehe...."

Nakangisi lang sa kanya si Leon, hindi maipinta kung tutuhugin na s'ya ng mga matatalas nitong kuko o ipanlalaman s'ya sa
tiyan.

"Whew!" nagpapawis ng tubig-dagat si Tong. "Nagulat sa'yo sina Bibe, kala nila kakainin mo—"

Inihagis ni Leon ang mga inagaw na kangkong pabalik sa mga kasama ni Tong. Mabilis naman itong sinalo ng bibig nina Palaka
at Bibe.

"Hindi ako kumakain ng palaka at bibe—" Nagsalita rin sa wakas si Leon, bagamat sa malalim na tono, garalgal na boses, at mabagal na paraan. Napangiti naman si Tong at nakahinga nang maluwag. "...pero si Buwaya, oo." Pagkasabi nito ay biglang umahon sa ilog si Buwaya at buong-buong nilunok sina Bibe.

"Kamusta, kaibigan!" bati ni Buwaya kay Tong. "Long time no see!" Tuluyan nang nawalan ng kulay si Tong sa pagkakasindak.
"Nga pala, boss, 'yan ang bago kong besprend," patuloy ni Buwaya. "Namimigay 'yan ng perlas!"

Malambot ang tingin ni Leon kay Tong, pero tumigas ito paglingon kay Buwaya. "Ibalik mo sa talangka ang perlas."

"Pero, Boss...!"

"GROWWWRRRRRRR!!!!!"

Walang nagawa, ibinuka kaagad ni Buwaya ang malaking bunganga para makuha ni Maya ang mga perlas na itinago sa singit-singit ng ngipin n'ya. Mabilis na kumilos ang maliit na ibon at padabog na iniabot ang mga perlas kay Tong. Noon din ay isinubo kaagad ni Leon si Maya.

"Boss! Bossing! Boss!" pagmamakaawa ni Buwaya alang-alang sa sidebick.

Ipinakita muna ni Leon sa kanya ang mga pangil na pinagkakapiitan ni Maya bago pinakawalan ang ibon. "Layas!"

Hindi pa rin alam ni Tong kung ano ang sasapitin sa pusod ng kagubatan kaharap ng dambuhalang bangungot. Ipinikit n'ya na ang
mga mata bilang paghahanda sa kamatayan. Ngunit ginantihan lang ni Leon ang kanyang takot ng malumanay na pagpapakilala bilang isa na namang hari ng gubat, kasunod ng pagtatanong sa kanyang pakay. Kabadong binuksan ng talangka ang mga mata at
nanginginig na ipinaliwanag ang lahat.

"Hmm,. .si Aso ang dapat mong kausapin tungkol sa puso ng saging," ani Leon.

"S-Salamat po!" Tatakbo na sana si Tong nang bigla s'yang tawagin ni Leon.

"Sandali," pinituhan ni Leon si Daga para iabot kay Tong ang dalawang itlog. "Ninakaw ito ni Palaka kina Manok at Pagong. Ibalik mo ito sa kanila at sila ang magsasabi sa'yo kung saan matatagpuan si Aso."

Tinanggap ni Tong ang mga itlog at tuluyan nang nilisan sina Leon at Daga. Nagtingingan ang dalawa at nagtawanang-demonyo nang makalayo na ang talangka.

Malayu-layo rin ang nilakbay ni Tong bago narating ang sibilisasyon—kung sibilisasyon mang matatawag ang grupo ng mga insektong nagtatalu-talo.

"Kaya nga kailangan nating maghimagsikan! Panahon na para tayo ay mag-aklas laban sa mga hayup na yon!" sabi ni Tipaklong.

"Sandali, maghunos-dili ka naman. Hindi sagot ang himagsi—"

"Wag ka nang humirit, Langgam!" putol ni Tipaklong. "Takot ka lang dahil maaapektuhan ng kilusan ang mga negosyo mo. Palibhasa maraming rnawawala sa'yo pag nagkagulo!"

"Anong mali doon? Natural lang na protektahan ko ang bunga ng pagod ko!" pagtatanggol ni Langgam sa sarili. "At ikaw, kaya ka lang din matapang ay dahil walang rnawawala sa'yo! Wala ka kasing pinagpaguran. Nagpapatalsik ka lang ng laway habang ang iba ay nagpapatulo ng pawis!"

"Lagot, personalan na!" sabat ni Langaw.

"Sige nga, hawakan nga sa tenga! O, ha... sino matapang? Hawakan nga sa tenga!" gatong ng isa pang langaw.

"Wag nga kayong pasaway!" sigaw ni Uod sa dalawa. "Ba't hindi kayo sumali dito sa pagpupulong?"

"Nakakatamad magsalita." Sagot ni Langaw.

"E ba't kayo maingay?"

"Nakakatamad manahimik." Sagot ng isa pang langaw.

"Sa paghinga—hindi ba bayo tinatamad?" irap ni Uod sa dalawa bago itinuloy ang usapan. "Sa tingin ko, parang may punto rin naman si Tipaklong. Baka nga kaya tayo nananatiling maliit ay dahil sa mga dambuhalang hayop."

"Hindi rin!" kontra ni Langgam. "Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may mga naipundar din naman kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!"

"Tao ka ba?" hirit ni Bulate.

"Haaay, ewan ko sa inyo. Basta ako I can go anywhere I want. Wala na 'kong pakialam sa bulok ninyong sistema!" ani Paruparo.

"Alam mo, Langgam, kahit magpatulo pa 'ko ng luha at dugo, walang mangyayari hangga't naghahari ang mga hayup na 'yon dito!" hirit ulit ni Tipaklong.

"Alam mo, Tipaklong, walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo!" sagot ni Langgam. "At ikaw Paruparo, wag kang masyadong mayabang dahil nanggaling ka rin sa uod!"

"Ako? Hindi, ah!"

Bumuntot si Uod, "Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan!"

"Tama!" sang-ayon ni Bulate. "Kahit gagan'to-gan'to lang ako, mas maganda pa 'ko sa'yo, Paruparo, pag tinubuan na 'ko ng pakpak!"

"Sino naman nagsabi sa'yong tutubuan ka ng pakpak?" tanong ni Uod. "Pag nangyari 'yon magiging kamukha mo lang si Ipis."

"Hoy! Sino'ng Ipis?" hirit ni Ipis. "Paruparo ako... kulay brown lang ang pakpak!"

Sa mga sandaling 'yon ay naisipan na ni Tong na magparamdam. "Ahem, ahem..."

Nagtinginan lahat sa kanya ang mga napatigil na insekto. Ilang tahimik na sandali pa ang lumipas bago nakapagsalita si Tipaklong. "Hayup!"

"Huh?" nagulat si Tong.

"Hayup ka!"

"H-Hindi po...walo po ang paa ko!"

"Kung gayon...patunayan mo at sumapi ka sa himagsikan namin laban sa mga hayup!"

"Sa inyo nino?"

"Sa amin nina..." lumingon si Tipaklong sa paligid. "Sino ba dito ang mga matatapang at tapat na mamamayan ng gubat...at mga cute... Itaas ang kamay!" Mabilis namang nagtaas ng kamay ang dalawang langaw. "... Sa aming tatlo nina Langaw!"

"Ano bang ipinaglalaban n'yo?"

"Hayup sila...insekto kami!" sagot ni Tipaklong nang may nakataas na kamao.

"At...?"

"At...umm...apat lang ang paa nila!"

"Tapos...?"

"Ang hirap mong umintindi!" naasar na si Tipaklong. "Hindi namin sila kauri! Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para kamuhian namin sila?"

"Urn, hindi...?" naguguluhang tugon ni Tong.

Napaisip sandali si Tipaklong. "Pwes, may iba pang dahilan!"

"Ano yon?" tanong ni Tong. Lalong natahimik ang pagtitipon dahil natuon ang buong atensyon ng lahat kay Tipaklong. Pero napatingin lang sa kawalan ang huli, at matapos maghimas ng baba ay umakbay kila Langaw at nagsabing, "Sikreto na namin yon!"

"Tama!" ani Langaw. "Sikreto lang naming tatlo 'yon!"

"Tama!" sabat ng isa pang langaw. "Pero ano nga bang sikreto natin, Tipaklong? Sabihin mo na sa amin para masaya!"

"Hindi pwede," sagot ni Tipaklong. "Sikreto pa ba 'yon kung tatlo na ang nakakaalam?"

"Oo nga!" ani Langaw. "Ang galing talaga ni Tipaklong!"

Napailing na lang ng ulo si Langgam, at hinarap si Tong. Matapos itanong ang pakay ng Talangka, itinuro nito ang direksyon patungong gitnang kakahuyan kung saan nananahan sina Manok at Pagong.

Mataas ang araw at mayabang na namumudmod ng nakakasunog na init kaya nag-unahan na sa paglalakad ang mga paa ni Tong. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ay bigla rin s'yang napatigil sa gilid ng malaking pulang bato sa tabi ng dagat.

Tinitigan n'ya ang kakaibang bato nang may halong pagkamangha. Hindi nakuntento, inikot n'ya ang paligid nito upang higit pang makilatis. Pinakinggan, inamoy-amoy, pinisil-pisil, pinindot-pindot, at hinimas-himas. Nang mapansing wala naman palang kakaiba sa nasabing bato ay lumingon si Tong sa kaliwa...at sa kanan...bago pasimpleng umihi sa gilid nito habang sumisipol. Laking gulat n'ya na lamang sa mga sandaling yon nang magsalita ang malaking bato.

"SYIIIT!!!" napalundag si Tong sa sobrang takot. "LOBSTER...'KAW BA YAN?!?"

"Sino akala mo?" sagot ng kausap na sitting pretty sa batuhan. "At hindi ako si 'lobster', ako si Ulang! Kelan ka pa naging inglisero...hellooo? ...Duh??? Saan mo nakuha 'yang pa-'syit'-'syit'mo e dati 'nanaykupu' lang ang sigaw mo pagnagugulat ka?"

Pero hindi s'ya sinagot ng mapanghing talangka na abalang-abala sa pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan—Naks, dalampasigan!
Anlalim ng Tagalog.

"Ano bang ginagawa mo sa gilid ng bato ko?" muling nagtanong si Ulang upang hindi s'ya masapawan ng narrator.

Sumagot si Tong habang naghahanap ng masisilungan. "Ikaw, anong ginagawa mo sa ibabaw ng bato sa ilalim ng nagliliyab na araw?"

"Wala." sagot ni Ulang.

"Wala ka bang ibang pinaghabaabalahan?"

"Meron."

"Ano?"

"Ito ang pinagbabaabalahan bo. Gumagawa ako ng wala."

"Wala kang ginagawa?"

"Hindi. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

Lalong napakunot ng noo si Tong. "Anong pinagkaiba noon?"

Itinuro ni Ulang ang malawak na kapaligiran. "'Yan ang wala. 'Yan ang ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala."

"Paano yun?" tanong ng nalalabuang talangka. "Paano mo malalaman kung tapos mo nang gawin ang wala?"

"Kapag gumawa na 'ko ng meron."

"Pero hindi mo naman nakikita ang ginagawa mo, di ba?" patuloy pa rin sa paghahanap ng masisilungan si Tong.

"Dahil nga ang ginagawa ko sa ngayon ay wala. Sa katunayan, lahat 'yang pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpaguran ko."

Tinignan ni Tong ang kawalan. "Andami mo na palang nagawa!"

"Totoo 'yan," sagot ng kausap. "Pero sandali, hindi mo pa rin sinasagot ang katanungan ko. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Ulang na animo'y manhid sa init ng araw.

"Hinahanap ko sina Manok at Pagong," sagot ni Tong.

"Bakit?" tanong ni Ulang.

"Ibibigay ko kasi sa kanila itong mga itlog na dala ko," sagot ni Tong.

"Bakit?" tanong ni Ulang.

"Para masabi nila sa akin kung saan sa gubat makukuha ang puso ng saging," sagot ni Tong.

"Bakit?" tanong ni Ulang.

"Para ibigay sa ama kong hari," sagot ni Tong.

"Bakit?" alam mo na kung sino'ng nagtanong.

"Dahil may sabit ang ama ko at kailangan n'ya ang puso ng saging upang gumaling!" alam mo na kung sino'ng sumagot.

Isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras.

"Ahhh!" naliwanagan din si Ulang, sa wakas. "Mahirap 'yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari."

"Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala," marahang paliwanag ni Tong.

"Hindi ka ba napapagod gumawa ng meron?" tanong ni Ulang.

"Hindi ka ba napapagod gumawa ng wala?" tanong ni Tong.

"Napapagod," sagot ni Ulang. "Wala na nga akong pahinga eh!"

"Ba't ginagawa mo pa rin?"

"Dahil ito ang tungkulin ko dito."

"Tungkulin?" pagtataka ni Tong. "Kanino? Sino'ng nagbigay sa'yo ng tungkulin na 'yan?"

"Ang mga hayop sa gubat."

"Huh? Anong nakukuha nila sa wala?"

"Hindi ko alam, pero binabayaran nila ako ng mga pilak para gumawa ng wala. Kung gusto mo, kahit dalawang pilak lang ang kapalit ay igagawa kita ng sarili mong wala."

"Huh? Salamat na lang, pero wala akong pilak, at hindi ko rin yata kakailanganin sa ngayon ang wala."

"Sige, bahala ka."

Hindi na natiis ni Tong ang sikat ng araw. Sandali s'yang naglublob sa tubig upang malamigan. "Masyado nang mainit ang araw,
Ulang. Hindi ka pa ba babalik sa dagat?"

"Ang pagbalik sa dagat ay paggawa ng meron Hindi abo gumagawa ng ganoon."

"Pero masusunog ka sa init ng araw. Paano ka ba napunta d'yan ngayon sa pwesto mo?"

"Hindi ko nga alam e. Tinangay yata ako ng malakas na alon kagabi."

"Huh?! Kelan mo balak bumalik sa tubig?"

"Babalik din ako. Hinihintay ko lang ulit ang alon."

"Pero paano kung hindi dumating ang alon?"

SWOOOOOOSH.

Halos hindi pa tapos magsalita si Tong ay inanod na ng alon si Ulang pabalik sa karagatan. Nakahinga rin nang maluwag ang talangka at nagpatuloy na sa paglalakad patungong timog. Mga bandang GMA 7.

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok!" Malayo pa si Tong, dinig n'ya na ang putak ni Manok. Kaya nabuhayan s'ya ng loob at lalong binilisan ang paglalakad. Di naglaon ay natunton n'ya rin ang pugad ng inahin.

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok!"

"Manok, manok—"

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok!"

"Manok, may dala ako—"

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok!"

"May dala ako para sa'yo—"

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok!"

"MANOOOOOOOK!!!"

"NARIRINIG KITA, WAG KANG SUMIGAAAW!"

"E kasi...ba't ka ba putak nang putak?" tanong ni Tong.

"Nangingitlog ako."

"Pasensya ka na, hindi ko alam."

"Ngayon alam mo na...hmp!" ismid ni Manok. "Kaya nga 'ko pumuputak, para malaman ng lahat na nangingitlog ako!"

"Ganon ba?" napakamot si Tong sa ulo n'yang kalbo. "Ilan na itlog mo?"

"Booook! Bok-bok-bok...bokokok! Marami."

"Ilan nga?"

May pagmamalaking tumayo si Manok para ipakita sa talangka ang dalawang itlog sa pugad nito. "Limang piso isa. Bibili ka ba?"

"Hindi, ibibigay ko kasi sa'yo ang isa mo pang itlog," inilabas ni Tong ang pasalubong. "Kinuha ba 'to sa'yo ni Palaka?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Manok. Nanginig ang tuka n'ya at nangilid ang luha sa mata n'yang walang kakurap-kurap habang
nakatingin sa itlog.

"Tanggapin mo!" masayang paanyaya ni Tong. Iniabot n'ya ang itlog bay Manok, na buong pagmamahal namang niyakap ng maluha-luhang inahin.

"Matanong ko lang," patuloy ni Tong. "E si Pagong, saan ko naman kaya makikita para maiabot 'tong itlog n'ya?"

"Hayan...sa...likod...mo..." pasinghot-singhot na sagot ni Manok.

Nagulat si Tong paglingon kay Pagong na nasa likuran n'ya lang pala at tila napakatahimik sa pinagkakaabalahan nito.

"Pagong?" Kinawayan n'ya ito sa harap ng mukha. "Yohooo?"

Hindi kumikibo si Pagong. Naghintay si Tong ng ilan pang sandali. Di nagtagal ay nakapagsalita na rin si Pagong.

"AnoBaProblemaMoBatKawayKaNangKawayKanina?" tanong ni Pagong sa talangka na halos hindi makasunod sa bilis ng pagsasalita n'ya.

"Huh?"

"AnoKakoProblemaMoKaninaKaPaKawayNangKawayDyan?"

"Ah, e...ibabalik ko lang sana ang itlog mong ninakaw ni Palaka." Iniabot ni Tong ang itlog kay Pagong, pero hindi ito tinanggap ng huli.

"SalamatPeroSanaHindiMoPinagpalitAngltlogNaminNiManok."

Nagulat at napahiya, paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Tong at kaagad na itinama ang mali. Iniangat naman ni Pagong ang pwetan para maisama ang bagong itlog sa iba na kasalukuyan niya pang iniluluwal.

"Syit, andami mo naman pala e! napahanga si Tong sa nasilayang di-na-mabilang na itiog ni Pagong. "Pahingi...souvenir!"

"WagKangMagulo," pinalo ni Pagong ang sipit ni Tong. "GinagawaKoYangLecheFlan!HumilingKaNaLangNglba."

"Naku, oo nga pala!" Biglang naalala ni Tong na ang papel n'ya sa kwento ay hanapin ang puso ng saging na makakapagpagaling sa kanyang ama na sa mga sandaling 'yon ay maaaring nakaburol na dahil sa tagal n'ya.

"Alam n'yo po ba kung saan ko matatagpuan si Aso? Kailangan ko s'ya upang makakakuha ng puso ng saging ngayon din!"

Napanganga at nagkatinginan sina Pagong at Manok dahil sa sinabi ni Tong. "SinabiMoBangPusoNgSaging?"

"Opo, bakit?"

Hindi na sinagot ni Pagong ang talangka. Hinila n'ya na ito kaagad patungong kanluran upang umpisahan ang mahabang paglalabbay tungo sa kinaroroonan ni Aso. "ManokIkawNaMunaAngBahalaDito."

Dito...

Dito..

Dito.

Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang habilin ni Pagong. Halu-halong emosyon naman ang naramdaman ni Tong. May tuwa dahil sa
palapit na s'ya nang palapit sa kinaroroonan ng puso ng saging. May takot dahil sa mahabang paglalakbay na maaaring puno ng panganib. At may lumbay dahil sa mga oras na 'yon ay wala nang signal ang kanyang Nokia 3210.

Di na mabilang ang mga araw na lumipas. Di na namalayan ni Tong man o ni Pagong ang mga panahong nagdaan. Tila wala nang
katapusan ang kanilang nakakainip na paglalakbay. Ganon pa man ay buo pa rin ang loob ni Tong, at tiwala sa kasamang Pagong na matutunton din nila ang kanilang destinasyon balang araw. Ngunit tila basong nabasag ang puso n'ya nang bigla na lamang sumuko si Pagong at tumigil sa paglalakad.

"Pagong!" ani Tong. "Hindi ka maaaring sumuko. Kailangan natin ang puso ng saging!"

Ngunit tinignan lang s'ya nang hapung-hapo na si Pagong. Di man lang ito nakapagsalita.

"PAGONG!!!" nag-alala na si Tong. "TIBAYAN MO ANG IYONG LOOB. KAYA NATIN TO!!!"

Noon ding mga sandaling 'yon ay huminga nang malalim si Pagong at isinara ang mga mata.

"PAGOOOOOONG!!!" sigaw ni Tong. "WAG MO KONG IIWAAAAAN!!!!!"

Napilitang magsalita si Pagong. "WagKangMaguloAnditoNaTayoNagpapahingaLangAkoAyanSiAsoSaTabiNgPuno."

"Ikaw naman kasi, Pagong, ambagal-bagal mo maglakad! Sumama ka pa e malapit lang naman, dapat sinigawan mo na lang si Aso. Natagalan pa tuloy kayo." sumbat ni Manob mula sa pugad nito na may isang metro lang ang layo sa kanila.

Susuka. Kakainin ang suka. Ito ang ugali ni Aso. At sa pagitan ng mga pagsuka at pagkain ni Aso ng sariling suka ay nailahad naman ni Tong ang kanyang kwento...kahit papano. Hindi ko nga alam kung paano n'ya nasikmura ang kausap.

"Kung ganon," wika ni Aso, "Totoong kailangan mo nga ang puso ng saging. Sa wakas ay makukuha na rin namin ito."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Tong.

"Dati pa kasi pinag-aagawan ng mga hayop sa gubat ang puso ng saging," paliwanag ni Aso. "Pero walang sinuman ang makakuha nito."

"Bakit?" tanong ni Tong na mas lalong nalito.

"Dahil ang kapalit ng puso ng saging ay kamatayan ng lahat ng hayop sa gubat. Sa sandaling mahiwalay sa puno ang bunga, guguho ang buong gubat at 'yon na ang magiging katapusan naming lahat."

"Sandali, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!" awat ng Talangka. "Kung guguho nga ang gubat, ba't pinag-aagawan n'yo pa ang puso ng saging?"

"E...ewan ko," ani Aso habang isinusuka ang isang burger steak.

"Anong 'ewan' mo?"

Kinain ulit ni Aso ang suka. "A eh, ang ibig kong sabihin ay...pinag-aagawan ng mga hayop ang puso ng saging dahil sa ang sinumang makapitas nito ay maaaring humiling ng kahit na ano at ang kahilingang iyon ay matutupad."

"Pero ako ang unang nangailangan ng puso ng saging!" giit ni Tong na tila handang makipagagawan.

"Kaya nga magkakatulungan tayo," pagliliwanag ni Aso. "Ang prutas ay para lamang sa may sakit. Kapag pinitas ito at hindi ipinanggamot, mamamatay ang mga hayop sa gubat dahil sa sobra-sobrang lakas na taglay nito."

"Ano ngayon ang gusto mong mangyari?" tanong ni Tong.

"Ganito," alok ni Aso, habang unti-unting sumusuka. "Ako ang pipitas sa puso ng saging. Maiuuwi mo ang prutas para sa iyong ama, at mapapasaakin naman ang taglay nitong kapangyarihan para maisakatuparan ang kahilingan ko. Ayos ba?"

"HINDI!" sigaw ni Kuneho na kanina pa pala nakikinig sa usapan. "Bakit ibaw ang pipitas ng puso ng saging, di ba sabi mo dati ipapaubaya mo 'yon sa mga hayop dito sa gubat na mas karapat-dapat?"

"Dati 'yon...nung wala pa itong talangkang-ligaw!" sagot ni Aso habang kinakain ang sariling suka.

"Hindi, hindi uubra sa akin ang ganyan! Ako ang hari dito sa gubat kaya ako ang magpapasya kung sino ang susungkit sa puso ng saging!" pagmamatigas ni Kuneho.

"SandaliKelanKaPaNagingHariDito?" hirit ni Pagong. "AtSinoNamanKayaAngNapagpasyahanMongKarapatdapatSaTungkulin?"

"Ako!" sagot ni Kuneho.

"Sandali! Sandali!" awat ni Tong. "Tumatakbo ang oras, kailangan na ng ama kong hari ang puso ng saging. Hindi importante sa akin kung sino—"

"IrnportanteSaAkin!" sabat ni Pagong na may halong pamemersonal kay Kuneho.

"Pero hindi ba pwedeng ako na lang ang kumuha para hindi na sila mag-away-away?" tanong ni Tong kay Aso.

"Magandang ideya yan," ani Kuneho. "Pero ang kapal mo naman! Mapapagaling na nga ang tatay mo, kukunin mo pa 'yung libreng
kahilingan. Saka yari ka rin dahil maraming nakabantay sa bunga, hindi ka uubra. May tigre, may ahas, may pating, may dinosaur, may holdaper, may aswang, may SARS...ngyay, nakakatakot! Kung ako sa'yo hindi ako pupunta doon mag-isa!"

Suko at wala nang masabi, napatingin na lamang si Tong nang malungbot kay Aso.

"Sandali, ba't hindi na lang natin ito daanin sa maayos na paraan?" mungkahi ni Aso. "Pamiliin natin ang mga liayop kung sino ang gusto nilang sumarna kay talangkang-ligaw para pumitas ng puso ng saging. Hindi ba mas maayos 'yon?"

"Tama, sa ganyan lang natin malalaman kung sino talaga ang karapat-dapat maging hari dito!"

Napatingin ang lahat sa bagong dating na si Tipaklong. "IPAGBUNYI ANG KARAPATAN NG URING MALILIIT!!!"

"IPAGBUNYIIIIII!!!!" sigaw ng di-mabilang na langaw na sumusuporta kay Tipaklong.

"Kung sasali si Tipaklong, sasali rin ako. Hindi namin matatanggap na isang tulad n'ya ang kakatawan para sa aming sektor!" sabat naman ni Langgam na kararating lang din kasama ang iba pang insekto.

Inumpisahan ang botohan. Tinanong ni Pagong kung sino ang mga pabor sa kanya bilang hari. Mabilis namang nagtaasan ng kamay ang lahat ng hayop. "Si Pagong ang gusto naming pagsilbihan!" wika nila.

Sumunod si Langgam na nanghingi ng boto. Taas rin lahat ang kamay ng mga insekto. At dahil sa pinaboran si Langgam ng mga nilalang na may anim o higit pang kamay, natalo n'ya si Pagong.

Si Tipaklong naman ang nanligaw sa madla. Landslide! Nagdilim ang kalangitan sa dami ng langaw na dumalo sa pagtitipon upang
suportahan ang patalon-talon na kandidato.

"Bwehehe!" pagmamalaki ng mga langaw. "Si Tipaklong namin ang nanalo!"

Sa pagkakataong 'yon ay naghagis si Kuneho ng isang malaking tipak ng tae sa kanyang harapan at nagsabing: "Downpayment pa lang yan sa mga boboto sa akin!" Gaya ng inaasahan, dagsang lumipat ang mga langaw sa kanyang kampo sa isang kisapmata.

"Ang sarap, meron pang almonds!" sabi ng isang langaw. Kaagad namang idiniklara ni Kuneho ang sarili bilang totoong hari.

"Sandali, hindi pa tapos ang laban. Kasali rin ako!" hirit ni Aso. Pero mabilis din s'yang nanahimik at nakuntento sa isang tabi nang biyayaan s'ya ni Kuneho ng sarili nitong suka.

Mangiyak-ngiyak naman sa tuwa na nagpalakpakan ang mga langaw sa pagiging mapagkamakaloob ni Kuneho. "S'ya lang talaga
ang nagmamalasakit sa lahat!" bulong pa ng isang langaw sa kapwa nito.

Ngunit tulad ng nakagawian, hindi tinanggap ng mga kalaban ang pagkapanalo ni Kuneho. Nagreklamo si Langgam at iginiit na walang kwenta ang boto ng mga langaw dahil wala naman sa mga ito ang marunong mag-isip. "Peste lang ang mga yan!" aniya, kasabay ng pagdedeklara ng sarili bilang totoong panalo.

Hindi nagpatalo, iginiit naman ni Pagong na mas importante ang boto ng mga hayop

kurnpara sa mga insekto. "InsektoLangAngMgaYan!" aniya, kasabay ng pagdedeklara ng sarili bilang totoong panalo.

Sa mga sandaling 'yon ay tinutubuan na si Tong ng mga puting buhok sa kilikili dahil sa tagal ng proseso, ngunit wala s'yang magawa kundi maghintay. At dahil sa walang nangyayari at walang napapagkasunduan ang mga nagtatalo-talong "hari", ipinagpasya ni Aso na daanin na lang ng apat sa paligsahan ang labanan.

"Takbuhan na lang!" ani Kuneho.

"SigeTakbuhanSaIlalimNgDagat!" parnbabara ni Pagong.

"E kung taguan-pung na lang kaya sa damuhan?" mungkahi ni Tipaklong.

"Hindi, buti pa gawin natin itong 5-event competition," sabi ni Langgam. "Laban tayo ng sky diving, quiz bee, pagalingan sa videoke, Ragnarok, at saka pabilisan kumain ng hissing cockroach, atay ng baboy, itlog ng ostrich, at dugo ng kambing!" Syernpre nag-walk out sa audience ang mga ipis, baboy, ostrich, at kambing. May balita pang naringgan daw si Baboy na nagsabing: "How gross!"

Ganon pa man ay pumayag ang mga kalahok at natuloy ang labanan, bukod kay Tipaklong na nag-backout dahil sa kanyang relihiyon.

Natapos ang perya. Nanalo si Langgam sa lahat ng event. Yun nga lang, inabot s'ya ng malas sa bandang huli.

AAAAAAAHHHH!

Isang malakas na sigaw ang narinig ng lahat. Natagpuan na lamang patay si Langgam—may nakatapak! Kung aksidente o foul play, walang nakakaalam. Balik sa kaguluhan ang gubat. Nagkaroon lang ulit ng sandaling katahimikan nang magsalita si Aso. "Sandali, may naaamoy ako...may umutot ba sa inyo?"

"Huh? Pwede ba!" pumutak naman agad si Manok na sa mga sandaling 'yon ay katatapos lang umutot.

Biglang kinabahan si Aso. "Seryoso ako. Hindi ko gusto ang naaamoy ko!" Sinundan nito ang pinanggagalingan ng amoy at natunton si Pagong. Nasuka ito sa amoy ng kaharap pero kinain din kaagad ang suka. Di nakuntento, hinabol pa ni Aso ang mas malakas na pinanggagalingan ng amoy hanggang sa matumbok ang kinatatayuan ni Tong.

"Talangbang-ligaw, may kinain ka ba kanina?" tanong ni Aso. "Meron ba kayong natapakan ni Pagong kanina o nahawakan kaya?"

Pilit namang nag-isip ang dalawa kasabay ng iba pang hayop na nag-aamuyan na rin upang matukoy ang nagbabadyang panganib na kinatatakutan ng maalam na Aso. Maya-maya pa ay narinig nila ang dagundong ng naghihintay na kamatayan.

GROOOOOWWWWRRRR!!!!!

"SI LEON!" isang loro ang sumigaw. "NASUNDAN TAYO!!!"

Kasunod noon ang malalabas na sigawan mula sa iba't-ibang direksyon. Kumaripas ng takbo ang mga hayop papunta sa kung saan-
saan. Walang natira sa lugar ng pagtitipon kundi ang mga nagliparang tuyong dahon, balahibo ng iba't-ibang ibon, usok ng alikabok, at paraphernalia ng mga ipinagbabawal na gamot.

Hingal na hingal nang magkita-kita sina Pagong, Kuneho, Aso, at Tong sa ilalim ng mahiwagang puno kung saan umano mapipitas
ang puso ng saging.

"NasundanTayoNilaLeonDahilSaDalaMongMgaItlogTalangka!" paninisi ni Pagong. "LawayYataNiDagaYungNaamoyNiAsoKaninaNalawayanNaNiDagaAngMgaltlogNaDalaMoKayaNilaTayoNatunton!"

"A-Ano?" ang tanging nasabi ng pahamak na talangka.

"Ginamit ka nila Leon para matunton ang pinagtataguan ng mga hayop sa gubat," paliwanag ni Kuneho. "Dapat binanggit mo sa
amin na nakita mo sila para nakapaghanda tayo at nakalikas ang lahat nang mas maaga."

Nagsalita na rin si Aso. "Sina Leon ang dahilan kaya nagkukubli sa iisang parte ng gubat ang iba't-ibang hayop."

Napayuko na lamang si Tong bilang pag-amin sa kasalanan at paghingi ng tawad.

"Pero bayaan mo na yan," patuloy ni Aso na pasimpleng kumabain na naman ng sariling suka habang umaastang kagalang-galang. "Ang importante sa ngayon ay makuha natin kaagad ang puso ng saging na nasa tuktok nito." Sabay-sabay na nilingon ng lahat ang dulo ng katabing puno.

"Pero sino sa ating apat ang makakaakyat d'yan?" pag-aalinlangan ni Tong. Natigilan ang lahat at nawalan ng loob nang mapagnilayan ang narinig. Muli na namang nanahimik ang buong paligid dahii sa panibagong mukha ng kabiguan.

"Tama, wala ni isa man sa atin ang may kakayahang umakyat d'yan," sabi ni Aso makalipas ang ilang sandali ng pag-iisip. "Pero
kung magtutulong-tulong tayo, lahat ay kaya nating lampasan!"

"Sabihin mo lang, Aso, handa 'kong gawin ang lahat," wika ni Tong. Maayos namang ipinaliwanag ni Aso sa mga kasama ang detalyadong plano. At matapos sagutin ang ilang katanungan, pumwesto na ito sa paanan ng puno.

"Ako na ang sa ilalim," alok ni Aso. "Hindi na importante sinuman ang pumitas sa prutas at kanino man mapunta ang kahilingan."

Ngunit mabilis namang lumusot si Tong sa ilalim ni Aso. "Ipaubaya n'yo na sa akin ito. Mapagaling lang ang aking ama, masaya na 'ko!"

Di nagpatalo sa pagmamagandang loob, sumingit si Pagong sa ilalim nina Tong at Aso. "YamanDinLamangAtHindiAboAngNapiliBilangHariNgGubatHayaanNyoNangMakapagsilbiAkoSaMgaHayopKahitManLangSaPagkakataongIto."

Hindi na nakapagsalita si Kuneho sa tuwa dahil sa pagbabagong-loob ng mga taga-gubat. Kaya diretso na lang itong lumusot sa pinakailalim na puwesto upang matuntungan ni Pagong na tinutuntungan ni Tong na tinutuntungan ni Aso na s'yang pipitas ng puso ng saging.

"Nakikita mo na ba ang puso ng saging, Aso?" tanong ni Tong.

"Oo, nakikita ko na!"

"AbotMoNaBaAngltaasNgPuno.Aso?" tanong ni Pagong.

"Oo, abot ko na!"

"Pipitasin mo na ba ang prutas, Aso?" tanong ni Kuneho.

"Oo, pipitasin ko na!"

"Sandali! Sandali!" awat ni Kuneho. "Baba nand'yan si Leon sa itaas ng puno, ako na lang ang pipitas ng prutas, Aso!" Umakyat si Kuneho at tinuntungan si Aso.

"PipitasinMoNaBaAngPrutas,Kuneho?" tanong ni Pagong.

"Oo, pipitasin bo na!"

"Sandali!Sandali!" awat ni Pagong. "BabaNandyanSiBuwayaSaItaasNgPunoAkoNaLangAngPipitasNgPrutas,Kuneho!" Umakyat si Pagong at
tinuntungan si Kuneho.

"Pipitasin mo na ba ang prutas, Pagong?" tanong ni Tong.

"OoPipitasinKoNa!"

"Sandali! Sandali!" awat ni Tong. "Baba nand'yan si Saddam Hussein sa itaas ng puno, abo na lang ang pipitas ng prutas, Pagong!" Umakyat si Tong at tinuntungan si Pagong. Pero umakyat na rin si Aso para tuntungan ulit si Tong...na sinundan naman ni Kuneho...na sinundan naman ni Pagong...na sinundan naman ni Saddam...na sinundan na naman ni Tong... na sinundan nang pagbagsak nilang lahat!

BLAGAAAAAAAAGH!!!!

"Araaay!" ungol ni Aso na nagalusan ang nguso. Kanya-banya na ring hilot at pagpag ng katawan ang iba pang hayop.

"Nahihilo ako," reklamo naman ni Kuneho. "Nahihilo talaga ako...dalawa na ang tingin ko sa talangka!"

"Katang???" tanong ni Tong sa sarili habang inaaninag ang bisitang papalapit. "Si Katang nga!" Patakbo n'yang sinalubong ang bisita, niyakap, at ipinakilala sa mga kasama. "S'ya si Katang! Hindi ka nahihilo, Kuneho...kapatid ko s'ya!" Ngiting-ngiti si Tong habang takot na takot at nanlalabi naman ang mga mata ng mga kasama nito. "Huwag kayong matakot," ani Tong. "Mabait ang kapatid ko!"

Hindi maintindihan ni Tong ang panginginig ng mga kasamang ngayon ay may pilit nang itinuturo sa likuran n'ya. "Huh? Ano? Bakit?" Hinalikan ni Katang si Tong sa pisngi. "Eto na s'ya. Akin na ang tatlumpung piraso ng pilak na napagkasunduan natin."

"Huh?" Pinagmasdan lang ni Tong ang kapatid, litung-lito sa ikinikilos nito.

"Magaling," sagot bay Katang ng kilalang tinig, na mula sa mga damuhan ay dahan-dahang lumabas at nagpakita. Si Leon. Kasama sina Daga, Maya, at Buwaya, na noon ay may mga ngiting abot-tenga.

"Hahahaha! BWAHAHAHA!!!" sabi ni Katang kay Tong bilang opening remarks. "Akala mo ba magtatagumpay na naman ang plano mo,
kapatid? Akala mo ba ikaw na naman ang pogi sa tingin ng mga magulang natin? Akala mo kayo talaga ang magkakatuluyan ni—"

'ANO ANG GtNAWAMO SANOBYA KO?!!!" nanlilisik sa galit ang mga mata ni Tong.

"Wala ka nang pag-asa!" sagot ni Katang. "Binuntis ko na si Dalagang Bukid! Bwahahaha!!!"

Di na nabapagpigil si Tong. Sisipitin n'ya na dapat si Katang kung di lang s'ya napigilan ng kanyang mga kasama.

"Oras na para pagbayaran mo ang lahat!" patuloy ni Katang.

"Ano bang kasalanan mo sa kanya, talangkang-ligaw?" tanong ni Aso bay Tong.

"Oo nga, talangkang-ligaw," pangungutya ni Katang, "Ba't hindi mo kaya sabihin ngayon sa lahat ang kasalanan mo sa akin para malaman nila kung anong klase kang kapatid? O gusto mo bang ako na lang ang magkwento KUNG PAANO MO AKO PINATAIHAN SA IBONG
ADARNA DAHIL SABI MO MAGANDA 'YON SA MAY HIKA?!?!!!"

"Bakit, biro lang naman 'yun ah?!" depensa ni Tong. "Saka magso-sorry naman ako e!"

"PERO PALALABASIN MO PA RING IKAW LANG ANG NAKAPAGPAGALING KAY AMA! NI HINDI NGA NILA ALAM NA NAKIPAGSUNTUKAN PA AKO SA ISANG TRICERATOPS PARA LANG MAILIGTAS ANG BUHAY MO...syit ka!"

SHHHUUUKUHG.

Isang kawayan ang mabilisang itinuhog ni Leon kay Katang pabaon sa lupa. "Andami mong satsat. Tanghali na, marami pa 'kong
gagawin!" Matapos hawiin ang bangs na tumatakip sa mga mata, ibinaba na ni Leon ang utos sa mga kasama. "It's showtime!"

Nag-umpisa ang massacre ng mga hayop na mas karumaldumal at mas kagimbal-gimbal pa sa mga pelikula ni Carlo J. Caparas noong
dekada 90. Buti na lamang at kahit papano'y nakuha pala ni Kuneho ang puso ng saging. Agad n'ya itong inilabas para hilingin ang kaligtasan ng mga hayop at katahimikan sa gubat. Ngunit bago n'ya pa man ito magawa ay

inagaw na ito sa kanya ni Aso. "'Wag kang masyadong makasarili, Kuneho," ani Aso, sabay pikit habang humihiling: "Sana po ay magkaroon ako ng maraming-maraming-maraming suka!"

"aNONGkLASEbANGhILINGyAN,aSO?" sigaw naman ni Pagong habang nakikipagbuno sa mga kasamang hayop. Nang maagaw ang prutas ay mabilisan na rin itong humiling. "SanaSana.........AAAAAAAAHHH!!!!!"

Noon lamang napansin ng tatlong hayop na mga kulay puti na sila at nasa tiyan na pala ni Buwaya ang kanilang mga katawang lupa.

[Cue: Unchained Melody]

"DVD, boss."

Apat-apat ang paningin ni Tong nang magising s'ya sa tabing-dagat kung saan s'ya inabot nang pagod matapos ang mabilis at mahabang pagtakbo upang takasan sina Leon.

"VCD, boss," ulit ng tinig. "Tatlo-isang daan lang."

Pilit minumukhaan ni Tong ang kausap sa kabila ng nakakasilaw na araw. Ngunit hindi n'ya ito makilala dahil sa hilong gawa ng pagod at gutom.

"Triple X, boss, malinaw, DVD copy!" pabulong na pamimilit ng tinig.

"Hin...di...ko kai...Iangan yan..." pinilit ni Tong magsalita. "Nasaan...ako?"

"Hindi ka naman pala bibili, eh!" sagot ng kausap, sabay alis.

Naiwang mag-isa si Tong sa dalampasigan, nakabilad sa matinding init ng araw, nanghihina at bugbog sa pagod ang katawan.. .ilang beses ko na bang nasabi 'yon?

"Ulang!" biglang nabuhayan ng loob si Tong nang makatanaw ng kakilala sa di-kalayuan.

"Ikaw nga!!!" sigaw n'ya habang pasuray-suray na tinatakbo ang kinaroroonan ni Ulang.

"Ulang, anumang oras ay matutunton ni Leon anq lugar na 'to. Kailangan nating — Ulang? Ulang???" napansin ni Tong na hindi kumikibo ang kausap. "Ulang? Ulang...."

Napayuko na lamang s'ya nang maunawaang napuruhan si Ulang ng nagbabagang araw at hindi na nailigtas ng alon sa pagkakataong iyon.

[Cue: Unchained Melody, Air Supply version]

Ilang minuto ring nagluksa si Tong dahil sa pagpanaw ni Ulang. Kasabay noon, pinagnilayan n'ya na rin ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Ang masayang alaala nila ni Dalagang Bukid; ang mapait na pangmomolestiya sa kanya ng tiyuhing swordfish; at ang masarap na pangmomolestiya n'ya sa pamangking dikya. Nagtika s'ya at nagsisi sa lahat ng kanyang mga pagkakamali at kahinaan. Ngunit sa kalagitnaan ng taimtim n'yang pagbabasa ng "A Purpose Driven Life" ay may naghagis sa kanya ng balat
ng saging.

"@^$%, SINO YON?" sigaw ni Tong habang tinatanaw ang kapaligiran. Kasunod noon ang katakut-takot n'yang mura na hindi na maaaring isulat sa libro.

"Naghahanap ka ba ng saging?" malumanay na tugon ng tinig na nagmumula sa itaas ng isang puno. Si Matsing.

"SAGING??? Penge naman, Matsing," biglang nagbaba ng boses si Tong. "Para ka namang hindi inaanak sa kumpil ng nanay ko..." Pero totoong hindi inaanak sa kumpil ng nanay n'ya si Matsing. "Penge naman, kahit puso lang ng saging para mailigtas—"

Sa isang lundagan ay tinangay ni Matsing si Tong upang makasama sa itaas ng puno kung saan sila nag-jamming. Doon ay masayang nagkapalitan ng talambuhay ang dalawa, kasama na ang nakakasawang kwento ni Tong tungkol sa pakay n'ya sa kagubatan.

"Puso pala ng saging ang kailangan mo, dapat puno ng saging ang hinanap mo," wika ni Matsing.

"E 'yun kasi ang sabi nila Aso e!" sagot ni Tong.

"Aso? Anong kinalaman ng aso sa saging? Pag saging, dapat ang tatakbuhan mo matsing! Masyado kang nagpapaniwala kung kani-kanino."

"Pero, nakabuha na si Pagong ng puso ng saging kanina..."

"Hahaha! Sigurado ka? Si Pagong pa! Nag-iisa lang ang puno ng saging dito sa gubat, bro!"

Napag-isip nang malalim si Tong. "Si Leon."

"Ano si Leon?"

"Si Leon ang nagsabing sina Aso ang makakatulong sa akin...niloko ako ni Leon!!!"

Pag-iling lang ng ulo ang naging tugon ni Matsing kay Tong.

"Ba't ka natatawa?" asiwang tanong ng talangka sa kausap.

"Galit ka kay Leon, pero gusto mong iligtas ang tatay mo!"

"Oo, babit...?"

"Manloloko rin ang tatay mo eh! Siya ang may gawa kay Leon!"

"DAHAN-DAHAN KA SA MGA SINASABI MO SA AMA KONG HARI!!!" bulyaw ni Tong nang may nakaambang mga sipit.

"Hari ng ano? Hari saan?" pangising tanong ni Matsing. "May nasasakupan ba s'ya? Sino dito ang nakakakilala sa kanya?"

Tinitigan ni Matsing si Tong sa mga mata at pabulong na nagtanong: "Alam mo ba kung ano ang totoong sakit ng tatay mo? Alam mo ba kung para saan talaga ang puso ng saging?"

Hindi kumibo si Tong.

Nagpatuloy si Matsing sa malakas na tinig: "WALANG PUSO ANG TATAY MO KAYA PUSO NG SAGING ANG GINAGAMIT NYANG KAPALIT!"

Sa pagkakataong 'yon ay hindi na pinalagpas ni Tong ang kalapastanganan sa kanyang ama. Patalon n'yang sinugod si Matsing, ngunit mabilis naman itong nakailag nang walang kahirap-hirap at nagpatuloy pa rin sa pagsasalita.

"Ang nararanasan ng tatay mo ngayon ay kabatiran na may paghihirap sa kapaligiran niya, at ang kaalamang ito ang tinatawag niyang karamdaman. Kaya kailangan niya ng pampamanhid. At 'yon ang silbi sa kanya ng puso ng saging—ang bukal ng walang hanggang pagbubulag-bulagan at kawalang-malasakit!"

Lalong namula si Tong dahil sa mga narinig, kaya minabuti n'yang gamitin na kay Matsing ang automatic pistol na natanggap n'ya noong nakaraang Pasko. Ngunit maging ang mga bala nito ay nailagan ni Matsing, kung kaya't inihagis na lamang ni Tong ang walang silbing sandata, kasunod ng pagkanta ng Silent Night bilang tanda ng pagsuko.

"Ano ngayon ang dapat kong gawin?" malumanay na tanong ni Tong.

"Sumali ka sa network ko ng multilevel marketing!" mungkahi ni Matsing.

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay ano ngayon ang gagawin ko sa aking ama?"

"Ah, hehe...heto ang puso ng saging, iyong-iyo na, ibigay mo sa tatay mo...kung masaya ka sa ganitong kalagayan ng gubat!"

Blangko ang mukha ni Tong.

"O bakit, hindi ka ba masaya dito sa gubat?" tanong ni Matsing. "E di ikaw na ang kumain ng puso ng saging kung gusto mo para wala ka na ring pakialam at wala nang problema!"

Malungkot na umiling si Tong. "Matsing, hindi ko masisikmura ang ganito. Kailangan kong kumilos tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan."

"TraPong-TraPo ang dating ng speech mo, bro. gusto ko 'yan...hehehe!"

"Kikilos ako. Kailangang matigil na ang masamang gawain nila Leon!"

"Hahaha! Masama sina Leon, at sina Pagong ay mabuti? Dahil ba sa pumapatay sina Leon, at sina Pagong ay hindi? Paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?"

"Kaya nga pupuksain ko ang tulad nila Leon."

"Pero ano ang gubat kung walang leon? Tandaan mong kahit saang gubat, may leon!"

"Hindi ba ahas?"

"Ahas, leon, manananggal, illegal vendor, tax evader, political clan—pare-parehas lang yan...lahat sila naghahari sa gubat!"

"Alam ko. Kaya nga babaguhin ko ang gubat. Gigisingin ko sa katotobanan ang mga hayop. Tuturuan ko sila sa wastong pamumuhay.
Bibigyan ko sila ng matinong edukasyon at magandang trabaho. Alam kong sa kaibuturan ng kanilang puso ay alam din nila ang tama sa rnali...."

"Delikado yan." Pumitas ng isang piling na saging si Matsing at nagpatuloy sa pagkain. "Hindi yata ako boto d'yan."

Tinitigan lang s'ya ni Tong.

Nagpatuloy si Matsing: "Bigyan mo sila ng isda, mabubusog mo sila nang pang-isang araw. Turuan mo sila mangisda, mabubusog mo sila nang panghabang-buhay at hindi ka na nila kakailanganin. Mawawala ang kamangmangan nila at hindi na sila magiging inutil. Wala ka nang kapangyarihan. Kaya bakit mo sila tuturuang mangisda?"

"Hindi ko kailangan ng kapangyarihan, Matsing!" sagot ni Tong. "Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon—anim, sampu, dalawampu.... Pero ang impluwensya, daangtaon."

"Babit, tatagal ka ba ng daangtaon? Baka bukas lang ma-dengue ka, tigok ka na!"

"Hindi kailangang lahat ng gagawin natin ay para lang sa atin, dapat ay isinasaalang-alang rin natin ang mga susunod pang henerasyon."

"Hmmm...gusto ko ang dila mo, batang talangka, pwede ka sa mga call center...pero sabihin mo nga sa akin kung ba't bigla mong naisipang gawin 'yang mga sinasabi mo?"

Malungbot ang mga mata ni Tong. "Dahil wala na 'kong ibang pagpipilian."

"At ang tatay mo?" mapandemonyong tanong ni Matsing na hindi apektado sa alin mang narinig.

"Ano ang tatay ko?"

"Hahayaan mo na lang ba s'ya sa kanyang karamdaman?"

Natigilan si Tong.

"Hindi mo na ba kailangan ang puso ng saging na s'yang dahilan ng pagpunta mo dito?"

Dahan-dahang napatalikod si Tong kay Matsing, hindi alam ang sasabihin.

"Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?" Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: "Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat???" Abot-tenga ang mapangasar na ngiti ni Matsing.

Nagmistulang bato si Tong, hindi makakibo sa mga sinalong tanong.

Muling inialok ni Matsing ang puso ng saging. "Tanda ng pagkakaibigan?"

Unti-unting napangiti si Tong. Tinanggap ang puso ng saging at agad na inupakan ng kagat. "Yahoong-yahoo!!!" wika n'ya.

Lumiwanag nang pagkaganda-ganda ang araw. Nagkaroon ng bahaghari sa kagubatan. Nagkantahan ang mga anghel sa langit at nagsayawan ang mga dance groups sa lupa tulad ng nakagawiang tradisyon sa pagtatapos ng mga pelikula noong 80s. At nabuhay ang liahat nang maligayang-maligaya...sa gubat!

Show more