2015-04-05

Hindi “basted” ang description na ibinigay ni Max Collins para sa kapwa Kapuso actor na si Pancho Magno kung bakit hindi nauwi sa pagiging magkasintahan ang kanilang relasyon.

Ayon sa dalaga, ayaw niyang maging unfair kay Pancho o kahit sa sinong manliligaw sa kanya and eventually ay magiging BF dahil hindi rin niya ito mabibigyan ng panahon. Sa ngayon kasi, sa career muna ang focus ng kanyang atensyon.

Ano nga ba ang characteristics na hinahanap niya sa isang manliligaw at sa magiging future boyfriend niya?

“Siyempre, gusto ko yung loyal. Dapat loyal siya, gentleman at respectful... Pero parang sa mga panahon ngayon, mahirap yatang humanap ng ganu’n, eh.  Parang ngayon kasi, walang masyadong respectable na lalaki... I mean, it’s really hard to find someone that will respect you.

“Well, tungkol kay Pancho, mabait siyang tao. Pinakita niya sa akin na mabait talaga siyang tao. Kaya lang siyempre, mas kailangan kong unahin ang career ko. Alam ko na kapag kami na, mahihirapan din ako kasi wala akong time masyado.

“Eh, di ba kapag may relationship kayo, uunahin mo yung partner mo. Eh, ano siyang tao, eh... He’s very simple, ang gusto niya sa buhay yung regular na relationship at hindi niya rin makukuha sa akin ang ganu’n, yung normal na relationship kasi hindi normal yung trabaho ko, kaya ‘yon,” paliwanag ni Max.

“Siyempre, yung hours, bilang artista ‘di ba, sa taping mahaba tapos parang palaging walang time lalo na kapag marami kang work. Like ako, may mga TV shows ako, kaya mahirap talaga,” dagdag pa ng dalaga na napapanood sa Bubble Gang, SAS at Kailan Ba Tama Ang Mali.

Ayon pa sa kuwento ni Max, tinanggap nang maluwag ng kanyang manliligaw ang pasya niya na hindi pa muna makipag-boyfriend. “Tanggap naman niya na hindi pa talaga panahon. At do’n ko talaga na-prove na mabait talaga siya,” sey pa niya.

Naikuwento rin ni Max na mas dumami ang mga lalaking fans niya simula nu’ng mag-pose siya sa FHM bilang cover girl. Pero wala pa raw naman siyang natatanggap na indecent proposals.

“Naku, wala namang indecent proposal. No, no, no!” natatawang reaksyon ni Max. “Pero maraming nagtanong sa akin kung bakit daw [nag-pose] kasi parang wala yun sa plano ko, sa image ko, pero naintindihan din nila. I mean, minsan dumarating din yung point na kailangan din ng change, so ito siguro ‘yon.

“Pansin ko din na mas dumami naman yung mga lalaki kong followers. Kasi dati, feeling ko, mas na-intimidate dati yung mga lalaki sa akin kasi mestiza ako, tapos Inglisera pa,” natatawa niyang pahayag.

Dahil sa FHM, pakiramdam ni Max ay mas nag-mature siya at mas naging confident sa sarili. Masaya rin daw siya na puro positive at hindi bastos ang comments sa kanya ng mga kalalakihan.

Show more