2013-05-06

(Medical Escort Part 2)

Dumating din ang pinakaabangan kong araw...ilang araw ko din itong ikina haggard ha sa dami ng kelangan ayusin na requirements...

Ito ang aking pag uwi ng Pilipinas after almost three months mula nun makabalik ako dito sa Dowha. Through my medical escort.

Uu. Work related itetch hihi. Saya lang di ba. Libre lahat ito. Sinagot ng hospital management ang expenses pati ang pocket money naming tatlo nun Nurse at Doctor na kasama ko.

April 27. 4:00 am. Dumating ako sa ICU kung saan andun naka admit ang vegetative state na patient namin na si Ate Cora. Status/Post cardiac arrest. Hypoxic brain injury. three months na siya sa hospital at chronic case na siya kaya naman napagdesisyunan nang iuwi siya ng Pinas. At kelangan ng medical team na sasama sa knya.

Sila ang EMS team na mababait na nagdala sa patient at sa team namin hanggang sa plane.

Pasakay ng ambulance. Maulan pa nun morning na yan.

Maayos na maayos ang sistema namin mula paglipat sa stretcher sa icu palabas ng ER kung saan nag hihintay ang ambulance team (EMS), na dinala kami sa airport, na ihinatid kami hanggang pagsakay ng plane gamit ang elevator. Pati mga crew ng airline super helpful. Smooth na smooth. Alas otso ang flight namin.

Nasa economy kami at anim na seats sa loob ng plane ang inokupa ng make shift na kama na ginawa ng airline for our patient. Nakapwesto kami sa tapat niya para madali kami makakalapit if may kelangan gawin sa patient. Naikabit namin ng maayos ang mga medical equipment (cardiac monitor/ ventilator/suction machine/oxygen/dextrose). Nag standby din si cute na cute na pinoy cabin crew ng portable oxygen para gamitin ko. Kinilig ako sa knya. As in super asikaso nya kami hihi.

sa wakas ay naipuwesto din namin ang Patient sa bed na ito. effort kung effort ito.

Lagi pa nya ko nireremind na malapit na maubos yun oxygen tank sa gilid. Ang lapit lapit lang ng face nya sa pagkakatungo sa akin hihi. Bango ng breath!

Hindi nakaligtas sa akin ang curious na tingin nun ibang pinoy passengers ng plane. Parang isang artista ang sakay namin na nakahiga kung usyusuhin nila. I can't blame them. Minsan lang magbyahe ng pasyente sa eroplano. At malamang now lang sila nakakita ng medical team na ganito kaganda. charot

Antok na antok na kami niyan. Halos 24hrs akong gising nun araw na ito jusme. Pero pinipilit ko idilat mata ko to monitor her

In fairness stable si Ate Cora the whole time na nasa plane kami. May konting desaturation lang pero thats it. Naka tatlong movies ako hihi. E jusme naman more than 9 hours ba naman ang byahe ketagal!

Nung sa wakas e lumapag na ang eroplano namin sa NAIA ay naghanda na ang lahat ng pasahero para lumabas. Nun makaalis sila ay saka palang kami kumilos para ihanda naman ang pasyente namin na ilabas ng plane. Hindi birong effort at pag aayos ang kelangan para ipasok at ilabas ng eroplano ang pasyente na gaya ni Ate Cora. Alam nyo naman kung gaano kakipot ang daanan sa pagitan ng mga upuan sa loob. Imaginin nyo na idaan dun ang stretcher na may karga na tao. Kalurkei. Idagdag pa diyan ang mga nakakabit naming gamit sa knya.

At dito na nag umpisa ang nakakahaggard naming mga sandali:

Pumasok ang inaakala kong ambulance na susundo at hahatid sa amin sa hospital sa Pasig na siyang mag aadmit sa patient namin. Yun anak kasi ni Ate Cora ang nag asikaso ng lahat sa pinas from the ambulance up to the hospital na pagdadalhan sa knya paglapag namin. So akala ko ok na ang lahat.

Agad kong hinanap ang in-charge sa ambulance at tinanung if may dala silang monitor and ventilator. Isang Pinoy doctor ang nagpakilala sa amin. Sumagot siya ng pabalang sa akin:

"ha? wala. Ni hindi nga namin alam na may darating na ganitong patient e!"

I kept my cool ayoko pumatol at pagod ako. Sa pag uusap namin ay napag alaman kong hindi daw pala makapasok ng NAIA ang ambulance na kinontrata ng relatives dahil di daw nag apply ng gate pass. ok payn. Huli na kaya wala na kami magagawa. Engot lang. So ito palang kaharap naming team ngayon ay team ng NAIA clinic.

Ibababa nila ang patient sa plane at saka ililipat sa nag hihintay naming ambulance sa gate since di nga pinapapasok.

Ipinaradyo ko sa ground crew ng airline na hanapin yun ambulance namin at pakitanong kung sila ay may dalang monitor at ventilator kasi ay kelangan na namin iwan ang aming mga makina sa plane para ibalik nila sa dowha. Nang sa gayon ay di na namin bitbit ang kebibigat na gamit na ito after maihatid sa hospital si ate cora.

Bumalik si ground crew: sir wala daw po. nasira daw po yun mga machines nila kaya walang dala.

Muntik na kong mapatambling sa nalaman! Welcome to the third world country. E samantalang may bilin kami thru the letters na ipinadala sa ambulance na kelangan ang lahat ng iyon pagdating namin ng pinas. haisssssssst.

Pero sige sabi ko sa mga kasama ko. We have no choice but to bring our own equipment. We cant travel without it. So gow na kami.

Ilang beses na kami nag medical escort sa europe (di ba nga at nakarating na me ng UK at ng Germany? hihihi yabang lang) kaya naman alam na namin ang sistema pano ilalabas ang stretch mula sa plane.

Kelangan ipatong sa troley ng cabin crew ang stretcher palabas sa pinto sa kabilang dulo. Sumagot na naman ang pinoy doctor ng pabastos ng:

"ha e pano pag nahulog yan dito? hindi yan safe! baka mamaya masisi pa kami pag may nangyaring masama diyan"

Nagpanting na naman tenga ko:

"doktor, ilang beses na po kami naghahatid ng pasyente at lagi po namin siya isinasakay diyan papasok at palabas ng eroplano" timping timpi pa din ako na may konting diin bawat salita ko. juskelerd.

Ang nakakaloka pa ipinagpipilitan ng bugok na doktor na ito na sa kabilang pinto ilabas ang stretcher kasi daw iyon ang mas malapit bakit daw papakahirap pa sila itulak sa mas malayong pinto e samantalang ito daw ay napakalapit.

Ilang beses ng sinabi sa kanya ng cabin crew na masikip nga dun. kaya no choice but to the far end idadaan talaga. Nakaka agas ng regla itong doktor na ito promise. Sa makatuwid wala naman siyang nagawa kundi sundin ang sistema namin. Natawa pa nga ko kasi anim na na scrubsuit na nurses ang nagtutulak ng stretcher. E di siksikan sila at di halos magkasya. Parang tanga talaga. Hiyang hiya naman ang dowha EMS team namin na tatlo lang nun pumasok kami ng plane 9 hrs ago haha.

Ito pang kasama kong indian Nurse at Iraqi doctor ay pasaway din. Sukat ba naman magdala ng ke lalaking maleta! jusme! apat na araw lang sa pinas e parang mag 30 days vacay kung makapagbaon ng gamit? ka stress talaga e di kay dami tuloy nilang bitbit na di ko naman matiis na di tulungan magbuhat at hirap na hirap sila.

Naisakay naman sa NAIA ambulance si patient namin after 30 minutes. Sumabat na naman ang ungas na Pinoy doktor sa akin nun makita nya kung gaano kadami ang maleta na dala naming tatlo. Isa sa akin na maliit. at isang maleta for my emergency equipment. Isang malaking personal maleta nun nurse at isang malaki pa for her equipment. at dalawang malaking maleta ang bitbit nun doctor na kasama ko. Total of 6. haha

"sa inyo ba lahat yan? nako! e san yan isasakay????" sabi nya na nakatingin sa mga dala namin.

sabi ko ng pabalang din: " e di diyan din po sa ambulance nyo. san pa?"

"nako e hindi kakasya yan lahat dito"

Hinanap ko ang ground crew ng Qatar airways. Asar na asar na kasi ako. Kinausap ko yun in-charge na ground crew na ihanap kami ng vehicle na pwde isakay ang mga bagahe namin dahil sa buset na doktor na yun.

Infairness mabait sila at nag provide sila ng sasakyan para sa bagahe namin! kudos to you guys! i love our airline talaga! super aware sila na dapat i-assist nila kami at all cost! i dont know baka na-informed na sila na dapat tulungan talaga kami or what.

at nun maayos ko ang bagahe namin at papasok na sana ako sa ambulance ng mayabang na pinoy doktor na ito na di ko na pinagkaabalang alamin ang pangalan ay muntik na ko mapatambling.

Ang ganda ng upo nilang anim sa loob. Yun talagang wala na kaming uupuang tatlo nun mga kasama ko. Hiyang hiya naman kami sa kanila. Sila kasi galing ng ibang bansa di ba. Sila kasi ang official member ng team dowha. Nakakaloka talaga.

Hinanap ko ulit si ground grew at ihinabilin na isakay nalang yun Iraqi doctor ko kasabay nun mga bagahe namin  since hiyang hiya naman akong paalisin sa pagkakaupo yun anim na unggoy sa loob ng ambulance. Hindi na kasi kami kakasya.

Nagsiksikan nalang kami ni Indian nurse sa kapirasong upuan na muntikan pa kami mahulog tuwing liliko ang ambulance.

Naghintay pa kami ng mahigit 20 minutes dun sa tapat clinic ng NAIA dahil nawawala daw itong official ambulance namin! jeskelerd! please help me. Yan ang laging laman ng isipan ko nun mga moment na yan! hahaha. Napaka init pa nun mga oras na ito ha kahit alas onse na ng gabi!

Nun sa wakas ay dumating na ang ambulance namin talaga ay pinigil ko nalang matawa nun matanaw ko ang pag mumukha ng isang konsehal na naprint ng malaki sa mga bintana nun ambulansya. taray di ba. hahaha.

Mas lalo ako naloka nun lumabas ang dalawang laman ng sasakyan. nakashorts sila ng wagas na wagas na parang mag sasabong lang kulang nalang hawak na manok na tandang. Napatingin sa akin ang mga kasama ko. Na parang sinasabi na ganito ba talaga sa Pelepens ang member ng EMS nyo? haha

Ininspeksyon ko ang loob at hinanap agad ang power outlet incase malow batt ang mga dala namin machines. wala daw. Sabi ko asan po ang oxygen outlet nyo? ito po dito po. sabi ni koyah. Pagpihit ko to check ilan ang laman: 200 liters!

Huwaaaaaaat?

Nagpakahinahon ako. I need atleast 1000 liters or psi or dapat at least puno yun laman ng tangke nya. E halos paubos na itoooooooo! huhu gusto ko na maiyak nun sa inis at magpagulong gulong habang nagpapadyak sa sahig!

"hindi naman po namin alam na kelangan may oxygen dito..." paliwanag pa ni koyah sa akin. Hindi na ko nag aksaya na makipag argumento sa kanya. Hindi pwde maubusan ng oxygen si Ate Cora. Dependent siya dito.

Nilapitan ko itong mga tao sa NAIA clinic if baka pwde sila magpahiram sa amin ng oxygen cylinder. Itatanong pa daw muna nila sa pinaka supervisor na inabot na ng siyam siyam!!! hanggang sa wala din naipahiram! jeskelerd!

Anyway, I composed myself at inasikaso ang pagsasakay namin kay ate sa loob ng ambulance na may mukha ng kandidato haha. No choice na din ako kundi tipirin ang kapirasong oxygen na dala nila. Sana lang ay makaya ni Ate ang ganito kababa na supply hanggang Pasig hospital.

Inasess ko if kakasya ang sangkatutak naming mga bagahe sa loob. Masikip. Hindi kakasya unless sa bubong namin ilalagay. FYI: ang liliit ng ambulance natin compared sa abroad na ang luluwag at malalaki talaga na kumpleto sa gamit.

Tinawagan ko ang kapatid ko na susundo sa akin sa hospital sa Pasig after namin maipa admit ang patient dun. Nasa C5 na daw sila at malayo na kung babalik pa sa NAIA para isakay ang mga bagahe namin. No choice ako kundi magpatawag nalang ng taxi. Tinulungan ako ng pretty girl na ground crew na kumuha ng texi.

Bait nila talaga! winnur!

Ako na ang nag volunteer na sumakay ng taxi at sunod nalang sa ambulance. Nun makalabas na ng NAIA ay nakahinga na ko ng maluwag. salamat naman.

After an hour ay nakarating din kami ng Hospital sa Pasig. Kasio may problema ako. 500 pesos ang metro ko sa taxi. Wala akong dalang pesos! only dollars! hundreds of dollars yah know. LOL

"sir ok lang po kahit dollars ibayad nyo sa kin ako na bahala magpapalit" sabi ni kuyang mabait na driver.

"oo nga kuya kaso ala ako smaller bill!" kamot nalang siya sa ulo haha

Sinubukan ko tawagan ang mahadera kong kapatid. Pero di ko makontak! luminga linga ako sa paligid ng bakuran ng hospital pero di ko sila makita! e dapat andito na sila di ba kanina pa sila nauna! juskelerrrrrrrd!

Hindi ko din makita yun anak nun patient namin at utangan ng 500 hahaha. Tapos biglang may nag "ting!" sa utak ko! si doctor na iraqi nalang! LOL

Ayun inutangan ko siya ng 15 dollars hihihi. nakokohiyah lang! pero what do to. No choice na nag iintay na yun driver e.

Naipasok na namin sa emergency room nun government hospital si Ate Cora. Ni-received naman nila ang endorsement namin. Mukhang baguhan yun doktor. I could tell.

Tapos lumapit sa akin at nagtanong:

"sir, ano pong settings ng ventilator nyo?" sabay tingin nya sa cardiac monitor namin. Muntik na ko mapatawa. napag kalaman niyang ventilator yun cardiac monitor.

"doc, naka SIMV pressure control mode po ako. with rate of 16bpm and 40 percent Fi02."  ako na ang nagturo sa kanya kung asan yun machine ko. LOL

Nag endorse din ako sa knya about sa condition ng lungs nung patient at lahat ng mga strategy na ginawa namin kung paano siya unti unti maalis sa makina. Nagtanong ako kung pwde na ba iakyat sa ICU si ate. Ipe-prepare pa daw nila.

Gusto ko sana sabihin na: teka 2 days ago pa kayo informed na darating kami from Qatar di ba? e bakit di pa prepared ICU nyo?

Hay as usual nagtimpi nalang ako. Ano pa ba naman talaga aasahan ko di ba, e di yun worst!

Nagtatanong sa akin yun dalawang foreigner na kasama ko na bakit daw ganito ganyan ang sistema. Di daw dapat ganito. nakakahiya lang di ba. kaya nagbiro nalang ako:

"doctor, welcome to the third world country"

LOL!

Pinag intay nila kami sa napaka lamig na ER nila. Sa sobrang lamig nga e tagaktak na pawis ko at ramdam na ramdam ko na ang oily face ko. nararamdaman ko na din ang waterfalls sa kili kili ko. Mega long sleeves pa naman ako di ba. LOL

May isa silang giant bentilador yun gamit pang movies ata yun sa laki pag kunyari may bagyo. LOL!

Lumipas ang ilang minuto.

15 minutes.

30 minutes.

45 minutes.

Wala pa din nababa or umaasikaso sa amin. Yun mga staff tuloy lang sa routine nila. Buti nalang nalilibang ako dun sa cute na resident doctor. As in ang cute nya! feeling ko nga lalo siya nagpapa cute sa harap ko e kunyari kasi titignan si ate cora. e wala naman siya gagawin talaga. hihihihi

1 hour.

1 hour 15 minutes.

Hindi na ko nakatiiis!!! tumayo ako at hinanap yun nurse in charge nila.

"sir. pakikuha naman yung cardiac monitor nyo kasi aalisin na namin yun sa amin."

" ay sige po sir. wait lang" nakita ko na naghahanap siya. May nakita siyang machine kaso wala daw cables. sira daw pala.

Ang saya. Sabi ko siya paki follow up nalang sa ICU if ready na sila.

1 hour and 30 minutes.

Nilapitan ko na si poging doktor sa desk nya at sinabing:

"doc aalisin na po namin yun mga machines namin ha? aalis na kami. pwde na?"

" ay yes sir, pwede na po. thank you po"

Nagi-guilty kasi yun dalawang kasama ko na alisin mga gamit namin, natatakot silang baka di mamonitor ang ecg ni ate cora. Sabi ko:

"doctor, we already endorsed her to the staffs. Its not in our hands anymore. Our mission is to transport her to the hospital from Dowha safely. And we did that. Now its time for us to go."

Kasi naman kung di ako mag gagaganun e walang mangyayari. Mapapanis kami sa napaka init nilang ER. Ang protocol kasi, pagka endorse namin. at ni-received na nila aalis na kami at kukunin na ang mga machines namin at sila na ang mag take over. Kaso wala nga nagte- take over! kaloka ang hospital na itetch!

Ipinaalis ko na sa indian nurse ko yun mga cables nya. Pulse oxymeter lang ang meron sila sa ER sabi ko pwde na yan sige gow. Since wala silang portable ventilator. Tinawag ko yun isang nurse at sabi ko i-ambubag nya si Ate. Inalis ko na machine ko at lumabas na kami ng ER dire-diretso!

Saka ako huminga ng malalim.

Alam nyo bang nun nasa Plane kami ay 85 ang cardiac rate ni Ate Cora. Bago kami umalis ng ER sa pasig ay nasa 45 bpm na lang toh! jusme pag di nila inagapan yun maaring mag cardiac arrest ulit si ate!

At sa wakas ay nakita ko din ang mahadera kong kapatid kasama ang bayaw ko na natawa ako sa naganap sa kanila.

"nako Mac! alam mo bang nawala kami! yun driver kasi ng van na kunuha namin akala ay sa taytay rizal itong hospital! ayun napalayo kami! kaya pala andami kong tollgate na binayaran!"

"kow! ke tanga nyo naman! o siya halika na at ihahatid pa natin sa hotel nila tong mga kasama nating bisita!"

Show more