2012-04-15

.

Dahil ako ang may hawak ng rapid respond na bleeper kagabi, kaya naman kahit hindi sa cardiology ICU ang assigment ko na area kagabi ay tumakbo ako para tignan ang pasyente nun senior staff ko na therapist (kasi tulog siya! Toink!)

Hindi ko na siya ginising. Kawawa naman napuyat ata pag aalaga ng baby niya. Since single for life na ata ang drama ko, at wala akong baby...kaya nakakapahinga ako sa bahay ng wagas! chos! Isiningit na naman ang sarili'ng miserable na lovelife e noh? hahaha

Ayun.

Pagdating ko sa room nung patient. Sabi ng mahaderang Bumbay na nurse na prenteng nakaupo sa table niya.

"Brother, there is no oxygen saturation in the monitor. Make it 100%". sabi nya. Walang ka worry-worry sa Fez niya ha.

Nagpanting ang tenga ko. Hanep mag utos. Senyora?

Normal oxygen saturation kasi sa katawan ay 98-100%. May sensor na may redlight yun na sinusuot sa daliri ng patient. Sa case ng patient namin. Blank! flatline yun tracing! LOL

typical cardiac monitor at our units. touchscreen yan :-)

"Did you check your sensor? Maybe there's problem with the sensor. Did you change it?" sabi ko sa equally na mataray na tono. " Sister its your monitor, its your responsibility to fix it, not me".

Nag -auscultate ako sa lungs...may air entry naman ako. May crackles, pero sadya naman talagang madaming sputum si Ba-ba maski noon pa na di na maubos ubos!

ba·ba/ˈbäˌbä/ -- Father (often as a proper name or as a familiar form of address).

Basta problema sa breathing, or anything na may kinalaman sa lungs ng pasyente, sa akin yun. Kaya di ko matanggap na area ko ang may issue at ang mahaderang nurse e nakaupo lang samantalang ako e problemado na pano papanormal-in ang hangin sa katawan ng pasyente ko! hahaha

Oo daw. Wala daw problema yun sensor nya. Inayos na daw nya. Tumayo siya nun makita na naiinis na ko sa knya, kaya daw malamang ang problema ay ang breathing ng patient. Isinuot ko sa sarili kong daliri yun sensor...nagkareading naman! 100% ang sats ko! so okay nga yun cables at monitor!

Inilipat ko ng daliri dun sa kanan na hinlalaki. Sa hintuturo. Sa hinliliit. at dun sa gitna ng daliri, di ko alam sa tagalog yun e. Hing-gigitna?

Waley pa din... blank!

Nun nagka reading 38% !!!!

Ay taray! 38%!!! ocean deep sa lowness! h0ngbaba!!! Buhay ka pa ba lolo? LOL

Pero di ako convinced! feeling ko may mali! e pano ba naman normal ang BP at ang Heart rate sa monitor tapos saturation e 38%??? No! No! No!

Kinalikot-likot ko na ang settings ng ventilator ko! iniba ko na mga strategy of breathing support nun makina na diretso sa lungs nun patient pero WALEY pa din akong saturation!

this is my ventilator. I'm responsible for this machine and troubleshooting it. touchscreen din toh! hehe

Sinubukan kong alisin yun tube sa ventilator ko at inumpisahan kong i-valve-bag manually ang patient. Baka kasi mag arrest na naman toh!

Pero wala pa din pagbabago!

Shitness! Panget na nga lagay nito sa isip isip ko!

"call the doctor immediately!" sabi ko kay sisterette! Dun palang siya nagka emosyon sa katawan! pag nagpatawag na kasi ako ng manggagamot, ibig sabihin di na kaya ng powers ng therapist at serious na ang problema.

Ipinasok na nila ang crash cart at nagdatingan na ang resuscitation team. Standby na ang lahat for code blue. Habang nakatingin sila sa akin kung may mangyayari sa kalokohang pinaggagawa ko sa pasyente! hahaha

Pero infairness may pulse pa naman si Ba-ba.

Nagpakuha ako ng stat arterial blood gas sample (ABG) dun sa nurse. Sabi ko tawagin nya ko kapag may result na. Kumuha siya ng blood sa kanan kamay din.

Paglabas nun result, napamura ako, bagsak nga lahat ng values!!! consistent sa values sa monitor, indicator na hindi nga maganda ang oxygen saturation sa blood ni lolo!

Itong ABG ang magsasabi ng tunay na nangyayari. Ito ang holy grail ko! chos

Nag order ang doctor ng mga kung anik anik. Nagpapalit din ng settings ng machine ko. Tinodo ko na lahat.

Nagpalit din sila ng cable nun pulse oxymeter. Nilagay ulit sa kanan na mga daliri. Nakailan nang palit ng cable at machine, wala pa din mabasa!

Sumuko na ko! Ginising ko na si senior therapist ko! sabi ko di na kaya ng powers ko! ikaw na dun! Toink!

Hindi pa din nya mapataas ang saturation. Natatawa ako kasi kung ano ang ginawa ko earlier yun din ginagawa nya ngayon! angtagal din nya nakatitig sa monitor praying na may magbago sa values! ganun ganun din ako kanina! yun parang tanga nakatunganga sa screen!

Inabot pa ng another 30 minutes bago naayos ang lahat!

Ito lang ang masasabi ko:

Kami ay mga stupid.

Kami ay nagpakahirap ng walang kakwnta-kwnta.

Kami ay nagtiwala sa mahadera'ng nurse na assigned sa patient.

Kami ay nagsayang ng oras sa katangahan naming lahat.

Ang Katotohanan:

Naglagay kami ng sensor sa kanan kamay.

At dun lang ng dun din namin nilagay at pinagpalit palit sa mga daliri sa kamay na yun. kahit na ilang portable sensor at ilang cable na ang ipinalit namin.

Kumuha ng ABG sample, dun ulit sa kanan braso.

Nagpakuha ulit ng ABG sample for the second time, sa kanan braso ulit!

Dahil sa totoo lang:

Wala man lang nakaisip ni isa sa amin pala na maglagay ng sensor sa kabilang kamay!

Dun sa kaliwa!!!

Ang putakels na pinagpupuntiryahan naming lahat ay dun isaksak lahat sa kanan na kamay at mga daliri! Aba di ko alam kung ano meron sa kanang braso at dun kami nagsiksikan lahat! LOL

Nun dun sa kaliwa nilagay ang sensor...konting patience lang ang requirements dahil after a period of 10 minutes: nag 100% ang sats!

Nung nagpakuha ulit ng ABG sample for the third time, this time sa kaliwang braso na kumuha at lumabas ang result:

Normal na normal na ang lahat ng values!

Tang ina! ang tatanga nyo! LOL

Ang hatol ng mga doctor after almost two hours of katoxic-an:

May problema sa blood circulation ang kanang braso ni Babbaa...walang masyado'ng activity sa kanang braso nya... kaya naman sa sensor ay bagsak siya...kaya naman sa ABG sample ay bagsak din siya!

Whew! Buhay nga naman oh. Minsan engot lang! LOL

Nagtatawanan nalang kaming lahat nun endorsement na nun umaga! tapos na ang night shift namin at magaan na ang pakiramdam ng lahat kahit na nag busy kami sa katangahan naming lahat sa kaliwang braso ni ba-ba!!!

Lesson-learned to sa buong medical staff team! ahahaha

Show more