2013-05-16

                Idol ko ang tatay ko! Noong bata pa ako, ang pinakamatalinong tao sa mundo ay ang tatay ko, lahat kasi ng tanong ko, nasasagot niya. Hanggang sa magka-edad na ako at narealize ko na hindi lang pala matalino ang tatay ko, matiyaga din, napakatiyaga na sagutin ang mga tanong na paulit ulit ko tinatanong at mga bagay na paulit ulit kong kinukwento tungkol sa mga napapanood ko sa T.V.

Bilib ako sa tatay ko, siya ang unang Magician na nakita ko! Kaya nyang gawing piso yung mga bagay na itinago niya sa ilalim ng panyo.

Madaming kaibigan ang papa ko, mabait kasi siya at palabiro. Ang alam ko, isa yun sa nagustuhan ng mama ko sa kanya, hindi pa puma-punchline, nakakatawa na.

Walang sinabi ang Google Translate sa papa ko! Kaya niyang magsalita ng English, Tagalog, Bisaya, Arabic, Malaysian at madami pang iba.

Mulit-talented ang tatay ko, kaya niyang ayusin ang pinakasirang sasakyan, magdrive ng malalaking truck, maging singer, comedian, technician, businessman to master chef!

Wag niyo na itanong kung gwapo ba ang tatay ko, kasi sasagutin ko kayo ng tanong din, “Itinatanong pa ba yan?” Saan ko pa ba mamamana ang kapogian ko? Ang kagwapuhan ng tatay ko ay pinagsamang Tom Cruise, Sylvester Stallone, Brad Pitt, Liam Neeson at konting Brucew Willis. Kaya nga napaibig niya yung mama kong kamukha ni Cameron Diaz, eh. Ikaw na bahala mag-imagine.

Pasensya na, ayoko mag mayabang, pero walang wala ang mga tatay niyo sa tatay ko! \m/

Every daughter will always be a Daddy’s girl. He will always be a first love. Si papa kasi yung shield natin mula kay mama pag papaluin na tayo, yung mga banat na, “Sige, isusumbong kita kay Papa!”

Ang mga papa natin, daig pa si Willie Revillame, sobrang galante. Kaya nga madalas natin siyang abangan sa gate kasi sigurado tayong pag umuwi siya ay laging may dalang pasalubong. Sino bang hindi naka-experience na, nabigyan na ng baon ni mama, tapos magtatanong yung papa natin kung may baon na tayo, tapos sasabihin nating wala pa?

There are no perfect father, but a father will always love perfectly.

Happy 51st  Birthday papa! You will always be our strongest action superstar bida! I love you! J

Show more