2014-07-05

fodfrontpage@gmail.com

Baby when you look at me….



– B96 Chicago Jingle Bash – credit emily

*  *  *  *  *



*  *  *  *  *

Kari & David in Costa Rica

Kari tweeted to wish everyone a Happy 4th of July –  great to know they arrived safely in Costa Rica – excited to find out more about the “project”!



*  *  *  *  *

United States of Music

Look who’s representing Utah!  Thanks to Holly & Martha for sharing this article with us!

– click to see all 51 artists

United States of music: America’s amazing musical breadth

Utah, David Archuleta

Born in Murray, Utah, and a member of the Mormon Church, singing phenom David Archuleta‘s been wowing audiences since the tender age of 12, when he won the Junior Vocals Champion award on “Star Search 2.” From there, he finished as the runner-up on the 2007 season of “American Idol,” catapulting him to a record deal and several hit albums, including 2010′s “The Other Side of Down.” The past few years saw Archuleta doing missionary work and out of the spotlight, but he re-emerged in March with his fifth long-player, “No Matter How Far.”

*  *  *  *  *

Red CD Concert:  You Can

– You Can B96 Chicago Jingle Bash – credit Jenny

If any Archies out there are planning on getting married any time soon, here’s a perfect song to make your perfect day even more perfect!  A beautiful celebration of finding your one and only soul mate in this big wide universe!

If anyone can make me fall in love…. you can.

Here’s a playlist of some great live performances of You Can - I’ve always loved the AOL performance, and there are many more from various tours and events that show David’s ability to wring emotion from every note he sings.

David Archuleta – You Can (playlist:  fansofdavidvideos – credit to all vid owners)

You Can – Tribute (credit: Sarah Shinn)

*  *  *  *  *

Closing today’s vacay post with the Tagalog translation of David’s Face to Face chat.  I’m trying a new function in this post, so the translation had to be the last thing in the post. Hope everyone had a great 4th of July holiday yesterday, for those that celebrated the holiday, and I’ll be back tomorrow with the Sunday post.

Mary Dee’s Tagalog Translation of David’s Face to Face Chat

– collage credit Mary Dee

Mary Dee and her labor of love!  Not only does she make awesome David collages, she recently took the time to transcribe David’s Face to Face chat into Tagalog for our many Filipino Archies!  Now fans from the Phils can read the questions and answers where David revealed how much his Mission meant to him, and how it helped him focus on what he wants in life.  Thanks again Mary Dee!

Face to Face

David Archuleta- Spanish Chat: Face to Face
Isinalin sa wikang Tagalog ni Mary Dee mula sa orihinal na wikang Ingles ni Djafan at inilipat mula sa wikang Kastila ni Gladys.
Miyerkoles, Hulyo 2, 2014

Unang Kanta: Ako ay Anak ng Panginoon

Ginoo: Napakagandang kanta, David, salamat. At salamat sa pagsama sa amin ngayon.

David: Opo, ikinagagalak ko po na makasama kayo ngayon, salamat po.

Ginoo: Marami kaming natanggap na mga tanong, David. Handa ka na bang sumagot?

David: Opo, sa tingin ko.

Ginoo: Kamusta ka?

David: Mabuti po. Masaya po ako, gusto ko yung kanta. Pinasasaya ako nung kanta na yun. Mabuti po ako.

Ginoo: May tanong tungkol sa musika. David, alam namin na importante sa buhay mo ang musika. Sabihin mo sa amin kung bakit ito importante sa iyo?

David: Magandang tanong iyan. Mula pagkabata ko, anim na taon at mas bata pa, nararamdaman ko na ang musika. Ang mga magulang ko, mula sa magkabilang pamilya, ay palaging merong ginagawa na tungkol sa musika. Iba ang pakiramdam ko pag kumakanta ako. Palagi akong kumakanta: sa loob ng bahay, sa likod ng bahay. Pero nung meron ng nakikinig sa akin, nalaman ko na nararamdaman din pala nila yung parehong damdamin ko. Sinasabi nila, salamat dahil naramdaman ko ang pagkanta mo. Matagal bago ko naintindihan kung paano yun nangyayari kasi hindi ko naman iniisip na magaling akong kumanta, basta gusto ko lang kumanta. Kaya nung mangyari iyon, naisip ko na isa pala iyong regalo, na pareho ang pakiramdam ko habang kumakanta sa nararamdaman ng nakikinig sa akin. Para sa akin, isa itong grasya ng Diyos na maramdamang malapit ako sa Diyos at sa ibang tao. Nakakamangha na nararamdaman ng mga tao yung parehong pakiramdam ko sa pagkanta. Iyan ang kapangyarihan ng musika.

Ginang: Pag meron kang pinagdadaanan na pagsubok, meron bang isang kanta na nakakatulong sa iyo?

David: Maraming kanta na laging nakakatulong sa akin. Kung himno ang pag-uusapan, merong isa na gusto kong kantahin ngayon. Ito yung kinanta ko ng mas maraming beses kesa sa ibang mga kanta noong nasa Misyon pa ako. Gusto kong ibahagi sa inyong lahat. Maraming kanta; mahirap yang tanong na yan. Merong isa, “Come Thou Fount Of Every Blessing.”

Ginang: Isa rin yan sa mga paborito ko.

David: Maraming beses ko yang pinakinggan. Gusto ko din yung ibang kanta, hindi lang mga kanta sa simbahan o himno. Gusto ko din yung “What A Wonderful World”. Yung mga ganyang kanta ang nagpapasaya sa akin. Pero, mayron akong kausap nung isang araw, sabi ko sa kanya mayrong kanta na madalas kong pakinggan at napaiyak ako. Sa Kastila iyon “Source Of My Blessings.” Yang kanta na yan sinasabi sa atin na dahil hindi tayo perpekto, kailangan natin maging malapit sa Diyos.

Ginang: At pag kinuha ng Diyos ang puso natin, malalapit tayo sa Kanya.

David: Opo.

Ginoo: David, mayron tanong galing kay Gladys ng Argentina: Gusto kong malaman kung mayron ka ng naisulat na himno o kung gusto mo ba (magsulat ng himno)?

David: Oh, wala pa pero interesado akong subukan. Naisip ko na yan, sinubukan ko minsan pero mahirap. Hindi pa ako magaling magsulat ng kanta. Kahit pagsulat ng kantang pop ay medyo mahirap para sa akin. Pero mula nung bumalik ako mula sa Misyon ko, palagi na akong nagsusulat. Mas komportable na ako ngayon na sumulat (ng kanta). Hindi ko nararamdaman na pinupwersa ako ng ibang tao kaya mas madali sa akin at mas masaya. Baka sa ibang panahon, susubukan ko uling sumulat ng himno.

Ginang: Mayron sigurong mga tao na naniniwalang madali lang sa iyo ang pagkanta. Sabihin mo sa amin kung ano ang ginawa mo para mahasa ang talento mo?

David: Ensayo, ensayo, ensayo sa lahat ng oras. Naniniwala ako na, para mahasa ang anumang talento kailangang bigyan ito ng oras. Ang pinaka nakatulong sa akin ay yung gawin ito ng paulit-ulit. Natatandaan ko nung bata pa ako, edad anim, pito, walong taon, kakantahin ko yung mga kanta ng paborito kong artista. Paulit-ulit hanggang maging katunog ko na sila. Nung simula hindi pa muna kaya paulit-ulit ko silang ginagaya, sa loob ng maraming oras. Naniniwala ako na kailangan natin maging matyaga at mapasensya kung gusto nating mahasa ang kahit ano sa buhay natin at para magkaroon ng magandang pagbabago. Kailangan ng oras, pasensya, at tyaga.

Ginoo: David, nagsilbi ka ng Misyon sa Chile, tama?

David: Opo.

Ginoo: At bumalik ka tatlong buwan na ang nakaraan.

David: Ohh ang bilis lumipad ng oras ayayay

Ginoo: Marami kaming natanggap na mga tanong tungkol sa Misyon mo. Tanong ni Silvana: Paano ka nagdesisyon na gawin yung Misyon mo habang mayron kang karera sa pagkanta?

David: Gusto ko talagang maging Misyonero mula pa sa pagkabata. Alam ko sa sarili ko na magiging Misyonero ako kahit na hindi ko pa alam noon kung sino at paano kausapin ang ibang tao. Sa pagkanta ko lang nagagawa iyon. Hindi ko inasahan na lalabas ako sa telebisyon, kakanta, at makikilala ng maraming tao. Hindi ko inasahan iyon. Pero kahit ganon ang nangyari, gusto ko pa rin maging Misyonero. Kaya lang naisip ko, paano ko gagawin ito? Siguro, kaloob na rin ng Diyos na mapunta ako sa musika at gawin ang mga nagawa ko na. Pero hindi ako naging kuntento. Laging mayron kulang. Sinubukan ko noon pa na gawin ang Misyon pero may mga bagay na pumigil sa akin gaya ng mga kontrata at mga tao na sinasabi, Ano? Kalokohan na gusto mong gawin yan. Pero yung pakiramdam na laging gumagabay sa akin sa pagkanta, sa mga desisyon na ginawa ko, sa pagpili ng mga kakantahin ko, yun din yung pakiramdam na nagsasabi sa akin na maging Misyonero; na meron akong matutuhan; na babaguhin nito ang buhay ko; na ang mga taong makikilala ko ay tuturuan ako ng mga bagay na doon ko lang matututunan. Mahirap gawin ang desisyon na iyon, mahirap sundan at tutukan. Pero iyon ang pinaka-nakakamangha na desisyon sa buhay ko.

Ginang: Tanong ni Nial: Ano ang pagkakaiba ng David noon sa David ngayon, pagkatapos ng Misyon mo?

David: Sa tingin ko, mas komportable ako sa sarili ko. Noon, palagi akong nag-aalala sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa akin. Pinagbigyan ko ang lahat ng tao kahit na bawat isa sa kanila ay may iba’t-ibang gusto. Takot akong magtiwala sa sarili ko. Pero sa Misyon, natutuhan kong magtiwala sa sarili ko. Walang nagsasabi sa akin na kailangan ko gawin ito, gawin iyan. Yung Pangulo ng Misyon, ang sinabi lang sa akin, “May tiwala ako sa iyo. Magiging maayos ang lahat at alam kong gagawin mo ang dapat.” Ako naman naisip ko, aaaahh, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko? Hindi ako magaling na misyonero, hindi ko alam kung paano kakausapin ang mga tao, hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi nila, at kung anu-ano pa. Pero naisip ko, dahil gusto ko, na nandito ako para makilala ang Diyos at ang tagapagligtas na si Hesukristo. Hindi ko magagawang mahalin ang Diyos at mga tao sa paligid ko kung hindi ko kayang mahalin ang sarili ko. Hindi ko magagawang magtiwala sa Diyos kung hindi ko kayang magtiwala sa sarili ko. Sa tingin ko, malaking bahagi ng Misyon ko at ang dahilan kung bakit kailangan kong magsilbi ay dahil sinasabi ng Diyos na, “Anak, masyado kang abala sa maraming bagay, halika samahan mo ako, mayron akong personal na ituturo sa iyo.” Ganun ang pakiramdam ko sa Misyon ko. Napakalapit ng Diyos, walang panggulo, walang telepono sa buong dalawampu’t-apat na oras, hindi ko iniisip ang sarili ko, nakikilala ko lang ang Diyos, nagtitiwala sa sarili at nagmamahal ng kapwa ko.

Ginang: At tinutulungan ang mga taong binanggit mo.

Ginoo: Tanong ni Jazzman mula sa Espana: Paano ko malalaman kung handa na akong gawin ang Misyon?

David: Tinanong ko rin yan. Nalaman ko hindi ka naman talaga makakapaghanda para gawin ang Misyon mo. Yung sinasabing perpektong oras para gawin ang Misyon mo, wala nun. Kasi kung hinintay ko yung tamang oras na yun, hindi na ako makakaalis para gawin ang Misyon ko. Lahat sinasabi, “Huwag muna, huwag muna, hindi ka pa handa.” Ako rin naniwala rin ako dun; na hindi pa ako handa, na wala akong alam kung paano tuturuan ang mga tao na gawin ang mga bagay na magpapabago sa buhay nila. Pero isa itong hakbang ng pananampalataya. Nagtiwala ako sa Diyos na gagabayan Nya ako. Mahirap, walang perpektong oras, laging mahirap (magdesisyon). Laging mayron kang kailangan na iwanan, pero sa huli sulit lahat ng ito.

Ginoo: Oo, at kailangan natin ng malakas na pananampalataya.

Ginang: Tanong ni Ricardo mula sa Mexico: Ano ang masasabi mo na makakaengganyo sa kabataan na gawin ang Misyon?

David: (tumingin sa kamera) Kung meron sa inyo na nag-iisip na gawin ang Misyon at gustong maging handa, mayron mga simpleng bagay na pwede ninyong gawin na alam na ninyo at narinig na ninyo: pumunta sa simbahan, aralin ang kasulatan, yung totoong aralin at isapuso ang mga salita, at magdasal. Mga bagay na matagal na nating narinig at palaging sinasabi sa atin ay mga bagay na makakatulong sa inyo. Yung librong Preach My Gospel, malaki rin ang naitulong sa akin. Kung wala ka pa nyan, hanapin mo yan. Isa pang bagay na nakatulong sa akin ay ang pagpunta sa Templo. Alam ko na marami sa inyo walang Templo na malapit sa inyo, pero subukan nyo na makapunta hanggang posible. Yan yung lugar na pwede kayong makapaghanda na walang abala; pwede mong kausapin ang Diyos, magdasal, at malinaw na marinig ang boses ng Espiritu. Maglaan ka ng oras para dyan. Maraming oras na nasa Templo ako, isang mabuti at sagradong lugar.

Ginoo: Isang importanteng tanong, may mga nagsasabi na sakripisyo daw ang Misyon. Para sa iyo, isa ba itong sakripisyo?

David: Pag inisip mo ang mga bagay na iiwanan mo kagaya ng trabaho, karera, o pamilya, sa tingin ko ang pinaka mahirap iwanan ay yung pamilya. Kasi naisip ko kailangan nila ako. Pero pag inisip mo kung saan ka pupunta at mapapalapit ka sa Diyos at makikilala mo ang Diyos dahil sa pagsisilbi mo sa ibang tao, malalaman mo na hindi iyon sakripisyo dahil marami kang tatanggapin na biyaya. Paano magiging sakripisyo ang pinakamalaking biyaya sa buhay ko? Para sa akin, yung bitiwan ang mga bagay na mahalaga sa iyo, oo sakripisyo, pero ang totoo hindi iyon sakripisyo dahil iyon ang magbibigay ng pinakamalaking biyaya sa buhay mo.

Ginang: Gustong malaman ni South Korea kung ano yung pinakamahirap na nangyari sa Misyon mo at ano ang ginawa mo para malampasan yun?

David: Hindi madaling gawin ang Misyon. May mga pagkakataon naiisip ko, hindi ko kaya ito. Lalo na nung simula ng Misyon ko. Hindi ko maintindihan ang salita ng mga Chileno. Ngayon mahal ko na sila. Ngayon mas naiintindihan ko na ang wikang Kastila at nagagamit ko na ito. Pero hindi nung simula. Anong sinasabi nila? Paano ko sila tuturuan? May mga pagkakataon din na hindi mo makasundo yung kasama mo. Pag nagalit ka sa kanya, hindi ka pwedeng basta umalis. Kasama mo sya palagi bawat araw buong linggo. Kailangan nyo harapin yung problema, itama iyon, mahalin sila, at pag-usapan ang problema. Yun ang mahirap na pagkakataon tungkol sa kasama mo pero sa huli, nagkasundo din kami kasi nalampasan namin yung problema namin. Maraming bagay kailangan ng pasensya. Marami pa akong pwedeng sabihin tungkol dito pero kailangan ko ng maraming oras.

Pangalawang kanta: Malapit sa Iyo Panginoon

Ginoo: Salamat, David, napakagandang kanta. Natanggap namin ang tanong na ito: Bilang kabataan, nararamdaman namin na nag-iisa kami at walang kayang gawin, ano ang ginawa mo para hindi mo maramdaman ito?

David: Naniniwala ako na lahat tayo nakaramdam ng ganito; na kulang tayo para gawin ang mga bagay na dapat natin gawin sa buhay, o sa hinaharap, o sa kasalukuyan. Ang personal na nakatulong sa akin ay ang kilalanin kung sino ako. Ako ay anak ng Diyos sa langit, Sya ay Diyos, ako ay anak Nya, kagaya ng sinasabi sa unang kanta. Ito ang nagpupuno sa akin ng kaligayahan. May mga balakid, mga pagsubok na dadating sa akin pero ang Diyos rin ang nagbibigay sa akin ng lakas para magpatuloy o lampasan ang problema. Ganundin, yung alam mo na meron kang pwedeng hingan ng tulong pag kailangan mo lalo na kung hindi mo alam kung anong gagawin mo. Pag nalilito ka at nawawalan ng gana, yun ang oras na kailangan mong lumuhod at humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagdarasal.

Ginang: Gustong malaman ni Ingrid: Paano mo binabalanse ang espiritwal at emosyonal habang pinagbubuti mo ang iyong talento, na hindi mo sinasantabi ang pagmamahal mo sa Tagapagligtas?

David: Magandang tanong yan, Ingrid. May magandang leksyon na natutunan ko hindi lang mula sa Misyon kundi kahit noon pa man. Maraming beses akala natin na para marating natin ang mga pangarap natin, ang musika, trabaho, palakasan- kailangan ihiwalay natin ang mga bagay na espiritwal. Hindi yan totoo, sa halip doon natin mas kailangan ito. Noong nagtatrabaho ako sa telebisyon, may mga pagkakataon na mas masigasig ako magbasa ng kasulatan kasi noon ko mas nararamdaman na kailangan ko ito. Hindi mo kailangan maramdaman na kailangan mong mamili sa pagitan ng pangarap mo at ang Diyos dahil magkatuwang dapat sila. Kilala ka ng Diyos. Alam Nya kung ano ang pangarap mo. Kaya dapat tandaan mo yan. Kaya kung iisipin mo yan at lagi kang malapit sa Diyos, kagaya ng sinasabi sa kanta, mapapagbuti mo ang mga talento mo sa maayos na paraan. Ganito ang pakiramdam ko, hindi mo kailangang mamili. Pero pag dumating ka sa punto na kailangan mong mamili, piliin mo ang Diyos at gagabayan ka Nya.

Ginoo: Tanong ni Macarena mula sa Ecuador: Paano mo nabibigyan ng atensyon ang Panginoon habang nasa gitna ka ng kasikatan, kayamanan, at popularidad?

David: Macarena, nagulat din ako. Nasorpresa. Bigla na lang kilala na ako ng mga tao. Iyon yung hindi ko inasahan na atensyon na wala naman sa akin noon. Maraming nagsabi sa akin na importante yun; na iyon ang magpapaligaya sa akin; magpapasaya sa buhay ko at magpapatunay na tagumpay ako. Pero nung pakaisipin ko ang mga sinabi ng mga tao sa akin, nalungkot ako. Bakit ganon? Bakit ako malungkot? Nangyari ito nung kumakanta ako at lumabas yung unang album ko. Napakaraming atensyon ang binibigay sa akin. Lahat sinasabi tagumpay ka na, magiging masaya ka na. Pero hindi ako komportable kaya tinatanong ko ang sarili ko, bakit ito nangyayari sa akin? Pakiramdam ko nalugmok ako.

Nung minsan na nagbakasyon ako kasama ng pamilya ko, noon ko nalaman na iyon yung totoong nagpapasaya sa akin, yung mga simpleng bagay na meron ako. Hindi mahalaga yung pera, popularidad, atensyon. Yung mga tamang desisyon, yung kasama ang pamilya na mahal mo, yun ang magpapasaya sa iyo. Yun ang tagumpay na meron ako sa buhay ko.

Ginang: Mayron tanong si Kevin mula sa Colombia: Hindi ako Mormon pero gusto kong malaman kung ano ang Latter Day Saints. Sa espiritwal na pananaw, paano mo isinabuhay ang lahat ng mga karanasan mo sa musika, konsyerto, paglalakbay, at lahat ng mga tagumpay na natanggap mo na?

David: Sa espiritwal na pananaw, gaya ng nasabi ko na, bakit ang musika? Hindi tumatayong mag-isa ang musika ko na hindi kasama ang espiritwal na bahagi ko. Laging magkatuwang iyon. At pag yung mga tao sinubukan na paghiwalayin iyon sa akin, ramdam kong hindi tama. Sinasabi kong hindi ko yun kaya gawin. Pero kung ang isang kanta ay dinala sa akin ng Espirito at naramdaman din ng mga nakikinig, at mapalapit din sila sa Diyos, at magkaroon ng mas positibong pananaw sa buhay, yun ang tama at sulit para sa akin. Yun ang dahilan kaya nagsusulat ako ng mga kanta. Naniniwala ako na ibinigay sa akin ng Diyos ang musika dahil nagtitiwala Sya sa akin na magiging responsable ako tungkol dito. Pero kung hindi ko ito gagamitin sa responsableng paraan, hindi rin iyon magiging tama para sa akin at hindi ko rin mararamdaman ang saya na ibinibigay nito sa akin pag tinanggal ko ang bahaging espiritwal. Kinailangan kong magpakumbaba ng maraming beses at isipin na kung gusto kong maging masaya sa musika ko, o sa konsyerto ko, dapat maramdaman din ng mga taong nakikinig yung kasiyahan na iyon na galing sa Espirito.

Ginoo: Tanong ni Lucia: David, ano ang paborito mong kasulatan?

David: Marami akong paboritong kasulatan pero merong isa na palaging tumutulong sa akin sa buhay ko at habang nasa Misyon ako. Ito ay nasa Libro ng Mormon, Ether 12:27. Kapitulo 12 bersikulo 27, kung saan binabanggit ang mga kahinaan natin at paanong kung minsan ay gusto natin itong itago. Ginagawa ko yun noon bago yung Misyon ko. Hindi ko maramdaman yung saya dahil marami akong kasiraan na pilit kong itinago. Pero nung mabasa ko itong kasulatan, naintindihan ko din kung ano yung ibinigay sa akin ng Diyos. Ang sabi Nya, binigyan kita ng kahinaan para makita mo na kailangan mo Ako at nandito Ako para tulungan ka. Kaya nagpakumbaba ako. Pero gusto ko rin na nalaman ko na ang mga kahinaan natin ay hindi sagabal sa pag-usad natin. Dahil sa tulong ng Diyos, ang mga kahinaang iyon ay pwedeng maging sandata sa katotohanan.

Ginang: Tanong ni Jamin mula sa Espana: Paano mo malalaman kung sapat ang preparasyon mo para gawin ang Misyon?

David: Nasagot ko na po iyan ng bahagya.

Ginang: Paumanhin.

David: Huwag po, ayos lang po. Magandang tanong po iyan kaya pag-iisipan ko pa ng mas mabuti.

Ginoo: Tanong ni Nicole mula sa Brazil: May plano ka bang magsulat ng libro tungkol sa mga karanasan mo sa Misyon?

David: Naisip ko rin yan ng maraming beses, pero hindi ko pa alam. Nagsulat ako ng libro ilang taon pa lang ang lumipas kaya nakakaengganyong sumulat uli ng libro dahil sa mga bagong karanasan na ito. Mas malalim ang pananaw ko sa buhay ngayon kesa noon. Gusto kong maipaliwanag pa ang mga bagong karanasang ito. Hindi ko lang alam kung baka malito ko lang kayo lahat. Gusto kong ikwento kung gaano nakakamangha ang mga Chileno na mahal na mahal ko, ang mga taong nakilala ko, ang pagkain. Lahat gusto kong ibahagi sa inyo sa mas malalim na paraan.

Ginang: Ang sabi ni Patricia: May kapatid ako na malapit ng bumalik galing sa Misyon nya, paano ko sya tutulungan na makabalik sa dating buhay nya na hindi nawawala yung Espiritu sa kanya?

David: Patricia, pagpasensyahan mo ang kapatid mo. Nung umuwi ako, lahat sa pamilya ko naisip na kakaiba ako kasi sinasabi ko, ay huwag yang TV ayokong manood, ayokong makinig nyan. Naninibago ako, nasaan yung kasama ko? Kailangan nyang masanay uli sa paligid nya ng dahan-dahan lang. Pagpasensyahan mo sya, pakinggan mo yung mga kwento nya tungkol sa Misyon nya at tungkol sa mga taong nakilala nya, at mga karanasan nya sa Misyon kasi importante sa kanya iyon. Pwede ka ring maging kasama nya sa pag-aaral. Ginawa iyon ng kapatid ko para sa akin kasi gusto kong may kasamang mag-aral. Kaya kung gusto mong mapanatili ang Espirito sa kanya, matutulungan mo sya kung pakikinggan mo syang ikwento ang mga karanasan nya, ang mga taong nakilala nya sa Misyon, at sasamahan mo syang mag-aral.

Ginoo: Ano ang proseso mo sa paggawa ng importanteng desisyon? Para sa kabataan, mahirap maging tapat sa pananampalataya kung may ibang impluwensya ang mga kaibigan.

David: Proseso sa paggawa ng desisyon? Hmmm, sa tingin ko kailangan mong pag-isipan ng mabuti lalo na kung mabigat ang desisyon na kailangan mong gawin. Isipin mo kung bakit mo gustong gawin ang isang bagay. Tanungin mo ang Diyos. Halimbawa, nung mag- audition ako sa American Idol at nung gawin ko ang Misyon ko, nagdasal ako at nagtanong sa Diyos. Ama, ano ang tingin mo tungkol dito? Ganito ang pakiramdam ko. Ayos lang ba yun? Loko na ba ako? Gusto kong malaman. At pag ginawa ko yan, palaging may magandang pagbabago na kinalalabasan para sa akin bilang tao.

Ginang: Maraming tanong tungkol sa mga pakay at plano mo ngayon na bumalik ka na. Pwede mo bang sabihin sa amin kung ano ang nasa isip mo?

David: Opo. Gaya ng nasabi ko na, nagsusulat ako ng mga kanta. Sa katunayan, nagsusulat ako ng mga kanta sa Ingles at Kastila. Hindi ko iniisip na ilabas lahat yun ngayon. Gusto ko kasing gawin ang mga bagay na yan ng tama sa pagkakataong ito. Ang dami kong mga karanasan sa Misyon, at ang dami kong mga ideyang gusto kong ilagay sa mga kantang sinusulat ko, hindi yung kung ano na lang. Nakikipagtipan ako. Gusto ko rin yang isulat sa kanta ko. Meron akong plano na mag konsyerto uli at maglabas ng mga albums. Kailan? Hindi ko pa alam eksakto pero nandun na ako sa proseso nun. (me: wheeeeeeeeeee!!!!! can’t help it! sorry, lol)

Ginoo: David, maraming kabataang babae ang gustong malaman ang pangalan ng nobya mo.

David: Oh my gosh!!!

Ginang: Mayron ka bang nobya?

David: Hindi po. Wala pa po akong nobya kaya wala akong pangalan na sasabihin. Hayaan na po natin na ganyan. Importante sa akin na magkaroon ng pamilya sa hinaharap, iyon lang po.

Ginang: Ano ang epekto ng Misyon sa musika mo?

David: Palagi po akong kumakanta sa Misyon, palagi. Kumakatok sa mga pinto, kinakausap ang mga tao sa kalye. Madalas sinasabi ko, kamusta kayo? Misyonero kami at nakikipag-usap kami sa mga tao. Pero nung simula, nung hindi ko pa alam ang salita nila, nagpapaalam ako, pwede ko ba kayong kantahan? Parang araw-araw kumakanta kami sa mga bahay, sa kalye. Nakakalibang naman. Maraming hindi ako kilala pero nakikinig pa rin sa kanta ko. Hindi mahalaga kung sino yung kumakanta, nakikinig pa rin sila.

Ginang: Naramdaman ba nila ang Espirito?

David: Nakakamangha.

Ginang: Sigurado ako napangiti mo sila.

David: Sana nga po.

Ginoo: Tanong ni Liliana: Mayron bang pagkakataon sa buhay mo na nagkaroon ka ng suliranin na akala mo hindi mo malalampasan?

David: Maraming pagkakataon na gumising ako at naisip ko, ay naku, hindi ko ito kayang gawin. Wala akong ginagawang tama. Pero dapat tayong maniwala na magiging maayos din ang lahat. May mga pagkakataon na akala natin sukdulan na ang lahat at hindi malalagay sa ayos ang mga bagay; na hindi tayo magiging masaya uli; na hindi natin makikita ang mga sagot na hinahanap natin. Dapat bigyan mo ng panahon ang sarili mo, maghintay ka lang, magpasenya, dadating ang sagot sa iyo at malalampasan mo lahat. Maraming pagkakataon na ganyan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano gagawin ang mga bagay, pero nalampasan ko din lahat. Bakit ko ba inisip na sumuko? Ayayay, muntik ko ng hindi makuha ang biyaya at yung pagkakataon na matuto dahil sumuko ako. Kaya huwag kang susuko. Magpasensya sa mga panahong pakiramdam mo wala ka sa lugar o pinanghinaan ka ng loob, dahil lahat tayo nakakaranas nyan. Pero malalampasan mo yan.

David: Meron pa ba tayong oras? Pasensya na po.

Ginang: Sampung minuto.

David: Ah, sige po. Kasi meron pang isang kanta na gusto kong kantahin. Pero mayron pa yatang isang tanong bago ang huli kong kanta.

Ginang: Titingnan ko. Yung mga sagot mo ay sagot din sa ibang mga tanong na natatanggap namin. Tanong ni Mina mula sa Peru: Gusto kong maging miyembro pero hindi papayag ang pamilya ko. Ano ang gagawin ko para lumambot ang puso ng nanay ko?

David: Binabati kita dahil ang Mabuting Balita ay maganda at isa sa mga bagay tungkol sa Latter Day Saints. Para magkaron ka ng pagbabago kailangan subukan mo ito at isabuhay mo ito. Sa tingin ko yung mga bago sa pananampalataya ay nagsisimula sa mga misyonero at kaibigan. Dati akong misyonero, magtiwala ka sa misyonero. Tutulungan ka nila patungo sa pagbabago mo at hindi iyon madali pero makikita mo ang pagbabago sa iyo. Maiintindihan mo at makikita ng pamilya mo ang mabuting pagbabago sa buhay mo. At iyon ang magpapalambot sa puso ng kahit na sino, yung makita ang mabuting pagbabago sa iyo. May mga bagay na kailangang gawin pero ipinapangako ko na babaguhin ka nito at mararamdaman mo ang Espirito. At mararamdaman din ito ng pamilya mo.

Ginoo: May tanong mula sa Mexico.

David: Mexico! Nagkaroon ako ng tatlong kasama sa Misyon na galing sa Mexico.

Ginoo: Anong kasulatan ang nagbigay ng lakas sa iyo sa panahon ng pagsubok?

David: Maliban sa kasulatan na binanggit ko kanina, merong isa na galing sa Bibliya sa Aklat ng Kawikaan. Para sa mga hindi nakakaalam, merong mga plaka ang mga misyonero na may kasamang larawan at impormasyon kung saan sila nagmula at saan papunta. Ang kasulatan na nasa plaka ko ay mula sa Kawikaan 3:5-6, kung saan sinasabi ang tungkol sa pagtitiwala sa Diyos at paggabay Nya sa iyo sa lahat ng gagawin mo at lahat ng… hindi ko matandaan ang eksaktong salita. Itong kasulatan na ito ay malaki ang naitulong sa akin.

Ginang: Tanong ni Yani mula sa Dominican Republic: Sa lahat ng mga bagay na ginawa mo sa Misyon, ano ang babaguhin mo kung alam mo na noon ang natutunan mo ngayon?

Mas marami siguro akong nagawa. Mas matapang na gawin ang mga bagay kahit hindi ko pa alam ang kalalabasan nito. Pero wala akong babaguhin sa nakalipas dahil doon ako natuto sa kung ano ang nangyari at hindi nangyari. Mas gusto ko siguro kung naging mas matapang ako na kumausap ng tao, pero sa ganong paraan ako natuto. Sa susunod, hindi na ganon ang gagawin ko. Hindi na ako matatakot na kumausap ng tao. (me: what? will there be a next time??)

Ginang: At nagwawagi ang pananampalataya laban sa takot.

David: Opo, sigurado.

Ginoo: Heto ang kasulatan mula sa Kawikaan.

David: Salamat po. Lima, anim, at pito.

Ginoo: Gusto mo bang basahin?

David: Opo. Kung gusto nyo ring basahin ang Bibliya sa Kawikaan 3: “ Manalig ka sa Panginoon ng buong puso at huwag manangan sa sariling pang-unawa. Sa lahat ng gawain, kilalanin mo Sya. At itutuwid Nya ang iyong landas.”

Ginoo: Napakahalagang kasulatan.

Ginang: Tanong ni Jhon mula sa Twitter: Gusto kong gawin ang Misyon pero natatakot ako. Pinag-uusapan na namin ito. Anong payo ang maibibigay mo sa akin, sa amin?

David: Nagkaroon din ako ng ganyang takot, gaya ng nasabi ko na, hindi ako marunong ng salita nila, hindi ako marunong magturo. Pero ang totoo, pag nandun ka na, matututo ka araw-araw. At makikita mo na kahit wala kang alam, ayos lang kasi meron kang palaging kasama na tutulungan ka at magtuturo sa iyo. Tuturuan ka rin ng Espirito. Mayron pagkakataon na kahit hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo pero ibukas mo lang ang bibig mo at lalabas ang mga salitang kailangan mong sabihin sa pagkakataong iyon. At magugulat ka na lang dahil hindi mo alam kung saan iyon nanggaling. Sasamahan ka ng maningning na Espirito. Kaya wag kang mag-alala dahil magiging maayos ang lahat.

Ginoo: Salamat, David, mayron ka pa bang gustong idagdag?

David: Sa palagay ko po, marami na akong nasabi. Gusto ko pong kumanta bilang pangwakas.

Ginang: Gusto namin yan.

David: Isa po itong himno na pangsimbahan. Gusto ko ito dahil sinasabi rito na maraming misyonerong nagsisilbi sa buong mundo. Gusto kong kantahin ang himno na ito. “The Spirit of God”

Ginoo at Ginang: Maraming salamat, David.

David: Ganon din po sa inyo.

Ikatlong Kanta: Ang Espirito ng Panginoon

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Katapusan ng pagsasalin~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Show more