Anyways, ang pagmo-move on. Parang ang hirap gawin. Medyo.
Sa una, syempre. Mga 3 hours to 1 day from the break-up ang pinaka mahirap na
phase ng pagle-let go. Fresh pa kasi ang memory from the first meeting, first
text, first call, first hug, first kiss hanggang sa mismong moment ng
paghihiwalay.
Normal
lang umiyak, maglupasay, magpakalasing sa kape at magsulat ng suicidal note at
isa-isahing banggitin sa sulat ang mga kamag-anak, kaibigan, hanggang sa babae
o lalakeng nang-agaw ng jowa mo sa’yo. Healthy yan. Kasi pagtapos mo umiyak,
medyo okay ka na. Marerealize mo na dapat di ka masyadong nagpaka-Basha o Popoy
dahil lang sa ipinagpalit ka.
Hindi
din natin masisisi ang mga kaibigan natin na hanggang ngayon ay nasa phase pa
din ng first 3hours to 1day of moving on kahit na ilang taon na nakipag-break
sa kanila ang kani-kanilang mga jowa. Mahirap magmahal, pag nag-bf o gf ka,
dapat ihanda mo sarili mo, kasi may chance na may mangyari na hindi mo gusto.
Sa mga sobrang na-crushed nga ng break up, yung iba hindi na nag-asawa, nawalan
na ng trust sa sarili at sa ibang tao yun na din yung way nila para hindi na
masaktan pa ulit, yung iba naman naging kabaligtaran, naging salawahan o mas
madami pa, para maprotektahan din ang sarili nila mula sa heart break. Promise,
yung mga two timers, nasa moving on phase pa lang yan.
May
iba’t ibang klase ng mga nagmo-move on level, yung iba defense mechanism,
yung iba naman parang trip lang talaga nila na maging ganun. Una;
1.
The Actor.
Halimbawa:
Kaibigan1: P’re, balita ko nagbreak na kayo
ng GF mo, okay ka na?
Ikaw: OO NAMAN P’RE! (naka-two thumbs up
pa) ANG SAYA KO NA NGA EH! WALA NA MAGBABAWAL SA AKIN, WALA NA MANGUGULIT KUNG
UMUWI NA BA AKO, WALA NA MAGPAPAALALA SA’KIN NA KUMAIN ON TIME, WALA NA
MAGBABAWAL SA AKIN MAG-DOTA, WALA NA AKONG IHAHATID AT I-GOGOODBYE KISS….
(singhot) WALA NA AKONG BABATIIN NG HAPPY MONTHSARY.. WALA NA..
HUHUHUHU..
Kaibigan1: P’re, umiiyak ka ba?
Okay, base sa ating example, alam niyo na
kung ano ang ibig sabihin ng Actor. Siyempre, playing strong ka muna, aarte ka
na parang walang nangyari, pride mo na din, nakakahiya naman sa mga macho mong
tropa. Pero deep inside, malungkot ka, o depress ka. Depende kung pa’no mo
i-take yung break up. Minsan kasi, si Kaibigan1 ang tanga lang din magtanong.
Kung isa ka sa mga Kaibigan1, wag ka na magtanong, alam mo naman sagot eh,
tanungin mo na lang kung gutom siya at yayain mo siya kumain ng fishball, in
that way, medyo malilimutan na niya ang ex niya at malay mo, ang mga broken
kasi madalas, galante yan, may chance na mailibre ka pa.
2.
The Stalker
Halimbawa:
Araw-araw ka naka-online at nakatambay sa
FB wall ng ex mo, inaabangan mo kasi kung magpalit na siya ng relationship
status niya at pipilitin mo i-connect sa sarili mo ang bawat FB post at tweets
niya. Iniisa isa mo din ang mga bagong pictures niya at kinikilala yung mga
kasama niya sa picture na di mo pa name-meet at paghihinalaan mong bago niyang
jowa. At dahil dun, magpopost ka naman ng mga pasaring, palipad hangin o
indirect quotes patama sa kanya.
Lahat ng nakipag-break, lahat ng nagmo-move
on ay mga Stalker. Hindi lang sa gusto mong updated sa happenings ng ex mo, at
kung paano niya i-handle ang break up niyo o ano na siya ngayon at break na
kayo. Pride mo na naman kasi yan, lalo na kung kakabreak niyo lang ay may bago
na siyang ka-PDA sa FB. Siyempre, pag may bago na siya, hahanap ka na din ng
ka-PDA, ang bad lang dun kung wala kang makita na makikipaglandian at makikipag
wall-to-wall sa’yo sa FB. Normal yan. Wag mo maliitin sarili mo. Wag ka na lang
maghanap ng ka-PDA. Tignan mo yung ex mong may bagong ka-PDA, eh, kakabreak
niyo lang, mukhang timang, bakit? Kasi lantaran niyang pinapakita na pinagtatakpan
niya ang sarili niya na kunwari hindi siya nasaktan at ang ganda o ang gwapo
niya dahil may bago siyang kalandian. Feeler lang. E, ano naman kung silent ka
lang? In that way, mas madaling magmove on. Kasi walang gumugulo sa’yo. Wag
kang hahanap ng rebound, babangasan kita! Sige! Sinaktan ka na nga, at alam mo
na yung feeling ng nasaktan tapos maghahanap ka pa ng uto-uto, tapos papadama
mo sa kaniya yung ganoong feeling? Ang bad mo naman.
Symptoms na di ka na Stalker:
·
Wall mo na lang pinapakialaman mo, o di kaya
yung wall ng bago mong crush.
·
Di na connected sa kaniya ang mga post mo at di
ka na nagsi-share ng mga video from YouTube nang iba’t ibang version ng theme
song niyo.
·
Pag nakita mo sa News Feed yung mga post niya,
di ka na curios.
·
Last, nila-like mo na yung mga post niya.
Okay din ako sa pagba-block ng ex
sa FB, kasi sa totoo lang, ang mas hindi makakatulog sa scenario na yun ay yung
nablock. Kasi for sure, yung blocked ex mo, gustong gusto mag-stalk nun, kaso
wala na siyang access sa account mo. Mas map-prevent mo ang ka-feeling-an ng ex
mo at mas mapapadali ang pagmo-move on.
3.
The Ninong
Halimbawa:
Isang
gabi.. May nareceive kang text mula sa ex mo.
Ex: hi gndang gbi.. kmusta?
Ikaw: Hello! =)) Okay lang naman
ako.. Ikaw? Buti naman nagtext ka.
Ex: ah.. my ttnungin sna aq..
Ikaw: Ah, ano ba yun? =)))))
Ex: my xtra lod ka b? ppsalod nman
ng 15.. im4tant lng..
Ikaw: Ah, okay. Wait! ^^
(sending load…… sent!)
Ikaw: Receive mo na ba?
Ex: oo.. ty.
Ikaw: Okay lang, ikaw pa.. Malakas
ka sa akin eh.. =)) Kamusta ka na ba?
Ikaw: Uy!
Ikaw: Honebaby?
Ikaw: Reply naman dyan..
Ikaw: L
Ikaw: Tulog ka na ba?
Ikaw: Baka tulog ka na nga..
Goodnight. Text ka na lang bukas. Miss you! <3
Another Halimbawa:
Isang gabi, habang nag-FB ka.
Nag-chat sa’yo ang ex mo.
Ex: J
Ikaw: J
Ex: pwede palike?
Ikaw: Okay, amin na yung link.
Based sa ating mga halimbawa, alam
mo na ito. Masyado kang mabait sa ex mo, parang Ninong/ Ninang. Galante ka din.
Teka, ex mo na nga siya eh. Technically, wala ka na responsibility sa kaniya.
Obvious na kaya ka mabait ay dahil may hope ka pa na bumalik siya. Eto ang
gawin mo, play tough. Play astig. Wag na masyado maawa. Pride naman gamitin mo
dito. Kung may chance pa na magbalikan kayo, hindi na kelangan ang pagiging
galante o mapagbigay. Isipin mo ito, bigay ka ng bigay sa ex mo, naging mabait
ka, nililibre mo pa din siya ng lunch. Sinusundo at inihahatid mo pa din siya.
Nireregaluhan mo pa din siya, dinadala sa mga mamahaling lugar. Tapos nagkabalikan
kayo. Bakit? Kasi nakonsensya si ex mo. Hindi sa mahal ka ulit niya. Sige mahal
ka daw ulit niya. Gaano?
Eto factor’s percentage breakdown
ng nakipagbalikan out of konsensya:
9%- Love as a jowa
45%- Malaki ang natitipid (dahil
nalilibre sa pamasahe, pagkain at nakakapunta sa mga lugar na pang-rich)
25%- Uto- uto ka
20%- Maawain siya
________________
99%
99% pa lang yan, di pa kumpleto,
yung 1% miscellaneous reasons na yun like, trip niya lang makipagbalikan, pogi
or maganda ka, matalino ka, mabait ang parents mo, mabilis ang Wi-Fi connection
niyo atbp.
Actually, ayoko magmagaling, kasi hindi naman talaga ako magaling sa pagmo-move on. Ayoko maging bihasa dahil sa hindi naman kailangang madaliin ang pagtanggap at pagle-let go.
Alam mo, pinaka magandang gawin ay yung pasayahin mo na lang ang iyong sarili at little by little makakalimutan mo din siya. Ice cream, chocolate, DoTA, extra rice, Boracay at kung anu-ano pang magpapasaya sa'yo ay gawin mo.
Ikaw yan. Deserving ka maging masaya at maligaya. Magbigay ka ng time limit sa pag-iyak at pagdaramdam sa isang taong kung tutuusin naman ay hindi naman din mahalaga pag nawala. Mga 2hours-3days, after nun, maging okay ka na. Kasi ang ika-4 days na pagluluksa ay kaartehan mo na lang. Okay?
Sige, hanggang dito na lang! Hanggang sa muli! Apir! ✋
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento