Get back to your Filipino roots this 2014 as “Pinoy Big Brother” teens Myrtle Sarrosa and Yves Flores join Kuya Kim in exploring Pinoy art and culture this Sunday (Apr 6) in “Matanglawin.”
From dressing up as anime characters, Myrtle puts on her FIlipiniana as she visit Villa Tortuga, or the villa of turtles in Batangas and becomes Maria Clara for a day.
Everything old will be new to the eyes as she takes a tour down memory lane and gets to experience holding a camera that takes two minutes to take a photo, learn the secret language of courtship via a fan, and eat yellow adobo with the classic tsokolate “eh!”
She’s not the only one taking a food trip though because back in Angono, Rizal, the Art Capital of the Philippines, Yves is manning it up to take his first bite of cooked coconut worms or uok.
He’ll also try his hand at painting realistic, slice-of-life sceneries inspired by famous Angono-bred artists such as Carlos Botong Francisco and Nemesio Miranda Jr. or Nemiranda.
Meanwhile, Kuya Kim will also take you on a journey to learn all about chairs inspired by classic Filipino legends.
Now on its sixth year, “Matanglawin” continues to educate its viewers via fun-filled and trivia-filled episodes weekly. It has been consistently earning accolades from various award-giving bodies with Kuya Kim being among the top choices as best educational program host. Just recently, the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) recognized the program with the very prestigious Ani ng Dangal award. “Matanglawin” also made it as finalist in the Educational/Instructional category of this year’s New York Festivals where it will compete with entries from different parts of the world.
Don’t miss “Matanglawin,” this Sunday (April 6), 9:30 AM, on ABS-CBN. For more updates, follow @matanglawintv on Twitter or like www.facebook.com/matanglawintv.
-30-
MYRTLE AT YVES, BIBIGYANG PUGAY ANG KULTURA AT SINING NG PINOY SA “MATANGLAWIN”
Balikan ang ugat nating mga Pilipino ngayong 2014 kasama si Kuya Kim at ang “Pinoy Big Brother” teens na sina Myrtle Sarrosa at Yves Flores ngayong Linggo (Apr 6) sa kanilang pagtuklas ng kultura at sining na tunay na tatak Pilipino sa “Matanglawin.”
Mula sa pagdadamit-anime ay Filipiniana naman ang isusuot ni Myrtle sa kanyang pagbisita sa Villa Tortuga sa Batangas kung saan susubukan niyang maging Maria Clara sa loob ng isang araw.
Isang Pinoy style throwback din ang magaganap dahil ipapakita ni Myrtle ang paggamit sa camera na dalawang minuto kung kumuha ng litrato, kung paano manligaw gamit ang pamaypay, at pagkain ng dilaw na adobo na may kasamang tsokolate.
Hindi lang si Myrtle ang mag-food trip dahil sa bandang Angono Rizal naman na kilala bilang Art Capital ng bansa ay sasabak si Yves sa pagkain ng uok o coconut worms.
Susubukan niya ring magpinta ng makatotohanang tanawin tulad ng mga tanyag na pintor na tubong Angono na sina Carlos Botong Francisco at Nemesio Miranda Jr. o Nemiranda.
Samantala, dadalhin naman kayo ni Kuya Kim sa isang paglalakbay patungo sa mga upuang hango sa mga alamat.
Sa ika-anim na taon ng “Matanglawin,” patuloy pa rin ang pagbabahagi ng programa ng kaalaman lalo na sa mga batang manonood nito. Kaya naman kaliwa’t kanan na ang mga parangal na natatangap nito mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Kamakailan lang ay kinilala ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ginawaran ng prestihiyosong Ani ng Dangal award. Kabilang din ang programa sa finalist para sa Educational/Instructional category ng New York Festivals kung saan kakalabanin ng “Matanglawin” ang entries mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Huwag palalampasin “Matanglawin” sa Linggo (Apr 6), 9:30 AM sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, sundan ang @matanglawintv sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/matanglawintv.
-30-