Kapamilya stars Julia Barretto and Enrique Gil are set to capture the hearts of primetime TV viewers as they team up for the first time in ABS-CBN’s upcoming fantasy series “Mira Bella,” which premieres this March.
“All artists, especially newcomers like me, dream to have our own teleserye. And with this opportunity given to me by ABS-CBN, I promise to do my best for our show,” said Julia.
Like Julia, Enrique admitted that he is also excited for the premiere of “Mira Bella.”
“This is my first ever fantaserye and I can’t wait to share it with the viewers. It’s a new experience that has taught me new things and has given me the chance to work with other great actors for the first time. It is very refreshing,” he said.
Meanwhile, Julia and Enrique shared that they believe that the primetime audience will enjoy the narrative of their program. “’Mira Bella’ is perfect for the whole family this upcoming summer season. It is a story about family, love, and acceptance. TV viewers, especially the younger generation, will surely learn a lot from our story,” Julia shared.
Julia will portray the character of a young girl cursed to have a wood-like skin named Mira, who is secretly admired by her blind best friend Jeremy, who will be played by Enrique.
Despite her extraordinary characteristic, Mira grows up as an obedient and kind-hearted child because of her stepparents Osang (Pokwang) and Paeng (John ‘Sweet’ Lapus).
Also joining Julia, Enrique, Sweet, and Pokwang in “Mira Bella” are Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Mika dela Cruz, and Gloria Diaz. It is directed by Erick Salud, Jojo Saguin, and Jerome Pobocan.
“Mira Bella” is the newest masterpiece of Dreamscape Entertainment Television, the group that created the phenomenal drama series “Walang Hanggan,” top-rating superhero teleserye “Juan dela Cruz,” and the timely series “Honesto,” which is already nearing its finale.
Don’t miss the beginning of a beautiful love story in “Mira Bella” this March on ABS-CBN Primetime Bida.
For more information about “Mira Bella,” visit the show’s official social media accounts at Facebook.com/MiraBellaOnline and Twitter.com/MiraBellaOnline.
-30-
Official summer teleserye ng 2014, mapapanood na sa Primetime Bida ngayong Marso!
TAMBALANG JULIA BARRETTO AT ENRIQUE GIL, SISIBOL SA FANTASERYENG “MIRA BELLA”
Handa na ang Kapamilya stars na sina Julia Barretto at Enrique Gil para bihagin ang puso ng TV viewers ng ABS-CBN sa kauna-unahan nilang primetime teleseryeng pagtatambalan, ang “Mira Bella” na magsisimula nang umere ngayong Marso.
“Lahat naman po ng artista, lalo na ang mga baguhang katulad ko, nangangarap na magkaroon ng sarili nilang teleserye, kaya ngayon pong binigyan ako ng ABS-CBN ng pagkakataong ito, gagawin ko po talaga ang best ko para mapaganda ang show namin,” pahayag ni Julia.
Inamin naman ni Enrique na katulad ni Julia ay excited na rin siya para sa pagsisimula ng “Mira Bella.” Aniya, “Bagong experience siya sa akin kasi una kong fantaserye ito. Excited ako sa bagong lessons, bagong mga katrabaho, at sa bago kong character. Refreshing siya para sa akin.”
Samantala, naniniwala sina Julia at Enrique na mae-enjoy ng mga manonood ang kwento ng kanilang upcoming fantaserye sa ABS-CBN. Ani Julia, “Tamang tama po para sa nalalapit na summer season ang ‘Mira Bella’ dahil iikot ang istorya nito sa pamilya, sa pag-ibig, at sa pagtanggap sa sarili sa kabila ng panlabas na kaanyuan. Sigurado pong maraming matututunan ang TV viewers, lalo na po ang mga kabataan.”
Gagampanan ni Julia sa “Mira Bella” ang karakter ng isang dalagang sinumpa na magkaroon ng balat na tulad ng isang kahoy na si Mira, na palihim na iniibig ng kanyang bulag na kaibigan na si Jeremy (Enrique).
Sa kabila ng kanyang kakaibang katangian, lalaki si Mira na mabait at masunurin dahil sa pagmamahal ng mga magulang na umampon sa kanya na sina Osang (Pokwang) at Paeng (John ‘Sweet’ Lapus).
Bukod kina Julia, Enrique, Sweet, at Pokwang, tampok din sa “Mira Bella” sina Sam Concepcion, Mylene Dizon, James Blanco, Mika dela Cruz, at Gloria Diaz. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan.
Ang “Mira Bella” ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng phenomenal TV program na “Walang Hanggan,” top-rating superhero teleserye na “Juan dela Cruz,” at ng malapit nang magtapos na “Honesto.”
Abangan ang pagsibol ng naiibang kwento ng pag-ibig sa “Mira Bella” ngayong Marso na sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Mira Bella” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MiraBellaOnline at Twitter.com/MiraBellaOnline.
-30-