2013-10-04

The cast of “Annaliza” celebrates the 60th year of Philippine television with the whole family this Saturday and Sunday (Oct 5 and 6) in ABS-CBN’s much-awaited “Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend” at the Quezon Memorial Circle.

 

Andrea Brillantes and her kiddie co-stars invite children to visit their booth in the Kapamilya Village on both days where they can enjoy fun-filled activities such as face painting.

 

Andrea, together with Bugoy Cariño, Nathaniel Britt, Dale Baldillo, and Kyline Alcantara will also perform on the mini-stage near the Kapamilya Village on Saturday (Oct 5) and will go straight to their booth afterwards to bond with their booth visitors.

Moms and dads will also get a slice of fun on Sunday (Oct 6) as Andrea once again visits the “Annaliza” booth, this time, with the adult cast members of the show that include Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel, Patrick Garcia, and Carlo Aquino.

 

“Annaliza” continues to dominate on its time slot and remains as one of the Top 4 most-watched program in the country, according todata from Kantar Media.

 

Avid fans will surely get hooked even more this week as Annaliza finally reunited with her biological parents, Lazaro (Patrick) and Isabel (Denise). Guido (Zanjoe), meanwhile, finally decides to let Annaliza go and let the young girl be with her real family.

 

But it’s still not happily ever after for Annaliza as Makoy (Carlo Aquino) turns things around and will make everyone believe that Guido is behind Annaliza’s kidnapping many years back.

 

Don’t miss “Annaliza” weeknights before “TV Patrol” in ABS-CBN’s Primetime Bida. For updates, like the show’s official Facebook page at www.facebook.com/Annaliza2013 or follow @Annaliza2013 on Twitter. Share your experiences with “Annaliza” this weekend using the hashtag #Kapamilya60years.

-30-

MGA CHIKITING, IMBITADO NI ANNALIZA SA GRAND KAPAMILYA WEEKEND

Magbibigay saya ang top-rating family drama na “Annaliza” sa pinakamalaking selebrasyon ng ika-60 taon ngPhilippine television ngayong Sabado at Linggo (Oct 5-6) sa “Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend” sa Quezon Memorial Circle.

Inaanyayahan ni Andrea Brillantes at ng kanyang mga kid co-star ang mga kabataan na tunghayan ang kanilang kiddie booth sa Kapamilya Village sa parehong araw kung saan maaari nilang ma-experience ang nakakaaliw na activities tulad ng face painting.

Magtatanghal naman sa Sabado (Oct 5) sa ganap na 10AM sina Andrea, Bugoy Cariño, Nathaniel Britt, Dale Baldillo, at Kyline Alcantara sa mini stage na malapit rin sa Kapamilya Village. Pagkatapos nito ay didiretso na sila sa “Annaliza” booth para maki-bonding sa mga batang naroon.

Pagsapit ng Linggo (Oct 6), sina mommy at daddy naman ang mag-eenjoy dahil muling dadalaw sa “Annaliza” booth sa QC Circle si Andrea kasama ang iba pang mga bida ng serye na sina Zanjoe Marudo, Kaye Abad, Denise Laurel, Patrick Garcia, at Carlo Aquino.

Talaga namang wala pa ring tigil ang suporta ng publiko sa mas lumalaki pang mundo ni “Annaliza” dahil sa patuloy na pamamayagpag nito sa ratings. Nanatili pa rin ang “Annaliza” bilang isa sa Top 4 na pinakapinapanood na programa sabansa ayon sa datos ng Kantar Media.

Ngayong linggo, tiyak mas tutukan angkuwento ng family drama lalo pa’t nakilala at nakasama nang muli ni Annaliza ang kanyang tunay na mga magulang na sina Lazaro (Patrick) at Isabel (Denise). Magpapasya na rin si Guido (Zanjoe) na tuluyan nang magparaya at ipaubaya na si Annaliza sa kanyang totoong mga magulang .

Ngunit hindi pa riyan magtatapos ang dagok sa kanilang mga buhay dahil babaliktarin ni Makoy (Carlo Aquino) ang lahat at papalabasing si Guido ang mastermind sa pagdukot kay Annaliza ilang taon na ang nakakaraan.

Huwag nang bibitiw sa makapigil-hiningangmga eksena sa “Annaliza” gabi-gabi, bago mag-“TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa     https://www.facebook.com/Annaliza2013     o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter. Pag-usapan ang “Annaliza” ngayong weekend gamit ang hashtag na #Kapamilya60years.

-30-

Show more