2014-01-28



Fourteen pairs of overweight Filipinos embark on a journey that will change their lives beginning Monday (Feb. 3) with the much-anticipated premiere of the country’s biggest reality show, “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.”

The reality show’s second Philippine edition is hosted by acclaimed actress Iza Calzado. She will be joined by challenge masters Matteo Guidicelli and Robi Domingo, along with fitness coaches Jim and Toni Saret who will train and help the contestants reclaim their health.

After scouring the country for pairs with heartwarming stories, “Biggest Loser Doubles” will introduce in its premiere the 14 pairs of contestants Filipinos can draw inspiration from.

Both in their early 20s, brothers Ralph and Christian are successful businessmen who joined “Biggest Loser” because they believe that the people they work with will respect them and take them more seriously if they are physically fit.

Sisters Tin and Dianne, on the other hand, are both very pretty and charming, but claim they have never had a boyfriend because of their obesity.

Married couple Carl and Kayen made a promise to each other to not only lose weight but also to become a better husband and wife for each other and become better parents to their three-year-old son.

Eating has always been siblings Bryan and Ikya’s way of bonding with each other,  both believe that they started gaining weight when a doctor prescribed them “pampagana” medicines when they were kids.

Both from Cebu, the “happy and gay” Bien and his girl best friend Mai have been officemates in a call center for three years and instantly became friends because of their huge appetite for fun, food, and drinking alcohol.

Tristan and Jepoy have been friends for more than 20 years since high school. In Tanza, Cavite where they are from, they are the biggest and heaviest in their barkada.

Cousins Lovely and Carol have been witnesses to each other’s tragedies in life. Now they are on both on a quest to regain their health back for themselves and for their families.

Meanwhile, it has always been twins Chrisfer and Chesfer’s goal to get fit, a promise they made to their father before he passed away at an early age due to obesity.

Both from well-known showbiz families, Pat and Cathy are well acquainted with the limelight. Pat is the daughter of Yayo Aguila and William Martinez, while Cathy comes from the showbiz clan of the Revillas. Though their parents work in the same industry, they have never met each other and are one of the “stranger pairs” of this edition.

Cherry and Randall have been best friends since their college days in UST where they met as members of the Salinggawi Dance Troupe. After they graduated from college, both have lived their respective lives and gained weight.

The next “Biggest Loser Doubles” pair met and became friends while competing against each other at a local beauty pageant called Bilbiling Mandaluyong, a pageant for obese women, where Benzi was named the Bilbiling Mandaluyong 2012 and Ysai was named the first runner-up.

Francis and Andrew, the show’s second stranger pair, both have their families as their inspiration. Andrew wants to get fit for his girlfriend and his future kids.

Mommy Osie used to express her love for her kids through food, but this has only led to their weight gain over the years. Now, Mommy Osie wants to correct this by joining “Biggest Loser” with her daughter Nina.

Biggie turned to drugs as a means to lost weight, until it was found out one day by his girlfriend Valerie. As they continue to build their relationship, they are ready for their second chance at life.

In the first week of “Biggest Loser Doubles,” the 14 pairs will go through pre-camp, the first part of the competition where they will be asked to lose weight on their own, using only the things that are readily available in their homes and environment, for 30 days.

The 14 pairs will then meet and weigh themselves on the “Timbangan ng Bayan,” which will determine which of the pairs lost the highest percentage of their total weight and enter the “Biggest Loser Doubles” camp.

Inside the camp, each pair is expected to do everything it takes to stay in the competition and encourage each other to lose weight — a twist that will also test their relationship as relatives, work colleagues, or friends and will show that in having a partner, the journey to a better life will be lighter.

Watch them change not only their bodies, but also their lives as they compete with each other in a bid to win P1 million, appliance showcase, P100,000 worth of sports merchandise from Toby’s, lifetime gym membership at Gold’s Gym, a kitchen showcase, among others.

For updates on the program, follow @BLPinoyEdition on Twitter and @biggestloserdoubles on Instagram or like www.facebook.com/abscbn.

biggestloserpinoyedition.

 

Bigating reality show, magsisimula na sa Lunes!

14 PARES, BABAGUHIN ANG KANILANG BUHAY SA “BIGGEST LOSER PINOY EDITION DOUBLES”

Haharapin na ng 14 pares ng mga bigating Pilipino ang pinakamalaking hamon tungo sa kalusugan upang baguhin ang kanilang buhay simula ngayong Lunes (February 3) sa inaabangang pagsisimula ng “The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.”

Pangungunahan ng award-winning actress na si Iza Calzado ang reality show, habang magsisilbi namang challenge masters sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, at fitness coaches naman ang mag-asawang Jim and Toni Saret na siyang gagabay sa contestants sa kanilang pagbabawas ng timbang.

Matapos lumibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang hanapin ang mga pares na may pinaka-nakakaantig na kwento, isa-isang ipapakilala ng “Biggest Loser Doubles” ang 14 pares na may iba’t ibang ugnayan at kapupulutan ng inspirasyon.

Ang Chinese negosyante brothers na sina Ralph at Christian, gustong magpapayat sa paniniwalang mas rerespetuhin at seseryosohin sila ng kanilang mga katrabaho kapag mas malusog ang kanilang pangangatawan.

Pareho namang maganda ang nurse sisters na sina Tin at Dianne, ngunit hindi pa nagkakaroon ng boyfriend dahil umano sa kanilang katabaan.

Nariyan din ang mag-asawang Carl at Kayen, na gustong tuparin ang kanilang pangakong maging mas mabuting asawa para sa isa’t isa at para sa kanilang tatlong taong gulang na anak.

Bonding moment naman para sa magkapatid na Bryan at Ikya ang pagkain, at parehong naniniwalang nagsimula silang tumaba sila noong nirekomenda ng kanilang doktor na uminom sila ng mga pampaganang gamot noong mga bata pa sila.

Gaya nila, lumaki ring mataba ang “happy and gay” na si Bien at ang best friend nitong si Mai, ang mag-officemates mula sa isang call center sa Cebu na naging matalik na magkaibigan dahil sa pareho nilang hilig na kumain at uminom.

May kanya-kanya mang mga pinagdadaanan sa buhay, parehong hangad ng magpinsang Lovely at Carol na maging malusog para sa kani-kanilang sarili at pamilya.

Tubong Davao ang kambal na sina Chrisfer at Chesfer, na gustong makapagbawas ng timbang upang tuparin ang pangakong binitiwan nila sa kanilang amang pumanaw na dahil sa labis na katabaan.

Pareho namang galing sa kilalang showbiz families sina Pat at Cathy. Si Pat ay anak ni Yayo Aguila at William Martinez. Si Cathy naman ay mula sa angkan ng mga Revilla. Kahit na nagtatrabaho ang kanilang mga magulang sa iisang industriya, hindi pa nila nakikilala ang isa’t isa at isa sa tinatawag na “stranger pairs” ng edisyong ito.

Mag-best friends ang ex-cheerleaders na sina Cherry at Randall na nagkakilala sa UST Salinggawi Dance Troupe, ngunit matapos ng college, nagkaroon na sila ng kanya-kanyang mga buhay at kapwa tumaba.

Sina Benzi at Ysai naman, naging magkaibigan matapos kapwa manalo sa isang beauty pageant para sa mga bigating babae na Bilbiling Mandaluyong 2012.

Inspirasyon naman ng isa pang “stranger pair” at gwapings na sina Francis at Andrew ang kanilang pamilya, lalo na si Andrew na gustong pumayat para sa kanyang girlfriend at magiging anak.

Bilang isang ina, paraan daw ni Mommy Osie na ipakita ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng paghahanda ng masasarap na luto na siyang ikinataba ng kanyang mga anak. Gusto niyang itama ito sa pamamagitan ng pagsali sa “Biggest Loser Doubles” kung saan katuwang niya ang anak na si Nina.

Magtropa na nang 20 taon mula high school sina Tristan at Jepoy, na siyang ang pinakamalaki at pinakamabigat daw na miyembro ng kanilang barkada sa Tanza, Cavite.

Dating naadik naman sa droga si Biggie dahil sa desperasyon at matinding kagustuhan na pumayat, hanggang sa matuklasan ito ng kanyang kasintahan na si Valerie. Sa loob ng “Biggest Loser” camp, sabay nilang huhugutin sa isa’t isa ang inspirasyong baguhin ang kanilang mga buhay.

Sa unang linggo ng “Biggest Loser Doubles,” isang bagong twist agad ang matutunghayan sa tinatawag na “pre-camp.” Sa pre-camp ay hahamunin ang mga pares na magbawas ng timbang sa loob lamang ng 30 days gamit lamang ang sarili nilang pagsisikap upang subukin ang kanilang determinasyong makapasok sa “Biggest Loser Doubles” camp.

Matapos ang 30 araw, magkikita ang 14 pares sa “Timbangan ng Bayan” para alamin kung sino-sino lamang ang may mga malaking nabawas sa pinagsamang timbang na siyang bubuo sa opisyal na hanay ng Biggest Loser contestants.

Sa loob naman ng camp, inaasahang uudyukin ng mga miyembro ng bawat pares ang isa’t isa na gawin ang lahat upang manatili ang kanilang koponan sa kumpetisyon kaya’t masusubok din ang kanilang samahan bilang magkapamilya, magkaibigan, o magkabiyak.

Sino kaya sa kanila ang magagawang magbawas ng pinakamalaking porsiyento ng timbang sa pagtatapos ng kumpetisyo at siyang mananalo ng premyong  P1  milyon, appliance showcase, P100,000 worth ng sports merchandise mula sa Toby’s, pamhabangbuhay na membership sa Gold’s Gym, isang kitchen showcase, at marami pang iba?

Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @BLPinoyEdition sa Twitter at ang @biggestloserdoubles sa Instagram o i-like ang www.facebook.com/abscbn.

biggestloserpinoyedition.


Show more