Broadcast journalist Ted Failon looks into the complaints of the employers against the recently-implemented Kasambahay Law this Saturday (July 6) in Failon Ngayon.
The employers are criticizing the alleged unsystematic process of registration in SSS, PAGIBIG and PhilHealth for their helpers’ benefits. Moreover, they are obliged to pay the helpers’ SSS contributions from the month the latter started working for them.
For instance, Imelda del Carmen, who has two helpers for two years, has to pay approximately P20,000 to SSS from their monthly salary worth P3,500.
Filipinos’ interest and patronage to Social Networking Sites will also be tackled in the episode since the Philippines has been dubbed Social Networking Capital of the World. Aside from social network, Filipinos addiction to the mobile game Candy Crush that cuts across ages will also be discussed.
Meanwhile, get to discover which whitening and anti-aging products to avoid and can cause negative health effects.
Don’t miss the full report in “Failon Ngayon” this Saturday (July 6), 4:45 PM, after SOCO on ABS-CBN with a replay on ANC every Sunday, 2PM. Visit its Facebook page at www.facebook.com/failon.ngayon and follow it on Twitter via @Failon_Ngayon. Tweet your thoughts and reaction this weekend using the hashtag #FN.
-30-
MGA REKLAMO SA BATAS KASAMBAHAY, HIHIMAYIN SA “FAILON NGAYON”
Hihimayin ni Ted Failon ngayong Sabado (Hulyo 6) ang mga reklamo ng employers sa kakapatupad pa lamang na Kasambahay Law sa “Failon Ngayon.”
Daing ng mga amo, magulo umano ang sistema ng pagpaparehistro sa SSS, PAG-IBIG at PhilHealth para sa benebisyo ng mga kasambahay. Dagdag pasanin din ang obligasyon nilang bayaran ang SSS contributions ng mga ito simula sa buwan na nanilbihan ito sa kanila.
Tulad na lamang ni Imelda del Carmen na may dalawang kasambahay at dalawang taon nang naninilbihan sa kanya. Kaya naman aabot sa halos P20,000 ang bayarin ni Imelda sa SSS para sa contributions ng mga ito mula sa sweldo nilang P3,500 kada buwan.
Tatalakayin din ang pagkahilig ng mga Pilipino sa Social Networking Sites dahilan para bansagan ang Pilipinas bilang Social Networking Capital of the World. Maging ang kinababaliwang mobile game na Candy Crush ay hihimayin din.
Samantala, alamin ang tamang pag-iingat sa mga produktong pampaputi at pampabata gaya ng stem cell therapy na lingid sa kaalaman ng marami ay nakakasama pala sa kalusugan ang ilan na maari pang magpapaikli ng buhay.
Sa mga isyu ngayon, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Hulyo 6), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/
failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sahttp://www.twitter.com/
Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FN.
-30-