2013-06-26

“Maalaala Mo Kaya” will present again this Saturday (June 29) the inspiring story of 11-year-old Rizza Abaño (played by Abby Bautista) and her brothers and schoolmates in Isla Mababoy in Masbate who were all so motivated to study even if they had to swim in an open sea just to get to school.

Almost a year after ABS-CBN shared the unique “journey” of the kids, who are now popularly known as “batang langoy,” many people and organizations–including ABS-CBN–were touched and eventually inspired to help out.

Even before the show premiered the ‘batang langoy’ story, “MMK” had been actively coordinating with ABS-CBN Lingkod Kapamilya News and Current Affairs to extend assistance to the students in Isla Mababoy. The objective of “MMK” to build a nearby concrete and permanent school for the kids became an easy task through the united efforts of various groups in ABS-CBN including Lingkod Kapamilya, Sagip Kapamilya, and Pinoy Big Brother, all of which made efforts to raise funds for the project. A lot of other donors gave donations for the “dream school” until the total fund reached P1.2 million.

With enough help from everyone including the engineering department of the Philippine Army who constructed the additional classrooms, Mababoy Elementary School was finally built last March, in time for the opening of school year 2013-2014. Aside from the new school building, good-hearted donors provided the students with armchairs, books and school supplies.

The “batang langoy” episode also features Arjo Atayde, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, and Crispin Pineda. It was researched by Mae Rose Balanay, written by Mark Angos, and directed by Rechie Del Carmen.

Don’t miss another inspiring TV masterpiece this Saturday in the longest running drama anthology of Asia, “Maalaala Mo Kaya” (MMK), after “Wansapanataym” on ABS-CBN.

For more updates, log on to www.mmk.abs-cbn.com, follow MMKOfficial on Twitter, and “like” www.facebook.com/­MMKOfficial.

-30-

ABS-CBN, muling ipalalabas ang kuwento ng mga batang nilalangoy ang dagat para lang makapag-aral…
“MMK” NAGSILBING DAAN UPANG ISAKATUPARAN ANG DREAM SCHOOL NG MGA ‘BATANG LANGOY’ NG MASBATE

Muling mapapanood sa “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Hunyo 29) ang puno ng inspirasyong kuwento ng mga “batang langoy” ng Isla Mababoy sa Masbate na buong tapang na nilalangoy ang dagat makapasok lamang sa kanilang eskwelahan.

Matapos ang halos isang taon mula nang ibahagi ng ABS-CBN ang naiibang “paglalakbay” ng labing-isang taong gulang na si Rizza Abaño (ginampanan ni Abby Bautista) at ng kanyang mga kapatid at kaklase, marami–kabilang ang ABS-CBN–ang naantig sa kanilang istorya at buong pusong tumulong upang maibsan ang hirap ng mga batang mag-aaral sa isla.

Bago pa man maipalabas sa telebisyon ang kuwento nila Rizza ay aktibong nakipagtulungan na ang “MMK” sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya News and Current Affairs sa hangaring matulungan ang mga estudyante sa Isla Mababoy. Ang adhikain ng “MMK” na makapagpatayo ng konkreto at permanenteng paaralan para sa mga bata ay hindi naging mahirap isakatuparan dahil na rin sa tulong ng iba pang sangay ng ABS-CBN kabilang ang Lingkod Kapamilya, Sagip Kapamilya, at Pinoy Big Brother na pawang nakalikom ng malaking halaga. Marami ring iba pang donors ang nagbigay ng donasyon para sa naturang proyekto, hanggang sa umabot na ang kabuuang pondo sa P1.2 milyon. At noon ngang Marso ngayong taon tuluyan nang natapos ang Mababoy Elementary School sa tulong ng engineering department ng Philippine Army na sila mismong bumuo ng mga karagdagang silid-aralan. Bukod sa bagong school building, nagkaloob rin ang mga mabubuting loob na donor ng armchairs, mga libro at school supplies sa mga bata sa Isla Mababoy.

Dahil sa pagkakapit-bisig ng lahat, natupad ang “dream school” ng mga batang langoy. Kung noon ay tinatawid nila ang dagat upang makapag-aral, ngayon ay ilang hakbang na lamang ang layo nila mula sa bagong paaralang itinayo sa kanilang isla.

Bukod kay Abby, bahagi rin ng “MMK” episode na ito sina Arjo Atayde, Lito Pimentel, Ana Capri, Makisig Morales, BJ Forbes, at Crispin Pineda. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Mae Rose Balanay, panulat ni Mark Angos, at sa direksyon ni Rechie Del Carmen.

Balikan ang inspiring story ng mga batang langoy ng Masbate ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.”

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/­MMKOfficial.

-30-

Show more